2 Years ago..
Naging isang Freelance Model narin ako kagaya nila Waren at Cindy. Pag ka graduate namin nung high school ay kinausap ako ni sir Anthon na sumama sa training nila para maging professional model daw ako someday at ayun na nga pinag butihan ko ang training ko at nakapasok ako sa mga maliliit na project ni sir Anthon at pagkalipas ng dalawang taon ay eto na at nag bunga ang aking pag sisikap.
Pero habang nag momodeling ako ay nag aaral ako sa isang university ang kinuha ko course ay Fine arts. Si carlo naman ay dalawa ang kurso kinuha Business Management para matuto pa sya at mahasa sa Business dahil siya ang susunod na owner ng kanilang negosyo at BS accountancy ang pangalawa kurso na pinag sasabay nito.
Naging Busy na si Carlo sa 2 years na pag aaral nito sa kolehiyo at minsan nalamang siya makipag kita kay Cindy at sa twing nakikita ko siya ay malungkot ang kanyang mga maya. At ako ang sinisisi nya dahil hindi na niya nakuha pa si Cindy kay Waren mula ng maging magkasintahan ang dalawa hanggang ngayon.
Si Waren naman ay kumuha ng kurso na ENGINEERING at si Cindy naman ay Architecture.
-----
After shoot namin na magkasama ni Waren ay hinayaan na kami ni sir Anthon na umuwi na at mag pahinga.
Nililigpit ko na ang mga gamit ko habang si Waren naman ay nakita ko nakamasid lang sakin at nakangiti.
"Waren? Bakit ka nakatingin ng ganyan sakin?" Pag tatakang tanong ko rito.
"Hmm" patikim nito.
"Iniisip ko lang kung ano kaya masarap na pagkain ang pwede mo itreat sakin?" Sabi nito at wariy nag iisip talaga.
Natawa naman ako rito.
"Bakit naman? Ano ba meron?" Tanong ko rito.
"Hay nako, diba ikaw na ang top model ni sir Anthon at nahigitan mo na si Cindy ko." Sabi nito.
Oo nga pala dahil mahusay daw ang performance ko ay isa na ako sa top at nalagpasan ko na rin si Cindy.
"Pwede ko naman kayo itreat ni Cindy pero sa sunod na araw nalang sana." Sabi ko rito.
"Ay ganun ba? Sandali lang naman eh!" Pagrereklamo pa nito at nag puppy eyes pa ito na nagpapacute.
"Okay sige na" wala na ako magawa kaya sumang ayon na ako.
Lumabas na kami at pumunta sa park doon namin na isipan kumain.
Kumain kami ng kwek kwek.
"I missed this place, misty" sabi nito na tumingin pa sa buong park.
"Ako din waren, sa sobrang busy na tin sa mga schedule at pag aaral natin hindi na tayo nakakadaan dito"
Napatingin pa ako sa isang sulok ng park na ito may umuusok na nag titinda ihaw ihaw.
Naalala ko si Carlo.
Si carlo na minsan ko nakasundo noon at napapayag ko pumunta dito at kumain kami magkasama at tanda ko noon ay nilibre ko pa sya dahil napagkasunduan namin iyon pag siya ang nanalo sa chess play namin.
Nalungkot ako bigla dahil hindi ko na ata sya makaksundo muli. Dahil naging lalo na syang malamig.
"May problema ba misty?" Bigla ako nabalik sa ulira't ko.
"Wala naman waren"tipid na sabi ko rito.
"Ah alam ko nayan" sabi nito sabay ngiti.
"Si carlo na naman yan noh?"
"H-ha? hindi noh!"
"Sus, dedeny pa"
Tumalikod ako kay waren at nag lakad papalayo sa kanya. Bigla kase ako nakaramdam ng lunkot.
"Uy! Mistisa! Galit kaba?" sabi nito ng maabutan ako sa pag lalakad ko.
"Hindi ako galit waren" sabi ko lamang.
"Pero bakit mo ako iniwan dun, di pa ako tapos kumain"
"Si carlo kase" sabi ko at tumigil sa pag lalakad.
"Bakit? ano nanyari kay carlo?" Nagtataka tanong nito.
Naglakad ako muli at tumungo sa isang bakante upuan sa park mahaba ang banko na ito kaya nakaupo rin sa tabi ko si Waren.
"Mistisa..." Nag aalala ang boses nito at hinawakan ang aking kabilang balikat, nag angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti.
"Ayos lang ako" sabi ko rito upang kumalma ito.
"Alam mo nalulungkot lang ako kase si Carlo.. simula nung maging kayo ni Cindy naging malamig siya at hindi na kagaya ng dati, oo dati masungit siya sakin pero nag babago ang mood niya at nagiging mabait pag tagal pero ngayon naging bato na ang puso niya, ramdam ko galit siya sa lahat" paliwanag ko rito. Nakatitig lang si waren sakin ilang sandali.
"Pabayaan mo na siya, makakamove on din siya kay Cindy" sabi nitosaka ngumiti.
WAREN POV
Bakas sa mukha ni Misty ang lungkot, dahil kay Carlo.
Simula daw kasi ng maging kami ni Cindy ay naging pusong bato na si Carlo malala na nga siya noon mas lalo na ngayon. Haha buti nga sa kanya. He deserve to be loser.
Sa totoo lang gusto ko lang naman talaga gumanti kay Carlo sa pagiging masama kay Misty dahil nga mababa ang tingin nito rito kaya niligawan ko yung babae na kinababaliwan niya at ng iba pang lalake sa campus noon. At worth it lahat dahil si Cindy ay napaka easy lang makuha, pero si Cindy ay masyadong obsess madalas siya mag selos at lagi nya ako tinatadtad ng text mula morning up to night.
Minsan nakakainis na rin kase lagi syang parang na papraning.
Pero si Cindy ay masasabi kong mabait, akala ko talaga nung high school parehas sila ni Carlo pero hindi pala. Mabait din siya kay Misty at sa iba pa niya kaibigan at yun naman ang nagustuhan ko sa kanya.
Pero ayun wala paring nanyayari samin dahil ayoko muna wala kami sa tamang edad at isa pa natatakot ako na baka...
Hindi talaga ako yung taong deserving para sa kanya.
Kase I admit na ginamit ko lang siya para inisin si Carlo.
Ang totoo nyan si Misty talaga yung pinapangarap ko na maging girlfriend pero alam ko marami pa sya pangarap kaya naman titignan at babantayan ko nalang siya at mabuti narin yung puro kalokohan lang lahat para saknya yung mga pinapakita ko kase.. pag dating talga sa kanya ang hirap mag seryoso nakakatorpe kaya dinadaan ko nalang sa biro kahit minsan realtalk na yung sinasabi ko pero siya dedma.
Papaano ba naman din kase, Si Carlo talaga ang lagi niya iniisip.
Minsan nakakainggit talaga si Carlo bukod sa matalino siya sakin, at mas mayaman, at bukod dun parang hawak niya si Misty kahit wala sya malay.
Hayyss... How I wish na ako nalang din ang gusto ni Misty.
Hinatid ko na si Misty sa bahay nila Carlo at nagpaalam na rito pag baba niya sa kotse, pag check ko ng phone ko bago umalis sa gate nila Carlo ay nakita ko agad ang maraming missed call ni Cindy.
Tinawagan ko na ito baka importante. Nag ring ito at sinagot naman agad.
"Hello babe? ang dami mo missed call, what happen?" tanong ko rito.
"Sino kasama mo ngayon?" Tanong nito, at parang matamlay ang boses.
"H-ha? Si Misty, but I'm here sa tapat ng bahay nila, kakahatid ko lang kay Misty" sabi ko rito, narinig ko naman ang pag buntong hininga nito.
"Are you okay?" Tanong ko rito dahil hindi ito umimik.
"Toot toot" Ayun binabaan ako ng phone.
"Ano ba problema niya?" sabi ko nalang, at pinaandar ang sasakyan.
CINDY POV
Sinadya ko patayin ang phone para malaman niya galit ako sa kanya.
Nakakainis lang dahil si Misty nalang ang palagi niya kasama, paano ba naman ay sila na ang lagi magka schedule nito, isa pa ay nalamangan na ako si Misty as Top model ni Sir Anthon at paboritong paborito siya ni Sir Anthon, at ako parang naging itsapwera nalang para ako basura na matapos gamitin ay itatapon nalang.
Palihim ako naiinggit kay Misty ng paunti unti alam ko naman na masama ang nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan dahil lahat ng meron ako mabilis lang nakukuha ni Misty iyon.
Lahat ng pinag hirapan ko ang bilis lang niya naabot.
Hindi ako naiinggit sa ganda niya dahil meron din ako noon at kuntento ako sa itsura ko na ito. Pero ang kinaiingitan ko lang sa kanya yung pagiging close nila ni Waren at ang career ko na dapat sakin pero napunta sa kanya. Yung pagiging Top model ko dati nabingwit na ni Misty sakin.
Mahal ko ang trabaho ko as Model at talagang kina career ko ito pero bigla nalang humad lang si Misty. Piling ko need ko na naman umakyat ulit pataas para marating ko yung dating narating kona.
Ilang araw narin ako di nag paramdam kay Waren dahil gusto ko malaman kung importante ba ako sa kanya matapos ko sya makausap sa phone hindi na ako nag paramdam at as in siya rin hindi narin nagparamdam nakakainis hindi manlang siya nag alala mula ng huli naming usap sa phone.
At ayun na nga naiinis na ako!
Bakit ba ganun siya? Siguro totoo talaga na may gusto siya kay Misty, eh mas happy ata siya kasama yun kesa sakin na girlfriend niya.
Bigla nag ring ang cell phone ko at agad agad ko rin sinilip kung sino ang tumatawag.
Nakita ko si sir Anthon pala agad ko rin sinagot.
"Hello sir Anthon"
"Hi, hija! Meron ka shoot today dahil ikaw ang gusto maging
Model ng isa sa mga big time client ko, ipromote mo ang product nila at mag handa kana!"
"Talaga po?"
"Yes! So magkita nalang tayo ha!" sabi nito at pinutol ang linya.
Masaya ako nag asikaso, at umalis ng bahay namin para pumunta sa building ni Sir Anthon.
-------
Papasok na sana ako sa Office ni sir Anthon ng marinig ko sila nag uusap usap sa loob.
Nasa pinto na kase ako at akmang kakatok na sana pero mukhang marami tao nag uusap sa loob.
"I'm sorry Mr.Ronson pero ang mape-present ko lang na model sa inyo ay si Cindy Sebastian, pangalawa siya sa pinaka maganda ang achievements at seryosong bata si Cindy."
"Pero hindi siya ang natitipuhan ko na mag mo-model sa aking mga Skin care products ang gusto ko sana ay si Misty Clavel ang isa sa mga top model mo rito." Sabi ng lalake na mukhang siya ata yung sinasabi ni sir anthon na gusto ako maging model pero taliwas naman pala sa sinabi niya, si Misty pala talaga ang gusto niya at hindi ako.
Nalungkot ako at masama man ang makinig sa usapan ay itutuloy ko na dahil gusto ko pa marinig ang usapan nila ng wala ako sa tabi nila.
"Ang kaso lamang ay Mr Ronson, meron na minomodel si Ms.Clavel na kagaya ng inyong produkto at hindi maganda sa image niya kung dalawa ang ipromote niya hindi ba?"
"Ganoon ba Mr Anthon, kung ganon ay tatanggapin ko nalamang si Ms. Sebastian, wala na ako magagawa" sabi nito at narinig ko ang pag hinga nito ng malalim.
"Nasaan na nga ba si Ms. Sebastian, Mr Anthon?" Nabigla ako sa punto ng lalake na iyon kaya naman naisip ko na kumatok sa pinto.
"Pasok!" Rinig ko sabi ni Sir anthon kaya naman pumasok na ako.
"Oh! Cindy! Ayan na pala siya Mr Ronson" sabi nito. Tinignan ko naman ang lalake na nakaupo sa office chair sa harap ng table ni sir Anthon.
Tumayo ang lalake matapos ko makarating sa pagitan ng pwesto nila.
"Hi Ms Sebastian, I'm Mr. Roderick Ronson" Sabi nito at ngumiti sabay lahad ng kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon at nakipag kamay.
"Hi Mr.Ronson, Nice to meet you" sabi ko naman sabay plastik na ngiti, alam ko naman na hindi niya ako gusto talaga.
"I haired a lot of you, and totoo nga! You're so gorgeous woman" sabi nito
"Thank you!" sabi ko naman at sabay kami umupo.
Pumirma na kami ng contract at big time nga ang lalake na ito dahil ang laki ng offer niya sakin, kaya pinatos ko nalang kesa wala project diba?
After signin contract ay nag sample shoot kami kasama ng product's nila at marami rin sila sponsor products para sakin, pagkatapos ng shoot ay nag ready na ako umalis.
Pag labas ko sa pictorial area ay nakita ko si Waren na naka abang lang sa tapat ng pinto na para bang may hinihintay.
Tumingin siya sakin at ngumiti, hay nako nakakabaliw yung ngiti na yon parang nakaka-kiliti ng laman at loob-looban ko.
"Hi babe!" sabi nito at akmang aakbayan na ako pero.. Hindi pwede! Kaya naman nilihis ko ang kamay niya para naman malaman niya galit ako sa kanya, Tiniis ko siya hindi kausapin ng ilang araw tapos sa personal bati na kami.
"Woa? Wait!" sabi nito at tumakbo pa para maabutan ako sa paglalakad.
Humarang pa ito sa dadaanan ko para mapahinto ako.
"Wait!Dyan kalang wag ka gagalaw!" sabi nito na nakakaloko ang mukha.
"Bakit ba?"
"Anong bakit ba? Ako dapat mag tatanong kung bakit ka ba ganyan"sabi nito at nag kibit balikat.
"Pwede ba? Umalis ka sa daraanan ko!"Mataray na sabi ko rito, Kailangan ko to gawin dahil ewan ko nag tatampo talaga ako sa kanya kahit na gusto gusto ko na sya yakapin.
Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at nilapit ang mukha sa mukha ko dahil doon ay lalo bumilis ang t***k ng puso ko.
"Please cindy, Tell me what's wrong? Ayaw mo na ba sa akin kaya ka ganyan?" Seryoso sabi nito at kitang kita ko sa mga mata niya ang pag aalala.
At ano daw? Ayaw ko na raw sa kanya? Wait? Hindi totoo yun! Mahal na mahal ko siya sobra pa sa pag mamahal ko sa sarili ko.
"Waren! of course not!"
"So tell me! Ano ba problema mo? Ilang day's ka di nag paramdam at----"
"At hindi ka rin nag paramdam gaya ng ginawa ko! You never ask me kung ano ginagawa ko sa bahay at di ka rin tumatawag ni hindi ka nga nag aalala sakin tapos tatanungin mo pa ako!" hindi ko na pinatapos ako sasabihin niya at sinabi ko na agad ang part na nararamdaman ko tampo sa kanya.
Kailangan ba talaga sabihin pa ang dahilan hindi ba niya nararamdaman na malungkot ako dahil sa mga ginagawa niya mali sa relasyon namin. Hindi ba niya alam na galit ako dahil si Misty ang mas inuuna niya kesa sakin. At baliwala lang yung mga araw na hindi kami magkasama at hindi kami nag uusap kahit sa phone ni isang Hi wala!
"Okay! I'm sorry Cindy! Please forgive me! akala ko kasi, gusto mo mapag isa kaya hindi na kita tinawagan or tinext nung mga nakaraang araw dahil after natin mag usap sa phone pinatayan mo ako at di mo na ako tinawagan ulit"
"Bakit di mo ako tinawagan?" tanong ko rito, oo bakit siya bawal ba siya tumawag.
"Eh kasi alam ko mag aaway lang tayo, mas mabuti narin na huminahon ka muna, natatakot kase ako na baka mamaya san pa mapunta usapan naten pag pinilit kita kausapin na mainit ang ulo mo." sabi nito.
"Hmp! Hindi ako satisfied sa explanation mo!" Sabi ko at namaywang.
"Bakit ba kase babe? Ano ba talaga dahilan bakit ka nagagalit?" sabi nito at pumunta sa likuran ko at saka dinikit ang katawan niya sa likod ko, nanigas ako sa mga sandaling iyon at lalo na nang maramdaman ko ang mainit na pag buga ng hiniga niya sa tenga ko at sinandal ang baba nito sa balikat ko at nag umpisa na gumalaw ang mga kamay niya papunta sa magkabilang balikat ko at minasahe masahe iyon.
"Mag celebrate nalang tayo sa natanggap mo project kay sir Anthon" bulong nito sa tenga ko.
"H-ha?" Yun lang nasabi ko.
"Dun tayo sa nireserve kong room hotel"