16

1139 Words
“Hoy. Tara, canteen. Libre ko,” sigaw ko sa dalawang kaibigan ko. Hindi naman ako nasaktan roon sa pagbibintang sa akin ni Draven. Hindi naman ako ganon kadaling saktan. Walang wala sa akin 'yon. Kasama ko ba namang tao. “Anong nakain mo?” sabay pa nilang sabi. Napailing nalang ako at ngumisi, “Bilis na! Kapag nagbago pa ang isip ko, kayo rin sige,” natatawa kong sabi at nauna lumabas sa kanila. Maya-maya ay kasunod ko na silang dalawa pababa ng hagdan para kumain. “Eat all you can ba?” natatawang sabi ni Cleo. Si Flynn naman ay tahimik lang sa gilid ko. Sila na daw ang kukuha ng pagkain ko dahil libre ko naman daw. Papayagan daw nila ako ng maging alipin sila kapalit ng libre. Mga siraulo talaga. Malapit na mahawa si Flynn, panigurado. What if I do transformation for Flynn? Naalala ko pala, hindi pa sapat ang ipon ko sa bangko para diyan. Pero sige, pag iipunan ko nalang muna. Ang baduy kasi masyado ni Flynn. “Pst, Cleo. May plano ako dali!” bulong ko sa kanya habang isa isang inilalapag sa mesa ang mga pagkaing pinagkukuha nila. “Ano 'yon?” interesado niyang tanong. “Ganito, kapag nakaipon ako, gawan natin ng trasformation 'yang si Flynn,” sabi ko sabay turo kay Flynn papunta sa mesa namin. Bumungisngis naman si Cleo at tumango tango pa siya. Sabi na, eh! Maasahan talaga 'to kahitmedyo may pagka kupal. Draven's Sumobra na ata ako? May point naman si Sia. Nambintang agad ako ng hindi alam ang katotohanan. Sising sisi tuloy ako sa ginawa ko kanina. Pero kung hindi si Sia, sino naman kaya ang gagawa sa akin ng ganoon? Iyan pa rin ang malaking palaisipan sa utak ko. Nasa kalayuan ako habang tinitignan sila Sia habang nagtatawanan. Parang wala lang sa kanya ang sinabi ko na'yon. Nagtatalo tuloy ang isip ko. Hindi nga ba talaga siya ang may pakana nito? Hindi ba dapat nasaktan siya roon sa sinabi ko? Pinag mukha ko siyang mukhang pera. Dapat ay galit siya ngayon, pero hindi eh. Nagkikipag tawanan siya roon kila Flynn at Cleo at parang wala lang yung mga nasabi ko sa kanya kanina. Teka nga. Bakit ba ganito ako maka react? Binura ko nalang sa isip ko 'yung mga nasa isip ko pumikit. Nadadala tuloy ako maglakad mag isa sa hallway. Baka mamaya maulit na naman kasi. “P're, anong ginagawa mo diyan?” Muntikan na akong mahulog sa pagkakaupo sa sanga ng puno na inakyatan ko. Buti nalang naka kapit agad ako. Bumaba ako sa puno at hinarap kung sino iyon. Ng makita siya, hindi ko siya kilala. “Ugh. Sino ka pala?” tanong ko. “Draei,” simpleng sagot niya. Dre— what? “Dray ang pronounce roon,” sabi niya habang natatawa. Eh siraulo ata ang isang 'to. Malay ko ba sa weird niyang pangalan. Tsk. “Anong ginagawa mo rito?” tanong pa niya. Ba't napaka daldal naman ata niya? Kakakilala palang, eh. No, hindi pala niya ako kilala. “I'm—“ “Draven. Tama ba?” putol niya sa sasabihin ko sana. Bakit naman niya ako kilala? Ay, sabagay. Wala ng kataka-taka roon. “Anong section ka pala, D-draei?” tanong ko. Natawa siya ng mahina at napakamot ng batok. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Weird ng mga taong nakapaligid sa akin ah. “Kaklase mo ako,” mahinang sabi niya. Kaklase ko siya? Bakit hindi ko naman yata napapansin yung presensiya niya o siya man? Kaya pala kilala niya ako, eh. “Pasensiya na, hehehe. Hindi ko kasi alam eh,” naiilang na sabi ko. Baka kasi na offend siya ginawa ko. Ang awkward tuloy ng pakiramdam. “Uy, ayos lang! Sino pala tinitignan mo doon?” pag iiba niya ng usapan habang sinisipat rin ang tinitignan ko. “Si Sia ba?” tanong pa nito. Dahan dahan akong tumango at sumulyap ulit kay Sia. “Alam mo, hindi naman ganyan kasama dati si Sia, eh.” panimula niya. Masama ba si Sia? Masungit lang ang mukha niya, eh. Pero ewan, hindi ko pa sigurado kung siya nga ba talaga ang kumidnap sa akin o hindi. Naging interesado naman ako sa kwento niya. Tinanguan ko siya para ituloy. “Palagi siyang nag-iisa that time. Hindi niya pa noon kaibigan yung dalawang asungot na nakabuntot sa kanya nuon,” natawa siya na para bang may inaalala siya noon. “Ex ko si Sia,” tumawa siya ng mapakla. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko expect na may ex pala si Sia. “Magisa lang siya palagi nuon. Lumapit ako sa kanya para magpakilala. Nahiya pa nga siya nung una kasi hindi raw siya sanay ng ganoon.” Huminga siya ng malalim at nagpatuloy ulit, “Hanggang sa magkamabutihan kami, inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko. At umamin rin siya. Sobrang saya ko nuon, niligawan ko siya. Hindi naman nag tagal sinagot niya na rin ako. Kaya nga lang, may mga sikreto talagang hindi nabubunyag,” pag kasabi niya ng huling litanya, napayuko nalang siya bigla. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya kay Sia. Bawat salita niya tumatagos, eh. “Nalaman niyang pinagpustahan namin siya kapalit ng kotse. Siraulo kasi itong si Mark, kailangan na kailangan ko kasi ng kotse nuon dahil pangarap ng magulang ko na magkaroon ng kotse. Nag offer siya, una hindi ko alam ang kapalit ng offer niya, nagulat nalang ako ng sinabi niya at wala na daw atrasan. Hindi ko alam nahulog na rin pala ako kay Sia nuon. At totoo ang mga ipinapakita ko sa kanya,” kwento niya. Pinakinggan ko lang siya. Mali yung ginawa niya na'yon. Dapat ay hindi nalang siya humiling ng ganoon dahil hindi maganda ang kapalit. “Nagalit siya sa'kin. Hindi ko alam na may problema na rin pala siya sa parents niya. Inalam ko kung ano 'yon. Hindi ako tumigil kaka sorry kay Sia. Nalaman ko nalang bigla na a-ampon pala siya,” humihikbing sabi niya. Ang sakit naman pala ng kwento ng dalawang 'to. Pero teka, ampon lang si Sia? “Pinatawad niya ako nuon. Pero hindi na ako kailanman nakalapit sa kanya. Simula nuon na nalaman niyang trip lang ang sa amin at yung sa magulang niya, bigla nalang naging ganoon si Sia. Nang bubully siya, umiinom sa school, hindi niya sinusunod ang mga Prof, nag c-cutting, at ang worst, nakikipag make-out siya kung kailan niya gusto,” mahinang sabi niya habang pinupunasan ang luha. “Nasaktan ako ng sobra ng malaman kong naging ganoon siya. Sinisi ko ang sarili ko dahil duon. Ako nalang ang karamay niya, pero ganoon pa ang ginawa ko. Nakuha ko naman ang gusto ko, pero hindi ako naging masaya,” sabi pa niya. Worst pala talaga ang ugali ni Sia. Nag dadalawang isip tuloy ako, kasi base sa kwento nitong si Draei feeling ko kayang gawin ni Sia 'yon. “Pero 'yang ibinibintang mo kay Sia, hinding hindi niya magagawa 'yon. In fact, siya pa nga dapat ang tutulong sa'yo nuon. Nasa rooftop rin ako that time kaya alam ko yung pinag usapan niyo. Palagi ako naroon para pagmasdan si Sia. Ako rin ang naging taxi driver niya papunta sa location kung saan ka dinala ng kidnapper. Buti nga hindi niya ako nakilala,” natatawang sabi niya. Nagulat ako sa sinuwalat nito si Draei. Tutulungan dapat ako ni Sia? Naguluhan tuloy ako! “Tapos kana ba magkwento, Draei?” Napalingon kami sa nagsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD