MISTY POV
Simula ng araw na iyon, naging mabait ang turing sa akin ni Carlo.
Sabay na kami palagi umaalis sa bahay at hinahatid nya ako sa school, pag katapos ay hinihintay nya rin ako palagi sa taping ng commercial at iba pang trabaho ko.
Dahil sa ganoong pakikitungo nya lalo ako nahuhulog.
Narito ako ngayon sa garden araw ng linggo.
Nag tatabas ako ng mga damo na umuusbong na naman dahil sa sobrang pag ka busy ko sa school at sa pag freelance model.
"Hay.." nasabi ko nalang dahil sa tindi ng taas ng araw na nakatutok sa akin.
"Ang init grabe, bakit ba naman kase ang hahaba nyo na.. tuloy nahihirapan ako" sabi ko sa mga damo na tinatabas ko.
"Misty!" Agad naman ako napalingon mula sa likod ko dahil sa boses na tumawag sa akin na alam na alam ko na kung sino.
"C-carlo? B-bakit?" napatayo ako agad at di ko pa malaman ang gagawing ayos sa aking sarili dahil sobrang pawisan sa tindi ng init.
"Bakit ka nag bibilad? Makakasama yan sa career mo" Tanong nito. Naka suot lang ito ng white tshirt at black jeans pero sobrang gwapo at kamangha mangha ito tignan na nakatayo sa harap ko habang ang isang kamay ay nasa likod nito.
"Ah-- mahaba na kasi yung damo, matagal narin nung huling harvest ko dito" Sabi ko tumingin naman ito sa paligid at muling tumingin sa akin bahagya pa nito kinagat ang ibabang labi na lalo pa nag pa kaba sa akin dahil para bang nahihiya ito na di malaman.
"I have something gift for you" Tapos ay nilabas nito ang kamay na nasalikuran nya.
Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng makita ang isang boquet ng bulaklak na inilahad sa akin.
"P-para sakin ba yan?" Nauutal ko pa sabi.
"Oo Misty" Sagot nito at ngumiti.
Tinanggap ko naman ang bulaklak na inaabot niya sa akin.
Sobrang saya ko at di maipaliwanag ang nararamdaman ko basta ang alam ko lang ay masaya ako.
Isang boquet ng ibat ibang uri ng rosas ang ibinigay nito sa akin na lalo nag papadag dag ng kaligayahan na nararamdaman ko.
"Misty.. may sasabihin sana ako sayo." Napahinto ako sa aking kagalakan sa pag tingin sa mga bulaklak at matuwid na tumingin kay Carlo.
" Pwede ba kita ligawan?" Natulala ako saglit at di ko malaman at inuulit ulit sa isip ko ang sinabi ni Carlo.
"H-ha?" Nasabi ko lang dahil di ako makapaniwala.
"Sabi ko pwede ba ako manligaw?"
"C-carlo.."
"Pls Misty, sana pumayag ka seryoso naman ako" sabi nito.
"Pero diba si Cindy ang gusto mo?" Sabi ko rito dahil di ako makapaniwala na pwede ako ligawan ni Carlo Villagracia
"C'mon! Naka move on na ako sa kanya dahil sayo" sabi nito at lumapit pa sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Gusto kita Misty" sabi nito sabay unti unti inilalapit ang kanyang mukha sa akin. Maya maya rin ay mas lumapit pa ang labi nito sa aking labi. At nasasapo ko na ang kanyang mainit na hininga na lalo pa nag papakabog sa aking dibdib.
"Gusto mo rin ba ako misty?" Mahinang tanong nito.
"H-ha??"
"Please answer" sabi nito at namumungay ang mga mata.
"Ahh kase.." yun lang ang nabigkas ko nag aalangan ako sagutin sya, kahit na may lihim ako pagtingin sa kanya ay wala parin kami sa tamang edad para magligawan isa pa ay ano nalang ang sasabihin ni Tatay at Ma'am Carla? Sa iisang bahay pa kami nakatira.
"Kase?" Pag uulit nito sa sinabi ko.
"Carlo.. Hindi pa kase pwede" Sabi ko, nag salubong ang kilay nito at di makapaniwala sa sinagot ko.
"Hindi pwede kasi?" Tanong nito.
"Wala pa tayo sa tamang edad, nag aaral ako at pinag aaral ni mommy mo, hindi rin tama na mag karoon tayo ng relasyon dahil nasa iisang bahay lang din tayo."
"Misty, nasa tamang edad na tayo, were college and soon ga-graduate na tayo, at ano naman kung nasa iisang bahay tayo? Mas maganda nga yun nandyan sila para suportahan tayo at gabayan"
"Pero C-carlo-"
"Misty! Promise hinding hindi kita sasaktan please pumayag kana" sabi nito.
Ngumiti ako at nakunbinsi ng mga matatamis na salita nya at tingin ko naman ay totoo na gusto talaga niya ako ligawan. Sobrang saya ko rin dahil ito na ata ang pinakamasayang nanyari sa buhay ko ang ligawan at mapansin ni Carlo.
----
Maaga na at tumayo na ako sa pag kakahiga maaga pa pala ang pasok ko ngayon kaya naman nag madali na ako maligo at magbihis.
Pagdating ko sa school ay nakita ko si Waren na nakaupo na pala malapit sa aking upuan.
"Hi Waren" Masayang bati ko rito matapos ko umupo sa tabi nito.
"Mukhang mas gumaganda ka ngayon ah?" Sabi nito.
"Ah talaga? Salamat ah" Nakangiting sabi ko rito.
"Kamusta na nga pala kayo ni Carlo?" Tanong nito.
"Ahmm ayun ok naman" Sabi ko at napayuko pa ako ng maalala ko pa ang mga sinabi ni Carlo na gusto niya ako ligawan.
"Ikaw kamusta kana?" Tanong ko rito. Ngumiti ito sa akin at tumingin pa sa whiteboard. "Ayos lang Misty" Walang emosyon na sabi nito.
"Alam mo may gusto sana ako sabihin sayo" Sabi ko rito. Tumingin ito sa akin.
"Ano yun?" Curious na tanong nito.
"Si Carlo kase nililigawan niya na ako" Halos mamula na ang pisngi ko sa sinabi ko kay Waren para kase tuwing naaalala ko yung sinabi ni Carlo na liligawan niya ako ay kinikilig parin ako.
"W-what?" Gulat na reaksyon nito sa akin.
"Oo nga" Natutuwang sabi ko rito.
"Paano yun manyayari eh diba sila na ni Cindy?"Naguguluhan na tanong nito.
"Pero sabi ni Carlo matagal na daw siya naka move on kay Cindy" Sagot ko rito.
"So sasagutin mo ba siya?" Curious na tanong nito.
"Alam mo naman simula pa noon, gusto ko na siya diba?" Sagot ko rito.
Napatango tango lang ito na nakatingin sa akin pagkatapos ay ngumiti ito at hinimas himas ang ulo ko.
"Take care always Misty, sana hindi ka niya paiyakin" Sabi nito.
-----
Pagkatapos ng klase ay nakita ko si Carlo sa labas ng Gate ng School namin. Napatingin naman ako kay Waren na kasama ko maglakad palabas.
"Mukhang sinusundo ka na ng manliligaw mo ah?" Sabi nito sa akin. Kinikilig naman ako sa sobrang tuwa.
"Hi Misty & Waren" Sabi nito at tumingin kay Waren ng masama. Nakaramdam rin ako ng kakaibang awra sa dalawa dahil parehas masama ang tingin nila sa isa't isa.
"Sige waren kita nalang tayo ulit" sabi ko rito.
Lumakad na kami ni Carlo kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Bakit kaya siya nagagalit kay Waren. Tumungo na kami dalawa sa kotse niya at inalalayan pa niya ako pumasok sa kotse niya. Tapos ay sumunod narin siya sumakay sa driver seat.
"Ano pinagusapan niyo ni Waren?" Tanong nito matapos start ang makina.
"Ah wala naman, about lang sa work and school" sagot ko rito.
"Oh? Really?" Nakangiti na sabi nito. Tapos ay nag umpisa na siyang mag drive.
Bumaba kami sa isang Restaurant, at hindi ko akalain na dadalhin niya ako dito dahil ang alam ko ay uuwi na kami.
"Ano gusto mo orderin?" Tanong nito matapos namin umupo sa naka ready na table para samin.
"C-carlo? Ahm mukhang mahal dito" Sabi ko rito.
"It's ok. I'll treat you" Nakangiting sabi nito.
Hindi niya na ako pinaorder sa halip ay siya na ang umorder ng kakainin namin. Sobrang ganda ng restaurant sobrang romantic parang design for couple.
"Do you like the food?" Tanong nito.
"A-ah oo naman, hindi lang food saka yung buong restaurant" Sabi ko. Itinaas niya ang kamay niya para senyasan ang waiter tapos lumapit naman ito agad. Pero lalo ako namangha dahil inabot sakin ng waiter ang isang boquet ng expensive roses.
"Wow Carlo? Para sakin ba ito?" Namamangha sabi ko pa rito.
"Oo naman, wala nang iba ikaw lang ang pagbibigyan ko niyan. I know how much you love flowers sana ingatan mo yang binigay ko sayo" Sabi nito.
"Syempre naman! Galing kaya to sayo!" Natutuwang sabi ko at inamoy ko pa ang mga bulaklak.
"So, pwede ba ako magtanong sayo?" Sabi nito. Napatingin ako sa sinabi nito at nagtataka kung ano nga ba ang itatanong niya.
"A-ano yun Carlo?" curious na tanong ko.
"Pwede na ba kitang maging girlfriend?"
Nagulat ako sa tanong nito. Lalo pa ako kinabahan sa sinabi nito dahil marami pa gulo sa isip ko kung bakit sobrang bilis naman ata.
"P-pero Carlo?"
"Bakit Misty? Ayaw mo ba sa akin?"
Napakunot noo ito at para bang inaabangan ang lalabas sa aking labi.
"Misty, gusto kita. Seryoso ako na gusto kitang maging girlfriend ko" Sabi nito at hinawakan ang kamay ko tapos ay hinalikan nya ito hindi parin umaalis ang tingin nito sa akin. Hindi ko mabasa ang nilalaman ng kaniyang puso basta ang alam ko lang ay gusto ko rin siyang maging boyfriend dahil matagal ko narin itong gusto manyari. At hindi na magiging pangarap ang lahat.
"Mahal kita Carlo" Kinakabahang sabi ko rito. Binitawan nito ang kamay ko at di makapaniwala sa sinabi ko. "Mahal kita noong una palang, mahal na mahal kita." Halos mapaluha ako sa nasambit ko at patuloy lang ako nakatingin sa kanya.
"Oo, sinasagot na kita." Nakangiting sabi ko ngunit naroon parin ang luha sa mga mata ko. "Gusto din kitang maging boyfriend ko Carlo" Dugtong ko pa rito. Ngunit parang tulala lamang ito sa sinabi ko at parang di makapaniwala.
"C-carlo?" Patanong na sambit ko at parang di parin ito nakakaget over sa sinabi ko. Napailing iling ito. "S-so mahal mo ako?" Nalilitong tanong nito.
Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Oo Carlo, matagal na rin kitang mahal, noong high school palang tayo gustong gusto na kita" Sabi ko rito.
"Sounds good" Sabi nito pagkatapos ay mabilis na bumitaw sa pagkakahawak ko. "So girlfriend na kita? Tayo na?" Tanong nito.
Napangiti ako sa sinabi nito. "Oo Carlo" Sagot ko sabay punas sa mga luhang namumuo sa aking mga mata. Nakita ko na matipid na ngumiti ito at nakita ko pa ang malalim na paglunok nito.
Pagkauwi namin ay agad niya ako pinigilan bumaba ng kotse niya.
"Misty, pwede bang ilihim muna natin ang relasyon natin kila mom and also sa tatay mo?" Sabi nito.
"Naiintindihan ko Carlo" Sabi ko rito.
"Thank you Misty"