MISTY POV
Nasa Garden ako at naguumpisa na ako mag tanim ng pink roses na binili ko sa flower shop maganda klase kase ang mga roses nila doon kesa sa mga roses na tinanim ko nung high school palang ako at halos mga bulaklak na nga ang bisyo ko twing nagkaka payroll ako ay binibili ko ng mga pang tanim.
Hinuhukay ko ang lupa sa garden para doon ko itatanim ang isang sangay na bulaklak. Hindi kona gagamitan ng vase para maging puno ito pagdating ng araw. Iniimagine ko palang ang ganda na tignan.
"Sana lumaki ka agad na parang isang puno"
Sabi ko sa bulaklak na nasa gilid ko nakalagay ito sa clear na bottle na may tubig.
"Ano ginagawa mo?"
"Ay kalabaw!" Agad ako napalingon sa bigla nag salita.
Si carlo pala ang nasa likod ko bigla bigla nalang talaga ito nagsasalita dahilan para magulat ako.
Tumayo ako para tignan siya, naka tshirt na white ito at naka above the knee sweat short ito nakulay grey. Sa suot niya na iyon parang hindi naman siya aalis..
"Ako yung nagkakape pero ikaw yung magugulatin" sabi nito at nakapamulsa na.
"Ah bakit carlo? May papagawa kaba sakin?" Tanong ko rito nakatitig lang ito sakin.
"Gusto ko lang magpahangin dito sa garden mo!" Sabi nito at tinignan ang buong sulok ng garden.
Garden ko daw?
"Ang ganda dito, sariwa ang hangin"
Nakangiti ito habang patuloy pinagmamasdan ang mga bulaklak sa bawat gilid ng garden.
"Ikaw ba lahat nagtanim nyan?"
"Ah oo, nagsimula ako noong elementary palang tayo, dati si nanay ang gumagawa nito pero nung nawala siya..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng maalala ko nga pala si nanay.
"That's okay misty, siguro lagi siya nandito sa garden at binabantayan ka mag tanim kaya siguro ganito ka success ang garden na ito" sabi nito at ngumiti sa akin.
Totoo ba ito? Nakangiti siya at maayos na nakikipag usap sakin?
Napawi ng ngiti niya ang lungkot ko ng maalala ko si nanay noon.
"Gusto mo ba dalawin natin si manang Selliana ngayon?"
"Talaga carlo gusto mo dalawin naten ang puntod nya?" Na excite na paninigurado ko rito.
Si manang selliana na tinutukoy nya ay ang pangalan ng aking Ina.
"Oo para naman matuwa siya satin dahil naalala natin siya." Sabi nito.
Nananaginip ba ako? Paki sampal ako please..
"Sige carlo, pero baka may gagawin ka ngayon?"
"Wala naman tara na!" Masigla sabi nito.
---
Nasa sementeryo na kami ngayon ni carlo kung saan nakalibing si Nanay.
Naging emosyonal ako sa pagkakataon na makita ko si nanay.
May dala akong bulaklak at inilapag ko ito sa puntod nya at nagsindi ng kandila samantalang si carlo ay nasalikuran ko lamang.
"Nanay, nandito kami ngayon ni Carlo, nay naalala mo ba si Carlo? Siya na po yung kababata ko na anak ni Maam carla, lagi ko naman po siya kinukwento sainyo, ang gwapo po niya noh?" Napahinto ako.
Ay oo nga pala kasama ko nga pala si carlo. Ay nako misty.
"kamusta po nanay Selliana"sabi ni carlo na nasalikod ko.
Diko na tinignan ang reaksyon ni carlo alam ko kase narinig nya yung sinabi ko dirediretso kase yung bibig ko.
"Nay, ang hiling ko lang po lagi nyo sana kami babantayan ni Tatay, nay malapit lapit narin ako makatapos sa pag aaral. Matutupad kona mga pangarap ko at pangarap mo para sa akin."
"Mahal na mahal po kita nanay"
Mayamaya pa ay naglalakad na kami ni carlo palabas ng simenteryo, naalala ko naman agad ang papa niya.
"Carlo, dalawin din naten ang papa mo, alam ko doon siya banda!" Sabi ko at itinuro ko pa ng daliri ko ang direksyon sa puntod ng kanyang ama.
"Next time nalang"
"Hindi pa ako ready" sabi nito ngunit mahina lang.
Naglakad na kami papunta sa kotse niya at umalis.
Bakit kaya napakailap ni Carlo sa tuwing binabanggit ang kanyang ama.
"So what's next?" Tanong nito habang patuloy na nagdadrive.
"Ha?" Ano ba ibig nya sabihin sa what's next?
"Saan na tayo pupunta? Uuwi na ba tayo? Boring naman kasi, ano kaya kung pumunta tayo sa isang lugar na masaya naman?"
"Saan naman?"tanong ko rito.
"May naisip ako, dun tayo sa paborito ko lugar" sabi nito at saglit na ngumiti sakin at binalik muli ang tingin sa kalsada.
Totoo ba ito? Dadalhin niya ako sa paborito nyang lugar?
Pumunta kami isa sa mga kilalang lugar na pasyalan dito sa manila sa Circus the lights.
Bukod sa mga nakakaaliw na magic may mga rides din rito at mga libangan. Marami ring pumupunta at tulad ngayon.
Sa ingay ng mga tao ay hindi mo aakalain na isa ito sa gusto lugar ni Carlo kilala ko kase siya na gusto ay tahimik lamang ang nasa kapaligiran.
"Misty, nakapunta kana ba dito?"
Tanong nito habang naglalakad kami.
"Oo dinala tayo dito ng papa mo noon 7 yrs old palang tayo madalas nga tayo nandito." Sabi ko naman.
Tama hindi ito ang unang beses ko nakapunta rito, isa sa mga nagustuhan ko kay carlo ay yung mga bata pa kami na lagi kami naglalaro dito.
"Nice, naaalala mo pa pala?"
"Syempre naman, hindi ko makakalimutan iyon"
Ngumiti ito sa akin.
"Tara dun tayo!" Tinuro nito ang Ferris wheel.
Magdidilim na ng makasakay kami sa ferris wheel at kitang kita ang mga ilaw sa baba namin nung umakyat na pataas at sobrang ganda.
Magkatabi kami ni carlo habang dahan dahan na umaandar ang Ferris wheel.
"Alam mo ba kung bakit Circus the lights ang tawag dito."
Sabi nito at nakatingin sa akin, yung tingin na mapungay ang mga mata.. bigla nalang ako nakaramdam ng kalabog sa dibdib ko.
"Kase puno ng liwanag ang makikita mo kapag nakasakay kana sa rides na ito pag nasa baba ka hindi mo maapreciate yung ilaw dahil hindi mo buo makikita at maiingay ang mga tao pero dito sa ferris wheel pag nandito kana sobrang nag niningning na ang ibaba dahil sa ibat ibang ilaw na makikita mo, nakakawala ng stress at pagod ang ganitong embiance"
Nakatingin lang ako kay carlo habang nagsasalita ito, ang mga ilaw sa ibaba na tinitignan niya ay nag rereflect sa kanyang mga mata at mas gwapo siya pag masdan ng ganon. Tumingin ito sakin at para na naman ako na estatwa sa kinauupuan ko. Na stuck ako sa kanyang tingin na para bang ayaw ako pakawalan.
"Misty" mahinang sambit nito sa pangalan ko pagkatapos ay sinapo nito ang pisngi ko ng kanyang kamay diko rin namamalayan na nakatingin na siya sa mga labi ko at unti unti idinidikit ang kanyang labi hanggang sa maglapad ito.
Ang init ng halik nito ay dumidiin at bumibilis ang paggalaw at pilit na binubuksan ang aking mga labi na para bang nagiimbita na tugunan ko iyon.
Maya maya rin ay hindi kona napigilan na igalaw ang labi ko gaya ng ginagawa ni Carlo kahit pala unang beses mo mahalikan ng ganito ay magagawa mo rin maki pag sabayan.
Maya-maya pa ay bumilis ng bahagya ang Ferris wheel dahilan para mahinto kami ni Carlo sa aming ginagawa.
"Kumapit ka" sabi nito at hawak hawak ang isa ko kamay.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko ng mga sandali na iyon hindi dahil nakakatakot ang bilis ng ikot ng ferris wheel kundi dahil hawak ni carlo ang kamay ko at kakatapos lang namin pagsaluhan ang mainit na halik ng walang kadahilanan kung bakit namin yun ginawa.
Nahinto na ang pag ikot at isa isa na kami pinababa.
Nakakaramdam ako ng awkward sa nanyari kanina. Ano naman ba ang sasabihin ko ngayon? Hindi ko naman alam bakit nanyare yon parang ang bilis lang diba? Hindi ko siya matignan sa aking mga mata.
Hindi ko namamalayan na nauna na pala ako mag lakad sa kanya.
Ano ba yun? Bat ba kase may ganung nanyare? Ano gagawin ko pano ko sya haharapin ng normal?
"Misty!" Tawag nito sa akin napahinto naman ako sa paglalakad pero hindi lumilingon sa kanya.
Hinila nya ang braso ko para mapaharap ako sa kanya.
"San ka pupunta?" Tanong nito.
"W-wala ano kase"
"Tara uwi na tayo!" Sabi nito.
"Sige" sabi ko rito hindi ko parin siya magawa tignan.
Nauna na ako mag lakad sa kanya papunta sa kotse niya.
-------
Pag dating namin sa bahay ay agad ako nauna bumaba sa kotse niya at dumiretso papasok sa pinto. Iniwan ko si Carlo sa parking area.
Papasok na sana ako sa aking kwarto ng makita ako ni Ma'am carla.
"Misty? Saan ka galing?" tanong nito at mabilis ko itong nilingon.
"Ahm.." Sasabihin ko ba kasama ko anak niya maghapon?
"She's with me mom"
Pareho kami napalingon kay carlo na nasa likod na pala ni Ma'am carla.
"What? Saan kayo galing dalawa?"
"Ahm kase mom, nag pasama ako kay Misty kanina" sabi nito at napakamot pa sa ulo.
"Saan?" Usisa pa ni Ma'am carla rito.
"Sa.. puntod ng mama niya and also were visited dad" sabi ni Carlo at kita ko ang pag lunok nito ng malalim.
Nakita ko ang pag ngiti ni Ma'am carla rito.
"Is that true?"
"Y-yes" nauutal na sabi ni Carlo.
"Totoo ba misty?" Paninigurado pa nito.
"Ah.." Nakita ko pinandilatan ako ni Carlo upang sumang yon din ako.
"O-opo Ma'am carla t-totoo po." lakas loob na sabi ko.
"Talaga?"Bigla nag liwanag ang mukha ni Ma'am carla at niyakap si Carlo.
"I'm so proud of you my son" sabi nito. Nakatingin sa akin si Carlo na para bang may lungkot sa kanyang mukha siguro dahil nakokonsenya sya sa pag sisiningaling niya sa kanyang ina.
"Thank you mom" umalis si Ma'am carla sa pag kakayakap at hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang magkabilang pisngi ni Carlo.
"Thank you din anak, keep it up" sabi nito tapos ay tumingin sa akin.
"Matulog na kayo kung nakakain na kayo ha?"
"Opo ma'am carla" sabi ko.
"Okay, sige good night" sabi nito at umalis na.
Naiwan kami ni Carlo pareho sa tapat ng kwarto ko. At ng makalayo na si Ma'am carla ay nag kasalubong kami ng tingin nito.
"Ah Carlo nagugutom kaba? Gusto mo ba ipag luto kita?"
"ah kung okay lang sayo, kase knina hindi naman tayo nakakain bago umuwi" sabi nito.
"Ah sige mag luluto ako" sabi ko at dumiretso na sa kusina.
Pag punta ko sa kusina tinignan ko agad ang mga pwede lutuin na naka stock sa ref, chineck ko rin kung may kanin paba sa rice-cooker at meron pa naman para sa dalawa tao pa ang natira.
"Ano kaya lulutuin ko na gusto rin ni Carlo"
Muli ko binalikan ang ref at chineck ko ulit ang mga stock doon. May mga manok, beef, at pork at mga vegie.
"Mag luto kaya ako beef steak?"
At yun na nga nag umpisa na ako mag luto ng adobo manok, para mas madali lutuin.
Habang nag hihiwa ako ng mga sangkap na kakailanganin sa pagluluto ko ay napapangiti naman ako sa tuwing naaalala ko yung halik na pinagsaluhan naming dalawa ni Carlo kanina.
"Bakit kaya nya ako hinalikan?" Di ko malamang tanong sa sarili ko at hinawakan ko pa ang labi ko.
Bigla bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ko si carlo na papalapit sa akin. Mabilis ko binalik ang kamay ko na kasalukuyang naka dampi sa sarili ko labi at binaba yon ng makita ko siya nakatingin sa akin.
"Tulungan na kita?" Aniya.
"H-hindi na, kaya kona.. umupo ka nalang dyan" sabi ko at itinuro ang bangko na bakante sa tapat ko na katabi naman niya.
"Okay sige. Hindi rin naman Ako marunong magluto" sabi nito at umupo narin.
Nag umpisa na ako mag gisa ng mga sangkap at isusunod ko na ang manok habang ginagawa ko iyon ay hindi naman ako mapalagay dahil nakatitig lang sa akin si Carlo pag sinusulyapan ko ito. Lalo lamang bumibilis ang t***k ng puso ko.
"Misty" tawag nito at napalingon naman ako.
"B-bkit?" Nauutal ko pa sabi.
"Yung about sa ferris wheel" sabi nito. Mas lalo bumilis ang t***k ng puso ko kasi hindi ko alam ang ibibigay ko reaksyon sa kanya about doon.
Binuka ko lamang ang aking mga labi pero wala ito mailabas na sasabihin.
"I'm sorry about that, nakakaakit kase yung labi mo kaya siguro diko na pigilang halikan ka" sabi nito at parang hindi ko parin alam ang sasabihin naguguluhan ang utak ko bakit nya yun nasasabi ng ganun kadali sa akin. At totoo ba talaga naakit sya sa labi ko kaya ganun ganun nalang ang paghalik nya sakin?
Itinuon ko nalamang ang paningin ko sa pagluluto.
"Galit kaba?"
Hindi ako umimik. Sa halip ay hinayaan ko na lang sya hindi ko alam kung nakatingin parin ba sya sakin. Pero ano ba sasabihin ko? Na okay lng yon? sa uulitin? ganern?
Matapos ko magluto ay inihanda ko na ang pag kain sa mesa.
"K-kumain kana" nauutal na sabi ko.
"Okay, Let's Eat! Nagutom talaga ako, alam ko gutom ka rin, sabay tayo kumain kase nakonsensya ako di manlang tayo kumain bago umuwi, Napagod pa tuloy kita"
Napangiti naman ako sa sinabi nito at umupo narin ako matapos ihanda lahat ng gagamitin namin para kumain.
"Okay lang yun Carlo" sabi ko rito.
"So bati na tayo? Di kana galit sakin?"
Namula ako sa sinabi nito, ano ba itong ginagawa ni carlo bakit ang bait bait nya sakin?
"ah kumain na lang tayo" sabi ko at diko na ata maitatago pa ang pamumula sa pisngi ko.
"Sige" Nagkasalubong kami ng tingin at kitang kita ko ang magandang ngiti ni Carlo na nakakapg pakaba lalo ng dibdib ko.
(Author: Hi po pa follow po. Gusto ko lang po malaman if may nagbabasa po hehe Maraming Salamat)