11

1140 Words
Gulat na gulat ang mga kaklase ko sa dumating. Ito kasing si Draven bigla bigla nalang pupunta rito sa room namin. “Ikaw ba ang bagong transfer rito?” tanong ng Prof namin. “Ako nga po, Ma'am.” nakangiting sabi ni Draven sa Prof bago tumingin sa akin. Nagulat pa siya ng kaunti ng makita ako. Unexpected siguro na magiging kaklase niya ako. Kawawa lang siya dahil ako pa naging kaklase niya, hmm. “Kindly introduce yourself first, Mr.” mataray na sabi ng Prof namin. Huminga siya ng malalim at tumingin sa amin. Yung mga babae rito sa room, halos mag pigil ng kilig dahil sa pagpapakilala ni Draven, maliban sa akin. Iritado pa nga ako. “Duon ka nalang umupo sa tabi ni Ms. Anderson,” sabi ng Prof. Natatawa siya habang pumupunta sa gawinko. Napatingin ako kay Cleo na nakayuko pa rin hanggang ngayon. Naririnig niya kaya na nandito si Draven? “Usod. Uupo ako,” nagpipigil ng tawa na sabi niya. “May nakaupo rito. Absent lang,” sagot ko pero sa harap ang tingin ko. “Bakit? Tatlong tao naman ang kasya rito ah?” natatawang sabi niya pa. Bakit ba ang hilig nito tumawa? Mukha ba akong clown? Ganda ko naman clown na'yon. “Duon sa tabi ni Cleo! Walang nakaupo roon,” pagsisinungaling ko. Sa totoo lang, si Lyeei ang nakaupo roon. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa rin pumapasok si Lyeei. Eh, ang sabi naman niya nag-enroll na siya. “Ang sabi ng Prof sa tabi mo,” normal na sabi niya. Umusod nalang ako sa pinakadulo kung saan nakaupo si Flynn. Diyan nalang siguro siya sa gitna. Ayokong katabi ang mokong na'to. Baka mamaya mabatukan ko nalang bigla. Tinginin palang mukhang madaldal na, eh. Kaya nga pinalipat ko si Flynn dito kasi gusto ko ng tahimik. Tapos itong si Draven na mukhang madaldal naman ang ililipat rito? Nagtakip ako ng tainga habang nag coconcentrate sa sinasagutan kong papel. Wala 'tong kinalaman sa lesson namin. Hiningi ko kay Flynn ang nga mahihirap na tanong at sasagutan ko ito sa loob lang ng dalawang araw. Nakaka six hours and thirty-four minutes and fifteen second pa lang ako. “Ano 'yang— asdfghjkl.” Hindi na niya natuloy ang sinabi niya kasi tinakpan niya ang sariling bibig ng tignan ko siya ng masama. Ayoko sa lahat ginugulo ako kapag may ginagawa ako. Panigurado masisira ang pag coconcentrate ko. Maagang umalis ang Prof namin dahil may meeting daw. Ibig sabihin ay vacant na naman namin sa next subject. Palagi nalang may meeting ang mga teacher. If I know tamad lang sila magturo. Kung pwede lang na magturo, eh, ginawa ko na. Kaso maikli nga pala pasensiya ko. “Hindi pa ba mag rerecess?” reklamo ng katabi ko. “Check your schedule,” sagot ko. Hindi ko manlang siya tinapunan ng tingin simula kanina. Ang dali naman kasi ng ibinigay na tanong ni Flynn. Eto na 'yun? Unang tanong palang, give one strange animal. Bitch. Ako talaga? Sa akin papasagutan 'tong about sa hayop? Huh? Ang ibinigay ko roon ay yung Axolotl (Aks-so-lo-tul) Sa lahat ng strange animal ay doon ako pinaka nawiwirduhan. Walking fish ang tawag sa kanya. Para siyang butiki na ewan. Wala pang dalawang araw natapos ko na agad ang pinasagutan ni Flynn sa akin. Ganito kami palagi kapag vacant. Palagi niya ako bibigyan ng sasagutan ko para daw hindi na ako dumaldal pa. Better na rin yun kasi na e-enjoy ko naman. Madalas sa mga pinasasagutan niya sa akin tungkol sa hayop. Natigil ang pag iisip ko sa hayop ng bigla nalang umupo si Cleo sa gitna namin. Bakante nga pala itong gitna dahil wala si Flynn. “Ugh. Hi! Pwede naman siguro akong umupo rito diba?” tanong pa niya. Nag aalanganin tumango si Draven habang ako ay ibinalik ang tingin sa sinasagutan para i-review kung tama ba. Ililibre pa ako ng Flynn kapag na perfect ko ito. Nag cecellphone lang si Draven habang itong si Cleo ay napakagaslaw. Hindi mo maintindihan ang kinikilos. Parang may kiti-kiti sa pwet. “Ah, CR muna ako guys, hehehe.” naiilang na sabi ni Draven. “Sia! Tinigasan siguro 'yun,” sabi niya sabay halakhak. Napaubo nalang ako dahil walang preno ang bibig niya. Ngayong ko lang na pansin na halos kita na ang cleavage niya. Anong trip ng babaeng 'to? Oo, may pagka malibog rin 'tong si Cleo dahil minsan kung ano anong bagay ang mga sinasabi about sa pag green ng utak niya. Kaya pala siya malikot kanina, huh? “Tangina ka. Dito ka talaga mag popokpok sa school?” natatawa kong tanong. Ginawa ba namang bar 'tong pwesto namin. “Inaasar ko lang naman siya. Hindi mo ako ginising. Kaklase pala natin siya. Kung hindi lang nag ingay ang nasa paligid ko eh,” reklamo niya habang inaayos ang blouse. “Nagtikol na siguro doon 'yon, 'no?” sabi na naman niya habang humahalakhak. “Pag ikaw hindi tumigil, ipapa-finger kita doon!” naiinis na sabi ko. “Oh please. Enter me, senpai,” natatawang sabi niya at ginagaya ang mga nasa anime. Ako mismo ang nandidiri rito sa ginagawa ni Cleo. Minsan hindi mo talaga mapipigilan ang pagka berde ng utak niya. Kung hindi mo pa takutin, hindi pa siya titigil. Hindi na muli bumalik pa si Draven sa room. Malamang na ilang na ‘yon ng husto. Sino ba naman kaso matutuwa roon sa ginawa ni Cleo 'diba? Mauuna na daw si Cleo dahil ipinapatawag siya sa club niya. Ako naman ay didiretso sa rooftop dahil wala na naman akong kasama. Ito palagi ang palaging pinagkakaabalahan ko. Pumunta at manahimik sa rooftop. “Kumalma ka, putek naman oh!” sigaw ng isang lalaki pag apak ko sa rooftop. Nagulat nalang ako ng makita si Draven sa isang sulok habang nakayuko sa mga tuhod. “Draven?” tanong ko ng makasigurong siya nga. “Iwan mo muna ako rito, Sia. Please lang,” nahihiyang sabi niya hindi manlang ako tinapunan ng tingin. “Bakit? Pwesto ko itong rooftop nuon pa. Bakit hindi ikaw ang umalis?” pambabara ko rito. Hindi na siya kumibo at yumuko nalang duon. Ano bang problema nito? Buong akala ko e masaya na siyang nag rerecess pero nandidito na pala sa rooftop. Paano naman niya kaya nahanap 'to? Bibihirang estudyante lang ang nakakaalam nitong rooftop dahil may naka post sa pintuan na 'for authorized person only,” “Paano mo nahanap 'tong rooftop?” tanong ko at umupo sa sirang armchair. “Wala!” nanlalatang sagot niya. Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa. Itinaas niya ang ulo niya, nakita ko ito mula sa peropheral vision ko. “Si Cleo kasi,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD