[Nagtataka po ba kayo kung bakit alam agad ni Sia ang pupwedeng kalalagyan ni Draven o kung paano niya makikita si Draven?
Well, malakas po palagi ang kutob niya. Bad girl's guts po!]
***
Parang familiar ako rito sa location ni Draven ngayon, ah? Ano naman kaya ang ginagawa na'yun doon sa karuming lugar?
Sinabi mhan ko si Cleo na huwag ng sumunod at ako ang aasikaso kay Draven, pero nagmatigas siya. Isinumbat pa niya ang number ni Draven, tss.
Sa wakas, nagkaroon na rin ng thrill ang pamumuhay ko rito. Ang akala ko kasi hindi na. Masyadong magaling 'tong si Draven.
Ano naman kaya ang ginagawa niya duon sa building na'yon?
Draven's
Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Sobrang init, pakiramdam ko nanlalagkit ako sa sobrang pawis. Bakit ganito dito? Nasaan ba ako?
Pilit kong inalala ang nangyari kanina.
Shit!
Yung ipapasa ko sa Prof namin! Paano na 'yon? Pinaghirapan ko 'yon. Halos mapuyat ako ng isang linggo, matapos lang 'yon.
Si Sia.
Paano niya nagawa sa akin 'to? Anong motibo niya para gawin sa akin 'to? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
Pilit kong iginalaw ang mga paa ko napatid lang ako. Nakatali ang mga paa ko. Pati ang mga kamay ko. s**t!
Lord, kayo na pong bahala sa akin.
Maya maya ay may kumalabog na malakas sa labas. Ano 'yon? Katapusan ko na ba? Wala naman akong ginagawang masama, eh. Wala rin akong natatandaang naka away ko.
Bigla nalang lumiwanag at bumukas ang pinto. Nakita ko pa ang isang pigura ng tao.
Bigla nalang niya ako hinatak at kinalag ang mga tali sa paa at kamay ko. Sino naman kaya siya? Isang dakilang anghel!
Tumakbo agad siya palabas na siya namang pagsunod ko sa kanya. Mahirap na baka maiwan na naamn ako rito. Imbes na mailigtas ay baka lalo pa akong mapahamak.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa labas. Tinignan ko ang kabuuan ng building. Parang familiar itong building, ah.
Dalawang van ang naghihintay sa labas. Hindi ko alam kung saan sumakay ang tumulong sakin. Basta nalang ako sumakay sa unang van. Bago ko pa masara ang pinto nakarinig pa ako ng ilang putok ng baril bago dali-daling umalis ang van.
Familiar talaga ang building na'yon. Hindi siya abandonado, iilan lamang ang tao sa loob non tingin ko. Wala kasi sa itsura na inabando na ito kaya ko nasabing ganon nga.
Hindi ko makita-kita ang mga tao rito sa loob ng van. Lahat sila naka takip ang mukha. Nakakairita naman, eh!
“Hoy, sino ba kayo?” kinakabahan kong tanong.
Baka mamaya, eh, iisa lang pala ang kumidnap sa akin tapos yung sinasakyan kong van na 'to! Marami pa akong pangarap sa buhay!
“Huwag ka ng matanong! Mag pasalamat ka nalang sa dahil iniligtas kapa ni Master. Buang na ang isang 'yon. Tsk,” malalim na sabi niya.
Ang laki ng boses kaya sa tingin ko'y lalaki rin ito. Tska sino yung Master na tinutukoy niya? Utang ko sa kanya ang buhay ko.
“Saan ba matatagpuan ang Master na tinutukoy mo?” tanong ko. Gusto kong malaman kung sino ang nasa likod ng pagliligtas sa akin. Pero mas gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ako kailangang ganituhin ni Sia.
Sinabi ko sa kanila ang adress na madalas kong inuuwian. Dito sa condo. Gusto ko muna mapag-isa. Nagpasalamat ako sa kanila bago bumaba ng van.
Agad akong dumiretso sa unit ko at umupo sa sofa. Kinapa ko ang mga bulsa ko para hanapin ang phone ko pero hindi ko ito makita! s**t, naiwan ko ba duon? Kamalas-malasan nga naman, oh!
Papasok pa kaya ako bukas? Haharapin ko kaya si Sia?
No.
Yes! I want to know kung may kinalaman ba talaga siya rito. Oras na malaman ko na may kinalaman siya rito, hinding hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya
Buti nalang at tinulungan ako ng mga lalaki na'yon dahil sa Master nila. Tsk.
Maaga akong natulog, ni-lock ko muna ang lahat ng pintuan sa unit ko bago tuluyang natulog.
Hindi na ako kumain ng umagahan pag gising ko. Buti nalang bago ako mag enroll naglagay na ako ng uniform rito sa condo. Pero nag civillian pa rin ako, hehehe.
Naalala ko na naman ang ipinagawa ng Prof namin sa Biology! s**t! Panigurado wala na roon sa sahig 'yon!
Napasabunot nalang ako ng buhok habang tinatahak ang palabas ng condominium.
Pumara ako ng taxi at sinabi ang school. Malayo layo rin ito sa condo, eh. Mga nasa twenty minutes siguro ang layo rito sa condo ko.
Bumaba agad ako pagtapat sa malaking universidad na ito. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.
Ang bilis ng pangyayari kahapon. Na-kidnap, nag stay ng konti sa madilim na bodega or what, tapos naligtas. Anong trip ng kumidnap sa akin? Rather say, anong trip ni Sia?
“Ma'am, tungkol—“
“Thankyou Mr. Adler. Napaka ganda ng ipinasa mo about sa Biology.” nakangiting sabi ng Prof pagpasok ko.
Na-late na pala ako. Pero imbes na pagalitan ako, pinuri pa ako. Atska sino naman ang nag pasa sa Prof namin?
Buong akala ko, eh, mawawala na talaga ang pinaghirapan ko. Hindi pala. May mabuting puso na nagbigay nito sa Prof namin.
“Mr. Adler?”
Bumalik ako sa wisyo ng tawagin agad ako ng Prof at paupuin.
Ng magawi ang tingin ko sa upuang uupuan ko, wala roon si Sia. Si Flynn lang ang nandoon. Ang dilim ng mga tingin nito. Pati si Cleo ay ganoon rin. Nasaan na kaya ang babaeng kidnapper na'yon?
Kinakabahan ako habang papalapit ng papalapit sa upuan.
Sana absent nalang si Sia.
Sana absent nalang si Sia.
Sana absent nalang si Sia.
Paulit ulit na sambit ko sa isip ko. Sana talaga ay absent lang siya.
“Flynn, ilang oras na akong tulog?”