“Ano bang problema mo, Cleo? Sinabi ko ng wala, 'diba? Tangina naman,” naiinis na sagot ko sa kanya.
Ano bang nangyari sa babaeng 'to? Bakit nag iiba ugali nito? Nakakainis na, ha!
“S-sorry. Nag ha-halucinate lang siguro ako. Pasensiya na, Sia,” mahinang sabi niya habang binubuksan ang pinto ng room kung saan niya ako dapat ikukulong
Medyo nakaka offend kung sa iba 'to gagawin. Mismong kaibigan mo ang gagawa sa'yon. Ang gara naman nun diba?
“Ano bang nangyayari sa'yo ha?” naiinis pa rin na tanong ko.
Ngayon niya lang ako ginanito.
Humihikbi siya tapos bigla nalang umalis. Iba na talaga tama na 'to. Umiiling nalang akong lumabas sa room.
May ilan pang nagtataka dahil lumalabas ako roon sa sirang room. Hindi ko kasalanan na mapunta roon. May isang baliw na ipinasok lang ako.
Draven's
Ang talino pa ni Sia. Kahit isang tanong lang naitanong ko sa kanya, ramdam ko na matalino siya. Maling mali na hinamon ko siya sa paglisahan na iyon. Napahiya tuloy ako.
Bigla nalang umalis sa rooftop atsaka pinakyuhan pa ako bago umalis. Gago talaga 'yung babae na 'yon! Kababaeng tao, eh.
Napailing nalang ako habang nakangisi. May iba kay Sia. Sa tindig palang niya at sa tingin niya palang alam kong may kakaiba. Hindi ko lang maipaliwanag kung ano 'yon. Pero alam kong meron.
Buti nalang at hindi ko kaklase si Lyeei. Mahirap kasi kapag naging kaklase ko siya. Baka mamaya sa sobrang baliw niya ipagkalat niya pa sa buong room na ex-fiancée ko siya. Pero I heard dito rin siya sa university na ito.
Habang naglalakad ako sa hallway, naramdaman kong may sumusunod sa akin sa likuran ko. Wala naman estudyante ngayon kasi nasa kani-kanila ng room panigurado. Anong oras na rin kasi.
Mas binilisan ko pa ang lakad at siya rin ang pag bilis ng mga paang sumusunod sa akin.
“Hoy,” sigaw ng isa sa likod ko.
Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy na lumakad na lang.
Nagulat ako ng higitin niya ako sa braso. “Bobo! Kanina pa kita tinatawag,” naiiritang sabi niya.
Nakita ko ang iritadong mukha ni Sia. Shot! Si Sia lang pala. Nakahinga ako ng maluwag at saka humarap sa kanya.
“Pwede mo naman ako tawagin, kailangang nagugulat talaga?” pagrereklamo ko.
“Eh, bakit ka natatakot? Baduy. Ang bakla mo masyado,” mapang-asar pa na sabi niya.
Kung hindi lang ako duwag sa mga ganito, malamang kanina ko pa siya hinarap. Masyado pala talaga 'tong mayabang si Sia. Narinig ko sa bulung-bulungan sa tabi.
“Ano bang kailangan mo?” tanong ko pa.
Natawa siya at tinignan ang kuko. Seriously? Dito sa hallway?
“Wala naman, tinatakot ka lang,” kalmadong sabi niya at nauna na mag lakad.
Wala akong balak dumiretso sa room. Sa locker nalang muna ako siguro mag papalipas ng oras. Baka mamaya nandoon na naman si Cleo. Masyadong mapang asar ang babaeng 'yon.
Binuksan ko ang locker para magpalit ng damit. Pakiramdam ko ay nanlalagkit ako.
Bago ko kuhanin ang damit, may nakapa pa akong isang papel.
'Draven, mag iingat kana. :)'
Ayan mismo ang sulat sa papel. The f**k?! Bakit ako mag iingat? E lagi ko namang ginagawa 'yun!
Sino na naman kaya ang nag paprank sa akin? Alam ko na ang ganitong style. Marami na ang gumagawa sa akin na'to nung nasa America pa ako.
Lumapas ang mga ilang araw, hindi na kami masyado nag uusap ni Sia dahil marami raw siya ginagawa. At nandoon na rin kasi si Flynn sa pagitan namin. Kaya ayun, hindi ko siya masyado madaldal.
Nakakamiss rin pala ang presensiya ng isang 'yon kahit na baduy lagi ang topic niya pag nagkakausap kami.
Marami naman akong alam sa mga hayop kaso hindi ko ito ganon kagusto. Bakit naman kaya nahilig si Sia roon sa mga hayop? At karamihan pa doon extinct o endangered animals pa. Medyo na weirduhan pa ako doon.
Friday ngayon. Wala naman kami pasok bukas dahil holiday. T'wing linggo lang ang pahinga namin.
Habang naglalakad ako sa hallway, chinecheck ko pa ang mga ipapasa kong worksheet sa Prof namin sa Biology.
Masyado sumakit ang ulo ko dahil dito. May galit ata sa biology iyong Prof namin, eh.
Napansin ko na naman ang presensiyang sumusunod sa akin. Panigurado si Sia na naman ito. Natawa nalang ako habang chinecheck pa rin ang mga papel at patuloy na naglalakad.
“Sia, bilisan mo mukha ma le-late na tayo,” sabi ko habang nagmamadaling maglakad.
Hindi pa rin siya nag sasalita. Huminto ako ng lakad at huminto rin si Sia.
Tatalikod na sana ako ng may magtakip sa ilong ko. Naamoy ko ang nakakahilong amoy at bigla nalang nag dilim ang lahat.
Sia.
Sia's
Nasaan na kaya si Draven? Nagagalit na kasi yung Prof namin dahil hanggang ngayon inaantay niya ang ipapasa ni Draven.
Napagpasyahan ko lumabas. Baka mamaya kung ano na naman ang ginawa noon. Kami pa ang lamunin ng buhay ng Prof. Hindi naman nakakatakot, eh. Kaso hindi naman ako ganon ka selfish baka mamaya sila Cleo pa ang mapaginitan non.
Habang tinatahak ang daan papuntang rooftop. May nagkalat na papel malapit sa hagdan. Sino naman kaya ang magtatapon ng papel rito, ha?
Isa isa kong pinulot ang papel at tinignan kung ano ito.
'Draven Asler. Biology'
So...
Bakit nandito 'yon? Ano namang trip niya? Wala naman sa itsura niya na basta basta nalang gaganutihan ang gawa.
Maya maya pa ay may naamoy ako. Kakaibang amoy. Sinundan ko ito. Mabuti nalang at malakas ang pang amoy ko pero nawala din ako agad.
Dala kaya ni Draven ang phone niya? Kaya lang wala akong number niya para tawagan siya o itext kung nasaan.
Dagdag problema pa ito! Ayoko ko lang na maibuhos ang galit nung Prof namin kila Cleo at Flynn o sa iba pang kaklase namin.
Pumasok ako sa room habang binabasa ang mga papel.
“Ito na 'yung pinagawa mo kay Draven. Nakita roon sa hallway, naka kalat,” dire-diretso kong sabi at inilapag sa desk niya.
“May number ka ba ni Draven, Cleo?” tanong ko sa kanya ng mag recess kami.
Tumango siya. Napangiti naman ako roon, “Pahingi. Something's not right,” nakangising sabi ko.
Ibinigay niya sa akin 'yon at tinext si Draven. Trinack ko ang location niya.
“Gotcha!”