Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Kaya pala siya hindi bumalik sa room kasi, yung alaga niya. Hindi ko talaga napigilan ang tawa ko sa sinabi niya na 'yon.
“Si Cleo kasi, yung ginawa niya sa akin. Hindi kumalma 'to,” sabi pa niya sabay tingin sa pagitan ng hita niya. “Alam mo naman kaming mga lalaki, hehehe.” naiilang pa na dugtong niya.
“Hindi ko alam,” pangbabara ko.
Nakakatawa amputek. Hindi ko expect ng dahil lang sa ginawa ni Cleo, titigasan siya ng ganon ganon? Hahahahahahaha!
“Sorry, I can’t stop. Hahahahahaha!” humagalpak na naman ako ng tawa habang nakahawak na sa railings.
Ngayon lang ako natawa ng ganito. Hindi ko kasi ma imagine. Kung ako lalaki, hinding hindi ako magkakaganito dahil sa ganoong bagay.
Nainis yata kaya ayun nag walk-out. Kaya heto, mag isa na naman ako. Umupo ako sa madalas kong inuupuan. Tumingin sa malayo at huminga ang malalim.
Ang weird pala talaga sa pakiramdam kapag mag isa ka sa lugar na ganito. Yung tahimik, mahangin, at malamig.
Sa rooftop ko lang 'yon naranasan at sa Sagada. One time, tumakas talaga ako kila Dad at Mom para lang makahanap ng katahimikan. Pumunta ako sa Sagada noon. Kahit alam kong malayo ito mula sa Manila.
Humiram pa ako ng motor, 'yun bang N-Max kila Cleo dahil mabait naman ang mga magulang nito sa akin. Wala akong kasiguraduhan kung magagalpak ba ang motor na iyon. Bahala na kung magagalpak. Mayaman naman sila.
Masaya mag solo ride sa totoo lang. Pero mas masaya siguro kung may kasama ako. Pero mas gusto kong mapagisa. Kaya ayun, magdamag ako nandoon sa Sagada. Nakatingin sa mga ulap na natatanaw at nahahawakan ko.
Hindi pa ako nakakapunta sa mga beach na 'yan. Dahil wala naman time iyong mga kumupkop sa akin dahil parehas silang subsob sa trabaho.
Naalala ko yung mga panahon na hindi pa ako ganito kasama. Yung hindi pa ako binabalot ng galit at sakit. Masaya ako noon, walang iniindang problema.
“Hoy!” tawag ng kung sino sa akin. “Ang layo ng iniisip mo, ah,” dugtong pa niya.
Umupo sa tabi ko si Draven at tumingin sa akin.
“Anong problema mo? Nandito ka na naman?” naiiritang tanong ko. Hindi ko siya tinapunan ng tingin, sa halip at itinuon ko nalang ang tingin ko sa bughaw na kalangitan.
“About animals,” simpleng sagot niya.
“Hinahamon ko ako? Gusto mo ako makatapat?” paghahamon ko at tumingin sa kanya.
Ngumiti siya ng may halong kayabangan. So, gusto niya nga akong makalaban? Wow.
Bigla siyang humarap sa akin, “Scientific name of Sparkemuffin?”
“Maratus Jactatus,” simpleng sagot ko at bumuntong hininga.
Ang dali naman kasi ng sagot niya. That was my first favorite spider. Ang weird kasi ng itsura niya sa totoo lang. Madami siyang mata na hile-hilera at colorful siya.
“Saan na discovered?” tanong niya muli.
Nagisip ako muli, “Inside woodlan forest in Wondul National Park, near Brisbane,” kumpletong sagot ko sa kanya.
Sparklemuffin spider is a Australian peacock spider.
“It’s my turn,” umismid ako at nagisip ng pwedeng itanong. “Common name for Ochotona Iliensis,” dire-diretso kong sabi.
Napasimangot siya at nag isip.
Tumagal ng ilang minuto ang pagiisip niya pero sumuko agad siya.
“Hindi ako familiar,” nakayuko niyang sabi.
Natawa ako ng mahina. Yayain ba naman ang isang magaling sa ganyan? Tsk.
“Pika,” simpleng sagot ko.
Tumaas ang ulo niya at lalong sumibangot, “Yun ba yung parang daga?” tanong niya habang pinipilit alalahanin ang sinabi ko.
Tumango ako at malakas na napabuga sa haningin. “Bahala kana diyan. Una na ako,” sabi ko at tumayo na.
Narinig ko pang tinawag niya ako pero pinakyuhan ko lang siya habang papalabas ng rooftop.
Pumunta ako sa room at dumukdok nalang. Ang boring pala pag wala si Flynn. Siya lang kasi palagi ang binubwisit ko. Masyadong pikon si Cleo, eh.
Maging okay na sana siya bukas para mabwisit ko na. Atsaka malabong hindi pumasok ang isang 'yon. If I know, gusto niyan palagi ang pumasok. Ngayon pa lang siya nag absent kasi pinilit ko siya. Makakasama kasi diba?
Ang boring talaga. Yung si Draven naman, nonsense kausap. Hahamunin ako, tapos hindi naman pala kaya.
“Bobo! Sa top!” biglang sigaw ni Cleo habang nagpipindot.
Nandito na pala siya sa tabi ko. Ang weird rin ng isang 'to, eh. Bigla bigla nalang susulpot.
Naglalaro pala siya ng ML. Vacant pa rin namin hanggang ngayon. Wala na sigurong balak pa ang mga Prof namin na mag turo. Edi masaya! Sanay naman ako mag self study.
“Sa Mid, tanga. Pinupush na yung Mid niyo,” natatawa kong sabi.
Agad naman siyang napahampas ng masira ang unang tore sa Mid nila. Natatawa ako sa reaksiyon niya. Paano kasi gigil na gigil sa kakapindot.
Sa huli, defeated rin. Napamura pa siya ng ilang beses, “Alat kampi! Putanginang 'yan. Ba't ba kasi nauso pa 'yung kanser,”
“Kabilang kana din don 'no,” pang aasar ko pa.
Inirapan niya ako saka hinampas ng hinampas ang phone sa mesa. Naawa ako doon sa phone niya.
“Tama na, tama na. Mamaya sasabihin mo 'hala bakit nagkaganito phone ko, huhuhuhu.'” pang gagaya ko sa madalas niyang sinasabi kapag tinotopak.
“Problema mo?” tanong ko pa.
Huminga siya ng malalim at saka naiinis na lumabas ng room. So ayon, tinotopak na naman. Ang dalas naman ata topakin nito?
Sumunod ako sa kanya at hinanap. Baka mamaya mag iskandalo na sa school. Panigurado lilitisin na naman kami ni Flynn nito pg nabalitaan.
Habang naglalakad ako at pinakikiramdaman ang paligid, bigla nalang may humitak sa akin.
Hindi na ako nakapalag. Buhok ko yung hinatak niya. Pag ako naka wala dito, buhok niya ang tatanggalin ko sa anit niya!
Dinala niya ako sa madilim na room.
“Sabihin mo nga sa akin, ano mo ba si Draven?”