Misty POV
Lahat ng mga estudyante ay nag hahanda na para sa Mapeh subject namin kung saan ay tinuturuan kami ng ibat ibang tradition or moderno kabilang ang pag sasayaw. Isa na roon ang Waltz.
Kami ay pinag hahanda na ng aming guro.
"Be ready class, Ang girls na ang pipili ng nais nila makapartner."
Nang sabihin yon ng aming guro ay nag ingay ang lahat at kanya kanyang pili sila ng makakapartner. Tumingin ako kay Carlo na, naabutan ko itong nakatingin din sakin pero agad ito nag lihis ng paningin.
Gusto kaya nya ako makapartner? Tanong ko sa aking isipan.
(Pero malamang si cindy ang gusto nya)
Nagulat naman ako sa bigla nalang kumalabit sa akin.
"Ah?!" Gulat na reaksyon ko. Si waren pala ito.
"Anong ah? a e i o u?" Sabi nito sabay tawa ng malakas.
"Ang korni mo waren" Sabi ko na may pagtatampo, bigla nalang kase ito susulpot kung saan.
"Ako na ba ang napili ng aking kamahalan?" Magalang na sabi nito na pinipigilan tumawa at naka yuko pa ito at naka pwesto ang kamay sa ilalim ng kanyang dibdib.
"Oo na, umayos ka nga makita ka ni sir dyan"
Nasa campus kasi kami ngayon at naka tayo at nag wawarm up palang para sa practice namin sa waltz, Panay ang sulyap ko kay carlo, kasama nya na si cindy at nag kukwentuhan sila.
Maya maya pa ay nag start na ang practice namin. Dahil sa marunong na ako nito ay hindi na ako nahirapan maging si Waren, pang ilang practice narin namin ito kaya naman nakabisado na namin halos lahat kami mag kaklase.
"Okay class, ngayon naman per pair ang gagawin naten, so ito na ang final performance nyo so galingan nyo"
Una tinawag ay sila carlo at cindy sila ang unang nag perform.
Habang nag sasayaw sila ay naaalala ko yung pag sayaw namin ni carlo sa garden na iyon.
(Naaalala pa kaya nya yon?) yun ang tumatakbo sa isipan ko at iniimagine na ako ang kapartner nya ngayon.
"Mistisa, ano nga pala ang nanyari sainyo ni Carlo sa prom, bigla kayo nawala" sabi ni waren na katabi ko pala nakaupo habang pinapanuod sila carlo at cindy.
Naalala ko na tumakbo ako noon na umiiyak at narinig ko tinawag din ako ni Waren nung gabi na iyon.
"Ahmm.. wala" Sabi ko at ngumiti saka tumingin kay carlo na nagsasayaw parin.
"Kwento mo naman" pangungulit nito sabay siko sakin.
"Wala nga, eh ikaw ano ba pa nanyari sa inyo ni cindy?" Pag babago ko ng usapan para di na sya mangulit.
"Ha? Ah.... Wala nag sayaw, yun lang" sabi nito saka nag iwas ng tingin. Napaangat ang kilay ko sa naging kilos nito.
"Hmm nakita ko kayo nag ngingitian at parang nag uusap"
"Wala yun, sus syempre alangan naman mag iyakan kami" sabi nito at di ko na kinontra pa.
WAREN POV
Nagsasayaw sila cindy at carlo sa harapan namin, habang kami mga estudyante ay nakaupo lang. Katabi ko si misty at na pag usapan nga namin yung about sa prom.
Nung gabi na yon...
Sobrang ganda ni Cindy, hindi ko na itatanggi na maganda sya, basta maganda sya ang sexy pa para dyosa ng kagandahan. Tapos kinakausap nya ako ang lambing din ng boses nya pero madaldal.
"Galit ka ba sakin waren lee?" Tanong nito after ilang menuto na nag sasayaw kami pero walang imikan. Ang totoo naiinis ako kay carlo at sa mga barkada nya, sobrang masasama ang ugali akala mo kung sino sila kaya tumatak sa utak ko na lahat ng kasama nya mayayaman sigurado at puro spoiled brat kagaya nya.
"Nope," Tipid na sabi ko.
"Ok lang ba maging friend tayo?" sabi nito
"Of course!" sabi ko sabay ngiti rito at ganun din sya (Shocks ang ganda ng ngipin nya pantay pantay)
"Ok lang ba maging close kita gaya ng trato mo kay misty?" Tanong nito na paangat ang noo ko sa sinabi nito
"What?" (What ? No way! Iba si mistisa ko sayo) sabi ng utak ko. Ngumiti lang ako dito sign na plastic lang ang datingan ko syempre pag bigyan. "Yeah, you can join together with us." Sabi ko rito, lalo pa lumawak ang ngiti nito.
"Thank you waren" Sabi nito sabay yakam sakin. Nagulat nga ako bakit ganun nalang sya kasaya na maging close friend kami.
Bigla nalang nagawi ang tingin ko kay misty na tumakbo paalis at nakita ko sinundan sya ni carlo.
"Misty!!" Malakas tawag ko at akmang susundan ko sana sya ng bigla ako hinalikan ni Cindy.
Ayun natulala ako. Simula noon lagi ko na iniisip itong si cindy, bakit ba kase ako hinalikan eh bawal nga kiss don di tuloy ako nakabawi. Pero bakit ganun easy girl ba sya para gawin yung ganung kadesperadang moves. Oh what the f**k ano pa ba iisipin sa mga kagaya nya this days. Virgin pa kaya sya nyan?
Oo babaero talaga ako at ang mga kagaya ni cindy ang tipo kong sakyan dahil sila yung mga tipong kahit iwan mo okay lang kase yung mga kagaya nila ang iniisip lang makarami ng boyfriend. Kaya eto ako isip ng isip kung liligawan ko ba sya para maging isa sa mga gf ko.
Pero yung tipong seryosohan kay misty clavel ako, sya yung desenteng babae na walang ka dungis dungis, bobo lang talaga itong carlo nasa bahay na nila yung maganda kung sino sino pa ang gusto.
Ngayon tignan nalang naten aagawin ko yang cindy mo carlo hahahaha (devil laugh).
Carlo POV
Tapos na kami mag perform, hindi talaga maganda ang timpla ko ngayon, habang nag sasayaw kami ni cindy si misty ang iniisip ko. And you know what? Parang may nag sasabi sakin na sana ako piliin nya maka partner.
Napailing iling nalang ako.
(Tapos na ang sayaw kaya wag mo na isipin kung ano man gusto mo manyari) nasabi ko nalang sa isipan ko at saka umupo na sa bahagi ng quadrangle ng school na ito. Lahat kasi kami nandito sa labas ng room at dito kami nag peperform.
Matapos mag perform lahat ng kaklase ko kabilang si waren at misty ay nag break time na kami. Si Cindy ay kasama si janice at ako pupuntahan ko yung mga kabarkada ko na ka team ko rin sa basketball.
"Oh! Mr king of the prom! How are you!" salubong na sabi ni Marcoe na pinaka close friend ko sa team namin, madalas nya ako alaskahin at napaka pilyo nya talaga kung di mo magegets ugali nito nako mababadtrip ka. Pero ewan ko ba bakit sya ang gusto ko kasama kesa sa iba ko pang barkada.
"Tumigil ka nag uumpisa ka na naman mang asar" awat ko dito, nasa canteen kami ngayon at siya nakaupo na at nakahanda na ang pagkain sa table habang ang iba pa mga barkada namin naka pila.
"Nasan si ms queen"
"Ano ba marcoe! Mag tigil ka nga!"
Umupo na ako sa isang bakante chair sa harapan nya at kinuha ang fries na nakahain sa table.
"WTF! Ang yaman yaman ayaw bumili" pag rereklamo nito.
"Babayan pa kita ng doble sa presyo nito" sabi ko at saka pinag patuloy kainin ang hawak ko fries.
"So, what happen sa prom? Akala ko ba aamin ka na kay cindy non?" sabi nito
"Paano ako aamin eh may epal" sabi ko rito.
"Si misty ba? Eh bakit kaya hindi nalang sya ligawan mo" sabi nito at nag kunot noo ako.
(No way! That cheap girl?)
"She's not my type, ano mapapala ko saknya eh katulong lang namin sya" sabi ko rito.
"Eh lalake ka naman, besides matalino si misty, saka sobrang ganda nya grabe! Kung ayaw mo sa kanya baka pwede ako nalang!" sabi nito.
"Tsk! No way! Wala pwede manligaw sa babae na yon lalo na kayo isa sa mga barkada ko!!" depensa ko.
Ewan ko ba nakakapang init naman ng ulo itong si marcoe ngayon bakit ba nya naisip yun, parang gusto ko sapakin yung mukha nag iinit yung ulo ko, para ako nababastos nung sinabi nya sya nalang manliligaw kay misty.
"Oh sayo na!!" Sabi ko sa bay bagsak ng fries na kinuha ko sa table nya. Saka tumayo at umalis
"Uy! Ano nanyari sayo!!" pahabol na sabi nito at nag tuloy tuloy na ako sa pag alis sa canteen.
Sumakay na ako sa kotse ng matapos ang klase.
Habang nag drive ko ang kotse ko palabas ng school nakita ko si misty na nag lalakad na pauwi mag isa lang ito.
"So, wala pala sya kasamang asungot" sabi ko nalamang at binusinahan ko ito.
Agad din ito tumigil sa pag lalakad matapos ko rin ihinto ang sasakyan sa gilid nya. Humarap ito para tignan ako binuksan ko ang mirror ng bintana ng sasakyan ko.
"Bakit carlo? May kailangan kaba?" sabi nito matapos ako makita.
"Uuwi kana ba?" Tanong ko rito.
"Oo" sabi nito, nag lalakad lang kasi ito pauwi dahil ayaw ko syang isakay sa sasakyan ko.
"Sumakay kana!" sabi ko rito at isinara ko na ang bintana ng kotse ko.
Mabilis ding sumakay ito tapos ay pinag patuloy ko na ang pag mamaneho.
"Salamat Carlo" rinig ko sabi nito.
Tumingin ako sakanya gamit ang front mirror sa itaas ko at nakita ko sya nakatingin rin sa akin. Nasa backseat kasi ito.
Nagpatuloy ako sa pag mamaneho hindi kami nag uusap hanggang sa makarating na kami sa bahay.
"Carlo ano gusto mo hapunan?" tanong nito sakin matapos makapasok sa loob ng bahay, narito na kami sa sofa at sabay na nag huhubad ng sapatos.
"Kahit ano, basta masarap" sabi ko. Oo nga pala masarap pala talaga sya mag luto kapag iba ang nag luluto ng pagkain or iba ang nag titimpla ng coffee ko naiinis ako iba kase ang lasa ganun din si mommy kaya lagi na talaga si misty ang nag luluto at nag titimpla ng kape namin. Siya rin ang nag lalaba ng mga damit ko at siya nag hahanda ng pampaligo ko tuwing umaga pati ang susuotin ko.
Piling ko nga si misty na ang mama ko.
Misty POV
Nireready ko na ang pag kain namin ni Carlo, Oras na ng hapunan at si Mam carla at tatay ay mga tatlo araw pa raw uuwi dahil meron business trip si maam carla. Urgent ito kaya hindi na kami hinintay pa makauwi ni carlo at tinawagan nalang kami. Kami dalawa lamang ni Carlo ngayon sa bahay. Ang iba kase katulong dito ay tuwing sabado at linggo lamang nagagawi at hindi sila stay in ako na kasi halos ang gumagawa ng iba gawain kaya yung pag lalaba nalamang ng iba damit ni carlo at ni maam carla ang inaasikaso ng dalawa pa katulong.
Pumunta na ako ngayon sa kwarto ni carlo. Kumatok muna ako.
"Carlo! Kakain na!" sabi ko rito.
"Susunod na ako"
Pag kababa ko ay hinintay ko muna sya, di rin kase ako sanay na wala kasama kumain. Nakita ko pababa na siya ng kwarto nya at tumuloy naman n ako sa kusina.
Pag lingon ko ay kasunod ko na pala ito nauna pa ito naupo sa dining table.
"Dapat pala sa kwarto nalang ako kumain, wala pala si mom" sabi nito sabay kuha ng kutsara at tinidor sa mesa
Hindi ako nagsalita natatakot kase ako baka mabara or mag sungit pa sya sakin imbis na medyo bumabait na sya sakin.
Nag start na kami kumain hindi man lang kami nag usap, sobrang tahimik.
Pagkatapos namin kumain ay niligpit ko na ang mga plato pinag kainan namin at pinasok sa ref ang iba pa pagkain na natira. Siya naman ay nag huhugas ng kamay.
"Misty! Marunong kaba mag chess?" Bigla ito nag salita habang patuloy nag huhugas ng kamay.
"Ou medyo:" sabi ko rito.
" Tara na at mag laro tayo, I'm so bored!"
Matapos ko mag ligpit nag punta na ako sa sala kung saan ako hinihintay ni carlo para maka laro ng chess.
Umupo na ako sa isang sofa, magkaharapan kami ngayon nakatingin lang ito sakin pinag mamasdan ang kilos ko.
"Okay, so dapat may thrill ang laro, kaylangan natin mag pustahan" sabi nito napaangat naman ang kilay ko sa sinabi nito. "Ano ipupusta ko sayo?" sabi ko rito.
"Kahit ano.. ano sa palagay mo ang afford mo?" sabi nito, nag isip ako (Ano nga ba?) at yun nga naalala ko sa park gusto ko sya dalhin doon para makasama kumain ng mga street foods.
"Ahmm ililibre kita sa park pag natalo mo ako, at pag natalo kita ako ang ililibre mo dun" sabi ko rito.
"so cheap! Pero okay narin!" sabi nito at nag umpisa na kami.
Mga ilang minuto habang nag lalaro kami ay unti-unti ako nakakaamoy ng pag katalo sobrang talino talaga ni Carlo at hindi ko alam pero masya parin ako kahit na talo na ako kasi nakikita ko sya napapangiti sa twing ako na ang titira natatawa ata sya kase hindi ako ganun ka husay sa laro na ito.
Maya maya pa ay nahulog ko ang isang piraso ng pawn pareho kami napa tingin ni carlo sa sahig at ng damputin ko iyon ay nagulat nalamang ako mahawakan nya ang kamay ko na sasadyain sana kunin din ang pawn na nasa kamay kona.
Pareho kami napatitig sa isa't isa.
Nauna na syang bumitaw sa kamay ko at putulin ang ano mang awkward na nanyare.
"Ah ikaw na" sabi nito na ibig sabhin ay kailangan ko na tumira sa laro naming chess.
"Ah—oo sige!"
Nang tumira na ako ay bigla ito ngumisi pagkatapos ay tumira narin
"Checked!" sabi nito.
Tinitigan ko ang chess board at napangiti ako.
"Oo nga! Ang galing galing mo carlo!!" sabi ko rito.
Tumingin ito sakin at nag kunot noo.
"Syempre naman! Mas matalino kase ako sayo!" sabi nito sabay tayo at nag lakad na patungo sa kanyang kwarto.
"Oo nga pala Misty!" sabi nito "Ililibre mo pa ako sa park bukas" pahabol na sabi nito at saka dumiretso sa kwarto.