Chapter 3

1130 Words
SAVANNA’S POV   NAKITA kong tahimik na sinusubo ni Gerald ang kaniyang pagkain na parang wala lang sa kaniya ang nangyari kanina. O di kaya sinusubukan niya lang pakalmahin ang sarili niya para di siya mapaghalataan?             Napatayo ako at hinampas ng dalawa kong palad ang mesa kaya naagaw ko ang atensyon ni Gerald. Napahinto siya ng pagnguya at mabilis na nilunok ang pagkain. Kagyat na kinuha niya ang baso ng soda at ininom iyon.             “Okay ka lang, mahal?” pag-aalala niya sa’kin.             Kumunot ang noo ko. Napaghahalatang pinapakalma lang ni Gerald ang sarili nang muli niyang ininom ang soda at pakunwaring nag-aalala siya sa’kin.             “Talaga bang nagbubulag-bulagan ka lang ha? Gerald?” galit na tono kong tanong sa kaniya.             “What do you mean, mahal?”             Muli akong napabuntong-hininga sa sinabi niya.             “Nakita ko na may Dating App kang naka-install sa cellphone. Tapos biglang may tumawag na babae at hinahanap ka na magkikita kayo sa hotel. Niloloko mob a ako?!” mangiyak-ngiyak na sigaw ko sa kaniya.             Tumindig siya mula sa kaniyang puwesto at nilapitan ako. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at marahang na diniin iyon upang paupuin ako.              “Have a seat, mahal. Please finish your meal first,” malumanay niyang sabi sa akin.  Muli akong umupo at tahimik na sinubo ang binili niyang pagkain.             Pagkalipas ng ilang minuto ay nanuna akong lumabas matapos ang dinner.             “Wait, mahal!” malakas na tawag niya nang lumabas ako.             Nagtungo kami sa dorm niya dahil may kukunin daw siya.             “Puwede kang pumasok, mahal,” wika niya kaya pumasok na rin ako.             Pagkapasok ko ng kuwarto ay nakita ko ang ka-dormate niya na nakaupo sa study table niya, saka pinakilala ako ni Gerald sa ka-dormate niya.             “This is Franco, yung sinasabi kong makulit na doormate,” natatawang sabi ni Gerald sa’kin.             Lumingon ang lalaki sa’kin at nagtama ang aming mga mata. Tumayo siya at inunat ang kaniyang braso para makipagkamayan sa’kin.             “I’m Franco. Nice meeting you, Savanna,” ngiting pagpapakilala niya kaya inunat ko rin ang braso ko at inabot ang kaniyang kamay.             “Nice to meet you too,” matipid kong sagot sa kaniya.             Pumagitna si Gerald nang tumagal ng sampung segundo ang pagkahawak ng kamay ni Franco sa’kin.             “All right, so, where are we? Okay! The owner of the Dating App is from Franco. Hiniram niya kasi ang cellphone ko and he installed the PerfectSwipe. Right, Franco?”             Ano pang kasinungalingan ang idadagdag mo sa’kin, Gerald para mapaniwala mo pa ako? Kilala kita. Hindi ka magaling mag-sinungaling. At talagang idadamay mo pa si Franco?             “Y-yes, Savanna. I am really sorry kung nadamay ko si Gerald sa kalokohan ko,” paumanhin ni Franco na halatang kinakabahan.             Nanliit ang mga mata ko nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Napaghahalatang nagsisinungaling ang dalawang ito sa harap ko. Lumipat ang tingin ko kay Franco at napansin ko ang kakaibang kilos niya sa pagkakaupo niya sa swivel chair.             Napataas ako ng kilay at nagpasyang umuwi na lang.             “Masyado nang late, mahal. Uwi na ako,” matamlay kong paalam sa kaniya.             “Saglit. Hatid na kita, mahal!”             Tinaas ko bigla ang palad ko sa harap niya at sinabing, “Kaya ko nang mag-isa,” aniko saka ko siya nilisan.             Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon ay di ko na mapigilang ibuhos ang mga luha ko habang naglalakad sa hallway palabas ng building nila. Hindi ko inakalang sa loob ng limang taon ay masasayang lang ang pinagsamahan namin ni Gerald dahil sa Dating App na iyon.             Nang makarating ako sa lobby ay nakita ko ang malakas na pagpatak ng ulan mula sa salamin ng lobby. Binuksan ko ang sling bag upang tingnan kong may dala akong payong.             “Naiwan ko ata sa bahay,”  aniko sa sarili.             Napagpasayahan kong bumalik sa dorm ni Gerald upang humiram ng payong. Pagdating ko sa hallway ay bigla kong narinig ang boses niya at nakita ko siya na may kausap sa phone kaya tinago ko ang sarili ko sa pader upang di niya ako makita.             “Yes, babe papunta na ako d’yan,”dinig kong wika ni Gerald.             Napahawak ako bigla sa dibdib dahil sa kirot nang marinig ko iyon at mahinay na nilabas ang sarili mula sa pagkakatago ko sa pader. Napadilat siya ng mga mata nang malaman niyang nasa hallway ako at dinig ko siya.             Hindi nga ako nagkamaling may iba na si Gerald. Malakas na sampal ang ginawa ko sa pisngi ni Gerald. Sa sobrang sikip sa dibdib ay bigla akong humagulgol sa harapan niya. Nakita kong napahawak siya ng at halatang kabado at pinagpapawisan dahil huling-huli ko na siya.             “Minahal mo ba talaga ako, Gerald?” iyak kong tanong sa kaniya habang pinapahid ng aking mga palad ang mga luhang umaagos sa pisngi ko.             Akmang hahawakan niya ang braso ko ngunit lumayo ako sa kaniya.             “Savanna,” kabadong sambit niya sa aking pangalan.             “I’m sorry. But, I think this the end of our relationship,” aniya saka pumasok ng kuwarto at naiwan akong tulala dahil sa ginawa ni Gerald. Sinayang niya ang limang taong relasyon dahil lang sa walang kuwentang application.             Dagli akong umuwi ng bahay at nagtipa sa laptop upang magbigay ng bad review tungkol sa PerfectSwipe. Pagbabayaran ito kung sinomang tao ang gumawa ng application na iyon!             Kinabukasan ay bigla akong nagising dahil sa tunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon sa side table at napansin ko ang incoming call ni Lyla.             Walang kibong sinagot ko ang tawag.             “Hello—” biglang pinutol ng kaibigan ko ang sunod kong sasabihin.             “Savanna! Nakakaloka ka! Trending ka sa social media ngayon!”             “Ha?” kamot ulo kong tanong sa kaniya saka kinusot ko ang mata.             “Pinost mo kagabi sa social media ang review na ginawa mo tungkol sa PerfectSwipe, hindi ba? Tingnan mo sa f******k at Twitter. Top one ka ngayon!”             Mabilis kong kinuha ang laptop ko upang buksan ang f******k at Youtube account.             Napanganga ako nang makita ang one million reacts, five hundred thousand comments and nine hundred thousand shares!            "This can't be real?!" aniko sa sarili.              "Paano nangyaring naging trending ako? Eh, hindi naman ako kilala sa social media? Marami din naman mga bad reviews na naka-post do'n at bakit ako pa?" dagdag kong wika.             Binuksan ko ang Twitter account ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nadagdagan ng dalawang libo ang followers ko sa labing dalawang followers ko noon. Nag-scroll down ako at napahagikhik ng tawa nang makita ang mga memes na nagkakalat sa Twitter!              "Mga pilipino talaga kung ano-anong kalokohan ang ginagawa. Ayan tuloy, mas sumikat pa ako!"              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD