Uy, carats! Charot. Sino bias niyo sa Seventeen? Jeonghan here! Wala singit lang ako. Sige, basa na kayo.
***
Sia's
“Mga tanga! Huling libre ko na sa inyo 'yan! Intayin mo lang Flynn,” nagbabanta kong sabi at sabay kaming napatawa ni Cleo.
“Anong gagawin niyo sa akin ha?” kinakabahang tanong nito.
Nag kibit balikat lang kami ni Cleo at sabay pang tumawa ulit.
Habang naglalakad. May ilang pares ng mata ang nakatingin sa akin. Bakit ganoon ang pakiramdam ko? May nagmamasid sa akin.
“Cleo, Flynn, mauna na muna kayo roon sa room, may titignan lang ako.” sabi ko atsaka dumiretso sa garden.
“Palagi siyang nag iisa that time. Hindi niya pa noon kaibigan yung dalawang asungot na nakabuntot sa kanya nuon.”
Isang boses na kilalang kilala ko. Tangina, anong ginagawa niya rito? Bakit niya kausap si Draven?
“Ex ko si Sia,” dugtong pa ni Draei.
Wow. Ipinagmagaling pa. Anong trip niya at bakit niya sinasabi 'to?
“Mag isa lang siya palagi nuon. Lumapit ako sa kanya para magpakilala. Nahiya pa nga siya nung una kasi hindi raw siya sanay ng ganoon.” tuloy tuloy na sabi niya.
Naalala ko ang unang beses na nagkausap kami niyong punyetang Draei na'to. Akala mo kung sinong matino, nuknukan naman pala ng baho ang ugali.
“Hanggang sa magkamabutihan kami, inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko. At umamin rin siya. Sobrang saya ko nuon, niligawan ko siya. Hindi rin naman nagtagal sinagot niya na rin ako. Kaya nga lang, may mga sikreto talagang hindi nabubunyag,” pakikinig ko sa usapan nilang dalawa.
Sinungaling. Nararamdaman niya sa akin? Wala naman siyang nararamdaman nuon ah? Puro pantitrip! Tska saang part siya masaya? Sa pang gagago niya sa akin?
“Nalaman niyang pinagpustahan namin siya kapalit ng kotse. Siraulo kasi itong si Mark, kailangan na kailangan ko kasi ng kotse nuon dahil pangarap ng magulang ko na magkaroon ng kotse. Nag offer siya, una hindi ko alam ang kapalit sa offer niya, nagulat nalang ako ng sinabi niya at wala na daw atrasan. Hindi ko alam nahulog na rin pala ako kay Sia nuon. At totoo ang mga ipinapakita ko sa kanya.”
Kahit gulat sa nalaman, patuloy pa rin akong nakinig sa kanila. Hindi na ako basta basta naniniwala. Baka mamaya nag papa goodshot lang 'to kay Draven.
“Nagalit siya sa'kin. Hindi ko alam na may problema na rin pala siya sa parents niya. Inalam ko kung ano 'yon. Hindi ako tumigil kaka sorry kay Sia. Nalaman ko nalang bigla na a-ampon pala siya.”
Tangina. Sino siya para sabihin 'to sa ibang tao? Pukingina niya ah! Pilit kong ikinakalma ang sarili ko rito sa gilid at nakinig pa rin sa kanila.
“Pinatawad niya ako nuon. Pero hindi na ako kailanman nakalapit sa kanya. Simula nuon na nalaman niyang trip lang ang sa amin at yung sa magulang niya, bigla nalang naging ganoon si Sia. Nang bubully siya, umiinom sa school, hindi niya sinusunod ang mga Prof, nag c-cutting, at ang worst, nakikipag make-out siya kung kailan niya gusto,” sabi pa niya.
Tapos pati itong mga kagagahan at kalokohan ko dati sinasabi niya.
Nagulat pa ng bahagya si Draven matapos na sabihin ni Draei 'yon. Sino ba namang hindi magugulat diba? Isa kong rebelde.
“Nasaktan ako ng sobra ng malaman kong naging ganoon siya. Sinisi ko ang sarili ko dahil duon. Ako nalang ang karamay niya, pero ganoon pa ang ginawa ko. Nakuha ko naman ang gusto ko, pero hindi ako naging masaya,” dugtong pa niya.
Nasaktan your face. Kating kati na ang mga kamao ko na dumapo sa mukha ni Draei! Anong karapatan niya?
“Pero 'yang ibinibintang mo kay Sia, hinding hindi niya magagawa 'yon. In fact, siya pa nga dapat ang tutulong sa'yo nuon. Nasa rooftop rin ako that time kaya alam ko yung pinag usapan niyo. Palagi ako naroon para pagmasdan si Sia. Ako rin ang naging taxi driver niya papunta sa location kung saan ka dinala ng kidnapper. Buti nga hindi niya ako nakilala.”
Napa ismid nalang ako. Kaya pala minsan may mga tunog sa tambak na sirang armchair ruon sa rooftop. At kaya rin pala pamilyar sa akin ang boses ng taxi driver na'yon. Dahil siya pala ang nag da-drive non.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Tapos kana ba mag kwento, Draei?” tanong ko na ikinabigla nilang dalawa.
Si Draven ay natulala pa at ito naman si Draei, kinakabahan. Napasulyap pa sandali si Draven kay Draei.
“Alis na ako p're.” Tinapik ni Draei ang balikat ni Draven na hanggang ngayon ay tulala pa rin.
Hindi ko na siya pinansin at nakatitig pa rin kay Draven. Magkakilala pala sila ni Draei? Alam niya kayang kaklase namin ang lapastangan na Draei na 'yon?
“Tutulala kana lang ba diyan?” bulong ko sa kanya.
Hindi niya ata nalamayan na nasa likuran na niya ako.
“H-hindi.” kinakabahang sagot niya.
“Sa pambibintang mong punyeta ka, ayos na 'yon. Wala lang sa akin 'yon. Tatanga tanga ka lang talaga dahil hindi mo inaalam ang mga bagay,” simpleng sabi ko at umupo sa kahoy. “Huwag kang maniniwala roon kay Draei. Sinungaling ang putanginang 'yon,” dugtong ko pa.
Ewan ko ba. Sobrang nakaka badtrip talaga yang mukha ni Draei.
“Sorry roon sa pambibintang ko ah,” sabi niya.
Naiirita ko siyang tinapunan ng tingin. “Ilang beses kaba iniri ng ina mo?!” diin ko.
Unli amp.
Natahimik nalang siya sa isang tabi at huminga ng malalim.
“Tara! Libre kita, kain tayo aa labas,” biglang sabi ni Draven at hinila ako.
Na weirduhan man, nagpahila pa rin ako kay Draven.
Ang weird talaga.