[Christen Park] NAGPAHATID ako sa Club 101. Hindi ko naman akalain na katapat lang pala ng club ang White Devil na pag-aari ni Ninong Rob na isa ring high-end bar. Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Corey. "Where are you?" "I'm here inside. Sorry, hindi ko kasi maiwan ang kaibigan ko na lasing na at sobrang likot. Pumasok ka na lang sa VIP room C.” ‘Tapos ay bigla siyang nagalit na halatang para iyon sa kaibigan na tinukoy niya. “Hey! Bumalik na tayo sa kwarto natin!" "Cor..ey. Hay... like tis man…" narinig ko sa kabilang linya bago ko pinutol iyon. Mukhang lasing na nga ang kasama niya. Napailing na lang ako at hindi na pinahirapan pa si Corey na tumuloy ako sa loob tulad ng hiling niya. Tinanong ko sa isang waiter na nakasalubong ko kung saan ang VIP room C. Itinuro naman

