BACK TO COLD HEART

1421 Words
Ang saya ko kase narito kami ni Carlo sa park. Hindi ko talaga ineexpect ang pag sama nya sakin dito. "Ano naman ang afford mo pagkain dito" tanong nito Naglalakad na kami ngayon at tumitingin tingin ng masarap na street food na nandito sa gilid ng park nakparada. "Kahit ano gusto mo carlo" sabi ko rito. "Hindi ba sasakit tyan ko dyan?" sabi nito na parang nandidiri pa sa pagkain. "Hindi naman, kami nga ni waren madalas kami dumaan dito pero hindi sumasakit tyan namin" "Ano?!! Madalas kayo dito?" malakas na pag ka sabi nito, nagulat naman ako at nawala ang focus ko sa mga pagkain namimili kase ako ng kakainin namin. "Ha—ahh—oo" sagot ko naman. Napalingon ako sa umuusok sa isang sulok at ayun naisip ko na na doon nalang kami kakain. "Tara Carlo! Dun tayo masarap ang isaw nila!!" Hindi na pumalag pa si carlo sa kakainin namin hinihintay nalang namin maluto ito dahil iniihaw pa ito. "Are you sure safe kumain dito?" paniniguro pa nito. "Oo naman!" sabi ko na natatawa pa ang oa kase niya. "Wag ka nga tumawa! Nakakainis ka!" sabi nito na naiinis. Tumigil ako sa pag tawa. Nang maluto na ang isaw, kumain na kami si carlo naman ay parang natatae na ewan sa itsura nya naka ngiwi ito at di malaman kung titigan lang ba nya ang isaw o matutunaw nalang ito kusa. "Carlo kainin mona, Tikman mo lang kung ayaw mo may hotdog dito" sabi ko. "May hotdog naman pala sana yun nalang!" sabi nito na naiinis na naman. "Sige ikukuha kita ng hotdog!" sabi ko pero pinigilan nya ako. "No! Mag aantay na naman ako maluto, kakainin ko na ito" sabi nito Nag umpisa na ito tikman ang isaw at ng makain na ito ay sunod sunod na ang pag subo. "Masarap nga sya" Sabi nito habang may laman pa ng isaw ang bibig. Napangiti ako at sobrang saya ko ngayon kase kinain nya yung isaw. "order ka pa" sabi nito at kinuha ko sa saw sawan ang isaw na binabad ko doon. Kinain nya ito naka ilang isaw din sya bago ko sya inawat. "Tama na carlo, masama kumain ng marami nyan" sabi ko. "But you told me this is safe" "Oo pero bawal kumain ng marami nyan, hindi kase yan natutunaw agad sa tyan, yung iba nagiging habbit ang pag kain ng isaw kaya naooperahan sila." "Okay!" sabi nito lumipat na kami sa iba pa kakainan. At sobrang saya ng araw na ito. Lumipas ang ilang mga araw, nabalitaan ko at kalat na sa buong school ang panliligaw ni Waren kay Cindy, hindi konarin nakaka seat mate si Waren dahil sila na lagi ni cindy ang magkatabi at ang katabi ko naman ay si bety na nakaupo dati sa inuupuan ngayon ni cindy at si Shawn naman ay nakaupo sa tabi ni Carlo na pinalitan ni waren ang dati nito upuan. "Hay nako, itong lovers na ito, napaka taray ahh, kase nagpapalit sila ng upuan" sabi ni bety na katabi ko ngayon. "oo nga, sila na ba?" Mahinhin na tanong ko rito. "Ewan ko pero, diba friend mo si waren, bakit hindi ikaw ang mag tanong?" "Sige, pag nakausap ko sya" sabi ko naman. "Ah ms.clavel" tawag nito. "Bakit Betty?" "Ahh.. kase pwede ba kita ....." nahihiyang sabi nito at nakayuko pa. "Ano bayun Betty?" Pag uusisa ko pa sa mukha nya na di makatingin sakin. "Pwede ba tayo maging mag kaibigan" sabi nito matapos ay tumingin sakin. "Oo naman! Ano kaba bakit kapa nahihiya" sabi ko rito. "Eh kase, ang ganda mo" sabi nito. Napangiti naman ako sa sinabi nito. "Ako kase binubully nila kase ang panget ko daw ang dami ko raw pimples" malungkot na sabi nito. Hinawakan ko ang kamay nito. "Ano kaba betty wag mo sila isipin, ang mahalaga mabuti ka tao, hindi mahalaga ang pang huhusga ng iba dahil ang mabuting puso ang mag sasabi ng kagandahan ng isang tao at hindi ang panlabas na anyo lamang." "Wow! Talaga! Osige hindi ko na sila papansinin basta ngayon friend na tayo ahh!" "Oo naman" At after nun naging matalik kami mag kaibigan, naikwento ko na saknya lahat dahil piling ko sya na ang best friend ko at magaan ang loob ko sa kanya. Lumipas pa ang mga araw, linggo, buwan, at masaya ako at si betty na nag kukwentuhan nag kaka chat at nag kakatawagan rin kami, si waren at cindy naman ay officially on na, nabalitaan ko din na na promoted si cindy ni sir anthon at official model narin ito dahil magaling daw talaga si cindy at nag iimproved. Si waren din ay ganun nakuha din sya ni sir anthon at couple sila ni cindy sa mga shoot at iba pang commercials. Si Carlo naman ay madalas na nakasimangot na naman at galit ulit sakin. Oo, mainit na naman ang ulo nya sakin. Simula ito nung araw na sinagot ni cindy si Waren. Akala ko pa naman magiging kaibigan ko na si Carlo. Pero lalo pa ito lumala. Inayos ko na ang mga gamit ni carlo at nilinis ko narin ang kwarto nya nasa banyo ito at naliligo ang kwarto nya ay may sariling cr, pag kabukas ng pinto ng cr nya ay nadungaw ko agad ang kanyang katawan na nakahalf naked. Tila ba ang mga mata ko ay naka tulala lamang at nakaawang pa ang aking labi sa aking pagkamangha sa desenyo ng kanyang katawan. Siguro sa kaka jogging nito every Saturday and Sunday ay nagawa nito ma maintain ang ganitong klaseng katawan at baka pag tungtong namin sa edad ay lalo pa itong maging hot! "What?" sabi nito. "Umalis kana nga sa kwarto ko naaalibadbaran ako sayo!" sabi nito. At Tumungo nasa kanyang cabinet, ako naman ay parang nabuhusan ng yelo sa sinabi nya. Umalis na ako sa kwarto nya tapos narin naman ako mag linis. Pumunta na ako sa kwarto ko at naligo na rin ako ang kwarto ko ay may sarili ring CR since babae daw ako sabi ni Ma'am carla dapat daw talaga meron ako privacy. Magda rin ang kwarto ko kulay pink ang kulay nito ako mismo ang nag desenyo at si maam carla ang bumili ng mga gamit ko, sa sobrang bait nya piling ko tuloy siya ang pangalawa ko mama. Naligo na ako at pagkatpos ay nag bihis papunta para makapasok na sa school. Matapos ko mag bihis at pumunta na ako sa kusina para kumain. Naroon na pala si Carlo na at sila tatay at maam carla sa dining table at kumakain. "Kumain kana Misty" sabi ni Ma'am carla. "Oh anak, malalate na kayo bilis mo" Sabi naman ni Tatay. "Opo" Sabi ko at umupo sa tabi ni tatay. Nag umpisa na ako kumain at si carlo ay tuloy tuloy sa pag kain tapos ay uminom ng tubig at umalis. "I'm done, excuse me! I'm going to school now" sabi nito sabay halik sa mommy niya. "Okay, but carlo" tawag ni maam carla. "Isabay mo na si misty!" sabi nito. "What?! Ayoko mom please!!" sabi nito sabay talikod. Pero nag pumilit si maam carla kaya naman napilitan din si carlo na pasabayin ako sa kotse nya. Nag mamaneho na si Carlo at ako naman ay nasa backseat lang natatakot nga ako sa kanya at baka mamaya ay magalit sya sakin or sigawan ako. Mayamaya pa ay nakarating na kami sa school bumaba na ako ng sasakyan nya at mabilis rin nya ako na abutan sa pag lalakad ko. Nagulat ako dahil hinila nya ang braso ko at napa harap ako sa kanya sa lakas ng hila nya sa akin. "Alam mo ba na kakabwiset kana?" "Bakit ano ba ginawa ko sayo?" "Marami! Una Nung mga panahon na gusto ko kasama ng solo si Cindy! Nandyan ka sa tabi namin! Pangalawa nung JS Prom! Aamin na sana ako sa kanya pero ikaw ang queen doon dahil mapapel ka! At nung pag uwi sana nung js prom naten nakasama ko at naihatid ko si Cindy edi sana nag ka chance pa ako umamin at hindi ako naunahan ng asungot na Waren na yun!! Pero ano nanyare nun? Nag sasayaw tayo na parang baliw sa garden!! Dahil doon nawala yung chance yung pangarap ko maging girlfriend bigla nalang nag laho dahil sayo!" galit na galit na sabi nito. Umalis ito matapos masabi ang mga iyon sakin, natulala nalamang ako sa isang tabi habang unti unti bumabagsak ang luha sa mga mata ko. "Si Cindy pala ang dahilan kung bakit siya galit sa akin"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD