[Christen Park] INABOT ni Madam Xu ang botelya para mas masuri. "Bigay iyan ng doktor na nirekomenda ng matalik niyang kaibigan na si Terra. Ang totoo, may sumusuri sa kanyang psychologist na nandito rin sa parehas na ospital. May bumabagabag kasi sa anak ko," sagot sa’kin ng ginang. Sunod na tiningnan ko ang pangalan sa box ng cupcake. ‘Alice Bakeshop'. Sa pagkakatanda ko ay dito rin bumili si Mikko ng donut nang nakaraang gabi na ibinigay niya sa mga kapatid ko. Inilabas ko ang cellphone mula sa aking sling bag para tawagan si Matthew. Madami siyang magagawa na hindi kaya ng doktor na tulad ko. Sigurado na matutulungan niya ako sa bago kong trabaho na pagiging imbestigador. Nakailang ring din bago niya sinagot ang tawag ko. "Yes, my most beautiful pinsan?" "Matty, may kilala ka ba sa

