WAREN & CINDY BREAKUP

2171 Words
MISTY POV Narito ako ngayon sa bahay at inaasikaso ko ang mga gagamitin ni Carlo sa school. Inuna ko muna ang pag plantya ng uniform na susuotin niya. Kahit kase may sideline na ako pinipili ko parin asikasuhin si carlo kahit na kumuha na ng permanent yaya si Maam carla ay nagpumilit parin ako na ako na tumulong sa mga gawaing bahay. Nagpatuloy ako sa pamamalantsa ng uniform ni carlo. Pag katapos ko ma plantsa ang polo niya ay inamoy ko pa iyon. "Hmm... ang bango amoy carlo" sabi ko habang nilalanghap ang amoy ng damit niya naamoy ko pa ang sabon na ginamit ko rito. Ako din kase ang nag laba nito. Sinimulan ko na ito ilagay sa hanger para hindi na bumalik sa pagka gusot. "Tapos na ba yan?" Nagulat ako ng makita ko si Carlo na nakatayo sa pinto. Nasa silid nya kase ako at doon ako na mamalantsa. "Ah ou tapos kona ang polo mo" sagot ko rito. " Okay, pwede kana umalis dito mag bibihis na ako!" Sabi nito at niligpit ko na agad ang mga ginamit ko saka ako umalis. Tumungo na ako sa kusina para ihanda naman ang almusal niya. "La .. la.. la.." "Oh misty, pakanta kanta ka pa habang nag luluto ah" Napangiti naman ako kay Manang Linda na nasalikuran ko na pala isa siya sa kinuha ni maam carla na kasambahay dito sa bahay. "Good Morning manang!" sabi ko lang dito. "Naku! Ang ganda ganda talaga ng umaga ko pag nakikita kitang masaya palagi, Para ka kase anghel sa ganda Misty!" malambing na sabi nito. "Salamat po manang sa papuri mo, pero maganda ka rin naman po isa ka rin sa nagpapaganda ng umaga ko" Bigla ako kinurot nito sa tagiliran ko. "Ikaw talaga ha.." Sabi nito. "Aray ko manang bakit po ba.." natatawang sabi ko rito. Tumingin ito sakin na para bang may gusto itong kalikutin sa mukha ko. "Manang ha ano na naman yang kalokohan mo" sabi ko rito at tumungo na ako sa dining table pagkatapos ko ihain ang niluluto ko. Iniwan ko si manang sa Kusina. Maya maya pa ay nakabuntot na ito. "Kunwari'y pa na isa ako sa nag papasaya sa umaga mo.. eh alam naman namin ang totoo kung sino nag papasaya sayo ayiiiieee" Pang aasar nito. "Pst! Manang baka may makarinig sayo!" saway ko rito. Nag kunwari ako seryoso para naman manahimik na ito kase naman namumula na ata ako sa hiya. "Eh bakit ka nag bablush!" "Manag Linda ahh" saway ko muli dito. Loko talaga si manang parang bagets kase ang datingan nito mahilig sa mga korean nobela kaya ayan puro kilig ang alam. "Hi girls" sabi ni maam carla na bumati sa amin at umupo na sa dining table. "Hello maam good morning po" Sabay na bati namin ni Manang Linda. "Sino pinag uusapan nyo dalawa? " Nakangiting tanong nito. Nagkatinginan kami ni Manang at siya ang unang nakapag salita. "Ah wala ma'am nag uusap lang kami ni Misty about sa Crush niya" sabi ni Manang rito at ngumiti sa akin. "Ah ganun ba?" sabi ni maam carla at tumingin sa akin. "Misty sino ba ang crush mo?" sabi nito, nabigla naman ako sa tanong na iyon dahilan para lalo mamula ang dalawang pisngi ko. "P-po?" yun lang ang nasabi ko. "Alam ko naman kung sino, hindi ko na itatanong" sabi nito at kumindat sa akin. Teka? Totoo ba na alam na ni Maam carla? "By the way Misty, pwede mo ba ako itimpla ng coffee?" sabi nito. "Ah yes Ma'am" sabi ko at papatungo na sana ako sa kusina nang bigla ko marinig ang boses ni Carlo. "Me too, Misty!" Napalingon ako sa nag salita at nakita ko umupo na si Carlo sa tapat ng inupuan ni Maam carla, hindi ito tumingin sakin. "Sige" sabi ko at tumungo na sa kusina. Me too, Misty! Umulit sa aking isipan ang sinabi ni Carlo. Parang ang sarap kase pakinggan kahit hindi siya nakikiusap. Tinawag niya ulit ako sa pangalan ko. At ang sarap sa pakiramdam na tinatawag niya ako sa pangalan ko, Parang feeling ko pag aari niya ang pangalan ko kaya siya lang ang nakaka perfect sa pag banggit non. Pag katimpla ko ng Coffee ay inamoy ko ang para kay Carlo. "Itong kape mo carlo ay puno ng pag mamahal ko." Tumungo na ako sa dining table at binigay ko kay Carlo at maam carla ang mga natimpla ko na kape. "Thank you Misty" sabi ni Maam carla. Tumingin ako kay carlo at inilapag ang coffee niya sa gilid ng plato niya. "Ito na coffee mo Carlo" sabi ko rito hindi ito nag salita at agad na nilagok ang kape na inihanda ko. Pagkatapos nito uminom ay tumingin sa akin, tingin na naniningkit. "Alam mo misty, dapat hindi ka nalang nag model" sabi nito "B-bakit naman carlo?" Usisa tanong ko rito. Ngumisi ito tapos ay tumingin sa mommy niya at bumalik ng tingin sa akin. "Kase dapat sa coffee shop kanalang nag tatrabaho! baka may silbi ka pa doon! kesa ang mangarap ng napakataas!" sabi nito. Bigla ay may kung ano kumirot sa puso ko sa sinabi nito. Isa na namang pangungutya mula sa kanya. "Carlo? How dare you! ang aga aga na naman yang attitude mo ahh!" saway ng kanyang ina. "Mom! I'm just kidding!" sabi nito at tumingin sa akin. "I'm sorry Misty!" sabi nito at nakangiti.. Pero yung ngiti na yun ay parang nangungutya parin. Tumayo ito at pinantayan ang muka ko at idinikit pa niya ang mukha sa mukha ko. "But, that's true!" Bulong nito sa tenga ko, pagkatapos ay naramdaman ko ang kamay niya na may kinuha sa likod ko. Yung sauce pala at bumalik ito sa upuan niya "Have a seat, and let's eat" sabi nito sa akin. Umupo na ako at nag start na kami kumain. Kasama ang iba pa kasambahay at si tatay at ako. Pagkatapos namin kumain ay umalis na si Carlo. Umalis na rin ako dahil meron din akong schedule kay sir Anthon. Pag dating ko ay sinalubong ako agad ni Waren. "Hi mistisa" bati nito sa akin, mga ilang araw narin nasa mood si Waren matapos nila mag usap ni Cindy at pansin ko rin na lagi sinusundo ni Cindy si Waren after ng schedule namin. Mukhang masaya ang mag couple na ito. Mapapa sana all kanalang talaga. "Always in mood waren" sabi ko lang pero naka focus ako sa pag hahanda ng mga gagamitin ko sa shoot namin. "Kase nakarami ako" sabi nito, napatingin naman ako sa kanya na nakatingin na sa salamin at nag susuklay pa talon talon pa ito at nag papa cute sa salamin at para bang ngiting abot langit. Pero ano ba yung sinasabi niya na nakarami siya? "Ano nakarami? Saan waren?" Seryoso tanong ko. Sa fishball ba? Sa kwek kwek? Sa isaw? Nevermind Ni wala bahala ko nalang ang sinabi niya. Wala kase ako mood makipag kwentuhan kay Waren dahil siguro sa nanyari kanina umaga. Dahil sa mga masasakit na salita ni Carlo sa akin. "Kase dapat sa coffee shop kanalang nag tatrabaho! baka may silbi ka pa doon! kesa ang mangarap ng napakataas!" Narinig ko muli ang boses ni Carlo sa isipan ko. Hindi ba sya masaya na kahit pa paano ay hindi na ako pabigat sa pamilya niya? Mababa parin ang tingin niya sa akin? "Mistisa mag ready kana" sabi ni waren sa akin. "Oo sige" sabi ko at nag start na kami mag trabaho ni Waren. After ng work ay diretso na kami sa school ni Waren iisa lang kasi ang university namin kaya sabay na kami papasok. Madalas din kami magkasama sa mga ilang subjects. At madalas pa nga kiligin ang mga ka schoolmate namin dahil nga partner kami ni waren sa mga commercials. After class ay nagsabay na naman kami. "Mistisa hatid na kita" "Wag na waren mag commute nalang ako." "Wag na! Mabastos ka pa dyan, alam ko medyo kilala kana dahil sa status mo ngayon." "Sige na nga" sabi ko at sumakay na ako sa kotse niya. Pagkatapos noon ay nakarating kami agad sa bahay. "See you again tomorrow sa school at sa work" nakangiti sabi nito. "Okay, salamat Waren." Pag pasok ko pinto ng bahay ay nakita ko si Carlo na nakaupo sa sofa ng sala. Natigilan ako sa paglalakad ng bigla tumingin ito ng matalim sa akin. Ngumisi ito. "Ayos ah, 2 timer" sabi nito at hinawakan ang remote at tinutok sa TV para mapatay ito. Teka? Sino sinabihan nya na 2 timer ako ba? Tumayo ito at lumapit sa akin. "May relasyon ba kayo ni Waren?" "H-ha?" "Sagutin mo tanong ko" "W-wala" "Wala nga ba? Eh bakit lagi kayo magkasama? At siya pa ang naghahatid sayo dito?" " Magkatrabaho kami at minsan magka klase kami sa isang subject" Tumingin ito ng matalim sa akin at muli na naman nilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Unti-unti bumibilis ng t***k ng puso ko. "Subukan nyo lang lokohin ang kaisa isang babae mahal ko at mananagot kayo sakin!" Sabi nito at saka umalis. Naiwan ako naka tulala kung saan nakapwesto si carlo kanina. Merong kung ano kirot sa aking dibdib. Mahal niya parin si Cindy ----- Marami kami schedule ni Waren at madalas kami ang magkapartner sa mga pictorial. At gumawa din ng commercial na kami dalawa ni Waren ang magkasama at meron narin kami blog na tinatawag kung saan puro promoting ang ginagawa namin dalawa at halos may mga nakakapansin narin sa amin sa social media kaya madalas kinikilig ang mga nanunuod dahil sweet si Waren sa akin napaka charming niya sa cameras. At nagtagal pa ang ganitong mga commercial and promoting namin. After ng ilang pictorial namin ni Waren ay nag aya na ito na sabay na raw kami mag lunch. Pero paglabas namin sa studio ay nakita namin naka abang si Cindy. "Oh babe" sabi ni waren at hahalikan sana niya ito pero nilihis ni Cindy ang kamay niya at iniwasan ng tingin si Waren tapos ay nauna na ito lumakad. "We need to talk Waren" sabi nito ng di tumitingin sa amin. Nagkatinginan kami ni Waren. "Mistisa sabay na tayo tatlo hintayin mo lang kami ha" sabi nito sa at sinundan na si cindy na nakalayo na pala. Parehas na nawala ang dalawa at ilang minuto narin, medyo nakakaramdam na ako ng gutom kaya naman naisipan ko hanapin sila sa loob ng building ni sir anthon. Nakarinig naman ako ng parang nagsisigawan malapit sa elevator at sisilipin ko palang kung sino ang nasa likod ng elevator ay narinig ko na ang malakas na boses ni Waren. "Ayoko na Cindy! I want to break up with you!" Pasigaw na sabi ni Waren. Hindi ko pa man nasisilip alam ko si waren iyon, at akmang titignan ko na sila nang makita ko si cindy na puno ng luha ang mga mata. "So that's it? "Cindy asked. "Yes! Nakakasawa na lagi nalang ba kita iintindihin? Na lagi nalang ako magpapasensya? Na lagi ko na lang aalamin kung bakit ka nagagalit sakin? Alam mo cindy para ka napapraning lagi! Halos oras oras I need to update you! Talo mo pa ang mga parents ko sa paghihigpit!" "It's because I love you so much! Waren please forgive me, nagseselos lang ako at natatakot ako na baka ipagpalit mo na ako kay Misty!" "Shut up! Cindy! Lagi ko pinapaliwanag sayo na you don't have to worry about it! Pero lagi nalang!" Nakita ko umalis si Waren at hindi niya ako napansin dahil kitang kita na galit siya. Muli ko binalikan ang tingin ko kay Cindy at nagulat ako ng makita ko siya nasa harapan kona. Nakita ko ang pang gigil na tingin niya sakin kahit puno ng luha ang mga mata. At dali dali ring dumampi ang kanyang palad sa aking pisngi dahilan para muntik ako masubsob sa sahig buti nalang at nakontrol ko agad ang aking sarili at hawak ko pa ang aking pisngi na sinampal ni Cindy. "Ito tatandaan mo Misty! Hindi kita mapapatawad dahil alam ko ikaw ang dahilan kung bakit nagagalit sa akin si Waren! Ayaw niya mang aminin pero alam ko may gusto siya sayo!!" "C-cindy.. hindi totoo yan-" "Wag ka mag kunwari mabait at mahinhin sa lahat!! Dahil ba sa ganyang pag uugali kaya nakukuha mo lahat! At pati narin ang career ko at lalo na si Waren na mahal na mahal ko!" "Cindy-" "Stop!!! hindi mo ako madadaan sa mga ganyang pag papaamo mo!" Sigaw na sabi nito at dinuro pa niya ako. "Lahat ng akin na kinuha mo! Babawiin ko! at lahat ng gustuhin mo ay kukunin ko rin!" sabi nito at umalis. Naiwan ako nakatulala at halos mapaluha sa mga paratang at sinabi ni Cindy laban sakin. Ano ba ginawa ko sa kanya? Wala naman diba? Wala ako kinukuha sa kanya, at ayoko magalit siya sakin ng tuluyan. Galit lang siya dahil sa nangyari, pero baka bukas pag mahinahon na siya maging maayos ang lahat kailangan ko siya kausapin at saka si Waren para maging ok na sila pareho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD