3rd Person POV
“HERE’S your coffee, Sir,” wika ng personal assistant na si Elmo sa boss niyang nakaupo sa opisina habang nagbabasa ng dyaryo.
Halos limang taon na siyang personal assistant ng CEO ng NorthE Tech at app developer ng PerfectSwipe na si Aldrich Benitz. Nalibot na rin niya ang buong bansa dahil sa mga business trips ng boss niya. Kasalukuyang nasa Germany sila ngayon dahil may dine-develop silang bagong update dito sa bansa. At marami ring nag-aabang kay Aldrich na mga investors para mas lalong lumago ang companya nito. Sikat na ang dating app na PerfectSwipe at ginagamit na ito ng mga tao sa buong mundo. Dahil sa app na ito ay marami nang nakakatagpo ng true love, nakakabuo ng masayang pamilya pero marami na rin ang nasisirang relasyon dahil dito.
Maingat na nilatag ni Elmo sa mesa ang kape habang nakatitig ang mga mata niya sa dyaryo. Natigilan siya nang maagaw ang atensyon niyang mabasa ang maliit na headline sa cover page nakasulat dito ang PerfectSwipe: Can ruin a relationship?
“Uh, Sir Aldrich?” aniya habang nakatutok ang hintuturo niya dito sa dyaryo.
Napatingin si Aldrich sa daliri ni Elmo kaya agad niyang tiningnan ang cover page dito. Inisa-isa niya pang basahin ang mga letra hanggang sa mabasa niya ang pangalan ng dating app niya. Nanlaki ang mata niya sa natuklasan niya. Nawala sa isip niyang basahin ang buong cover page bago niya simulan basahin ang laman nito.
Savanna's name is now trending in the Philippines as a result of her negative review of the dating app—PerfectSwipe. Her fiancé ended their relationship because he found a better woman on the app.
“H-How did this happen?” naguguluhan niyang tanong dito kaya agad niyang kinuha ang laptop niya at nag-open siya ng social media.
Nangalit ang mga ngipin niya nang makita ang mahabang post ni Savanna.
DO NOT DOWNLOAD OR USE THIS DATING APP—PERFECTSWIPE!
Akala niyo may magandang maidudulot ang PerfectSwipe dahil nakakatagpo kayo ng one true love? Pero ang hindi niyo alam, nakakasira na pala ito ng relasyon. Oo, alam kong maraming nakaka-relate dito dahil isa akong biktima ng PerfectSwipe na ito. Five years na kami ng ex-boyfriend ko, nag-propose pa nga siya sa akin para pagpakasal. Wala sa isip ko na magloloko ang ex ko dahil sa tagal naming nagsama at alam kong seryoso siya at mahal niya ako. But suddenly, this app—PerfectSwipe ruin our relationship. Nagbago ang lahat ng kinikilos niya dahil halos nakatutok na lang ang atensyon ng ex ko sa cellphone niya habang kausap o kasama ko siya. Akala ko nag-aaral siya sa phone dahil malapit na ang board exam niya pero lintik naman! May kausap na pala siyang iba?! Kaya kung may jowa kayo ngayon, check niyo cellphone nila at baka palihim na nag-da-download ng dating app.
Mensahe ko sa gumawa nitong app na ‘to. Alam mo, matalino ka sana pero ang bobo ng app na ito. Bakit? Gumagawa ka ng paraan para masira ang relasyon ng mga tao! Hindi ka nakakatulong dahil perwisyo ka lang sa buhay ng may relasyon. Kaya kung gagawa ka na man lang ng app, ‘yung makakaunlad sana sa bansa natin.
#BoycottPerfectSwipe
#DeletePerfectSwipe
Galit na tumindig si Aldrich matapos niyang mabasa ang post ni Savanna. Napahilamos siya ng mukha pagkuwan ay nakatingin sa malayo habang iniisip niya ang susunod niyang hakbang.
“Ano na gagawin natin, Sir Aldrich? Kalat na sa lahat ng social media ang bad review niya sa PerfectSwipe. Marami na rin ang pumapanig sa kaniyang pabagsakin ka,” nag-aalalang tanong ni Elmo sa kaniya.
“Kailangan na natin bumalik ng Pilipinas bukas. Ipahanap mo sa head office ng NorthE Tech ang content na ‘yan. Sa lalong madaling panahon ay kailangan niyong kausapin ang babaeng ‘yon to take down the content and ask for public apology dahil i-de-demanda ko siya ng...”
Napahinto saglit si Aldrich habang iniisip niya ang bagay na ‘yon.
“...libel!” dagdag niyang sabi dito.
Huminga nang malalim si Aldrich upang pakalmahin ang sarili niya. Agad namang tumango si Elmo matapos siyang bigyan ng instructions.
“Masusunod po, Sir. I’ll book our flight today at kakausapin ko ang head office to help take down the content,” ani Elmo saka siya lumabas ng kuwarto para gawin ang bagay na pinag-uutos sa kaniya.
Problemadong bumalik sa upuan si Aldrich habang iniisip niya ang magiging reputasyon ng kompanya niya. Almost seven years niyang binuo ito matapos siyang iwan ng babaeng pinaglaanan niya ng oras at pagmamahal pero iniwan siya matapos na pinagpalit siya nito ng mas mayaman pa sa kaniya. He created PerfectSwipe in the hopes of finding his true love pero bigo niyang mahanap ‘yon. Ginawa niya na lang itong business hanggang sa lumago at nasakop niya halos ang buong mundo. He became multi-billionaire. Wala siyang oras makipag-date sa iba dahil sa trabaho niya. He even tried using the app again pero bukod sa pagiging busy niya sa trabaho ay wala siyang natitipuhang mga babae.
*
SAVANNA’S POV
MATAPOS kong mabasa ang content ko at mga halo-halong comments at messages ay agad kong sinara ang laptop ko. Bumuntong-hininga ako dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Ang bilis naman kumalat ng review na ‘yon? Paano kaya nangyari ‘yon? Ginulo ko ang buhok ko at kumuha ako ng unan saka ko binaon ‘yon. Hinampas ng kamay ko nang maraming beses ang unan at napasigaw habang naiiyak dahil sa nangyari.
“Ano na gagawin ko? Paano ko sila haharapin? Pero...” Tinanggal ko ang unan ko saka ako bumuga ng hangin.
“...totoo naman kasi ‘yong review ko! Ang dating app ang dahilan kung bakit naghiwalay kami ng boyfriend ko.”
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang Wi-Fi. Nang mangyari ‘yon ay sunod-sunod na messages ang natanggap ko mula sa mga hindi ko kilalang mga tao. Paisa-isa kong binuksan ang mga messages nila.
From: Francine Reyes
Hello po, Miss Savanna. Puwede po tayong mag-campaign laban sa PerfectSwipe. May grupo na ako na against sa kanila, baka gusto mo pong gawin ka naming leader?
Napahigit ako ng paghinga nang mabasa ko ito. Anong sinasabi nilang leader? Umiling ako saka ko sinara ang message niya at nagbasa pa ng iba.
From: Rosalinda Tiano
Hi, goodmorning. I also used PerfectSwipe tapos hindi ko rin nagustuhan ang mga tao do’n, ang daming mga bastos do’n kaya in-uninstall ko na ang app. Saludo ako sa’yo dahil sa lakas ng loob mong magbigay ng bad review at trending ka pa. I support you, Miss Savanna! #BoycottPerfectSwipe
Habang nagbabasa pa ako ng mga messages ay biglang may nag-notify sa e-mail account ko. Binuksan ko ‘yon at laking gulat nang bumungad sa akin ang subject title sa email.
From: nortetech.headoffice@gmail.com
PLEASE REMOVE THE CONTENT
Good day Miss Savanna!
We are writing to request the removal of your content from your f*******: page. The review you published on the aforementioned page contains serious, untrue, and highly defamatory remarks about our company. As a result, defamatory remarks are being communicated to millions of people all over the world, posing a serious threat to the reputation of our product—PerfectSwipe.
Therefore, we request that you remove the content immediately because if you do not, we will take legal action against you in a court of law and seek equitable and injunctive relief. Moreover, after you remove the content, we would like you to issue a public apology.
If you have any questions or would like to discuss this further, please email us at northetech.headoffice@g*******m.
Sincerely,
NorthE Technology
Napabuka ako ng bibig matapos kong mabasa ang laman ng letter kasabay ng pagtindig ng mga balahibo ko.
“Namali ata ako ng binangga! Naku! Hindi ako puwedeng makulong!" tarantang na sambit ko dito at di kalaunan ay tulalang umupo ako sa kama habang iniisip ko ang sunod na mangyayari.
Paano kung makulong ako at makita ako ni Gerald dahil sa ginawa ko?
Napailing ako dahil hindi ‘yan mangyayari. Kailangan ko nang i-delete sa lalong madaling panahon ang content na sinulat ko bago pa lumala ang lahat!