[Christen Park] MGA KATOK ang gumising sa akin kinabukasan. Ayoko munang pansinin ang makulit na tao sa labas ng kuwarto dahil hindi ako makabangon sa higaan. Tanghali na pero wala pa rin akong plano na gumising at simulan ang aking umaga. Inaantok pa ako. Nang nagdaang gabi, umuwi si Daddy na may daplis sa binti. Nakangiwi ako na nilinis ang sugat niya. May edad na siya pero ha’yun at sumugod siya sa bahay ng manyak na si Mr. Chua kagabi. Nagkaroon daw ng engkuwentro at pinaputukan sila ng bala. Napagalitan niya ako nang todo kagabi dahil sa pakikipag-date ko kay Mikko Jang kaya hindi ako nakatulog nang maayos. Hindi ko alam kung ano ang kinahinatnan ni Mr. Chua kagabi pero ang sabi sa akin ni Mommy ay tinapos nila ang kontrata ni Miss Barbie sa kumpanya ng MGM. Nasorpresa nga ako n

