Simula
Brianna Pov
Why I fall to the person who doesn't like me back?
Why I always end up liking him?
I met him online and he's one of my best online friend but I don't see him as a friend, I see him as a lover. - Brianna
Hi ako pala si Brianna, Bri for short at May kaibigan ako na napaka kulit akala mo kung sino pero grabe magaling siya sa lahat isa yun sa mga hinahanggan ko sakanya. At ng may biglang nagsalita sa call
Ay oo nga pala nanood kami sa messenger ng makulit na lalaki na iyon nakalimutan ko, isa ito sa bonding namin.
"hoy Bri nanood kaba? baka hindi ka nanood jan ha" wika ni bry.
"ha? oo nanood nga ako ang kulit mo kung nag cod nalang tayo, ang boring naman kasi ng pinapanood natin halos makatulog na nga ako e." palusot ko kasi hindi talaga ako nanood dahil totoo naman ang boring kaya.
"Sus ang sabihin mo hindi ka lang talaga nanood. Maganda nga ito e mga zombie gusto mo naman kasi ung mga love story ung may iyakan tapos mag rereklamo ka pag umiiyak ka sa pinapanood mo." sabi ni bry
Hindi ko pa pala napapakilala sa inyo ang aking kaibigan. Ayan si Bryan, Bry for short napaka kulit niyan madaldal siya lagi ang ka chikahan ko, magaling pa sa larong call of duty siya nga ang taga buhat namin ng mga kaibigan ko. Oo nabasa niyo naman diba sa una gusto ko siya, hindi naman masama mag ka gusto sa kaibigan diba? Hindi ko naman ginusto itong nararamdaman ko sakanya, nagising nalang ako isang araw gusto ko na siya..
"Hoy ano kanina pa ako nag sasalita dito wala kumikibo nakatulog kana ba ha?" so bry
"Gising pa ako may iniisip lang".