Chapter 2

940 Words
SAVANNA’S POV PAGKALIPAS ng dalawang buwan ay pumunta kami ni Gerald ng Mall of Asia para ipagdiwang ang engagement monthsary namin. “Mahal, hindi mo na kailangan pa ng ganito. Gagastos pa tayo eh,” wika ko sa kaniya. Iniisip ko na sobra na rin kasi na i-celebrate pa namin ang monthsary. Imbis i-celebrate ito ay iponin na lang sana namin ang perang pangkasal. “Mahal, ako naman kasi ang gagastos dito. Saka kung iniisip mo ang kasal, wag mo nang alalahanin iyon may pera na akong nakalaan do’n,” malambing niyang wika saka inakbayan niya ako habang naglalakad kami papuntang bay walk. Kailanman ay hindi niya ako binigong surpresahin ako kaya ang swerte ko talaga kay Gerald. Napahinto ako ng paglakad nang makita ko ang ice cream booth sa daan. “Bili tayo, mahal!” excited kong wika saka pumunta sa booth. Matapos kong kunin ang dalawa kong inorder na ice cream ay lumingon ako sa direksyon ni Gerald. Napatigil ako nang busy siya kakatipa sa screen habang nakangiti siya. Baka kausap niya kaibigan niya na kasama niya sa dorm? O baka may iba na siyang kausap na babae? Umiling ako. Hindi naman siguro siya mambababae lalo na’t ikakasal na kami. Lumapit ako sa kaniya upang iabot ang binili kong ice cream. Bahagyang inunat ko ang leeg ko upang sulyapan ang screen ng cellphone niya. “Sino ‘yang kausap mo? Mukhang masaya ang mahal ko ah!” ngiting tanong ko sa kaniya pagkuwan ay bigla niyang pinasok ang cellphone sa bulsa. “W-wala. Yung dormmate ko kasi nagpapaturo ng isang subject para sa nalalapit na pre-board exam,” salaysay niya saka kinuha ang ice cream mula sa kamay ko. “Ah...okay.” Hindi na ako nagtanong pa dahil may tinawala naman ako sa kaniya. Tahimik kaming naglakad papuntang bay walk habang kinakain ang dala naming ice cream hanggang sa narating namin ang lugar na iyon. Ginala ko ang panigin ko at napagtantuan kong marami palang taong nakatambay dito. “Gusto mo bang kumain ng dinner?” tanong niya sa’kin kaya napalingon ako sa kaniya. “Sakto gutom na ako,” sagot ko kay Gerald. Pumunta kami ng fast-food restaurant at nang umupo ako sa puwesto ay napataas ako ng kilay nang nilagay niya sa lamesa ang cellphone niya sa harap ko. “Ako na mag-order,” wika niya sa akin saka siya lumisan at pumila. Mga ilang segundo nang umalis siya ay mahinay na kumurap ang cellphone niya na tantya kong may nag-message kaya tinaas ko ang ulo ko para silipin iyon. Mabilis kong kinuha sa mesa ang cellphone niya at nilagay sa binti ko para di ako makita ni Gerald na hawak ko iyon. Tinipa ko ang security code at napangiti ako dahil di niya pinapalitan ang password. Nang mabuksan ko iyon ay bumungad sa akin sa screen ang ‘Hannah liked your message’. Dahil sa kuryosidad ay walang pasubaling pinindot ko ang notification na iyon. Napadilat ako ng mata nang paisa-isa kong binuksan ang chatroom ng mga kausap niyang babae. Napansin ko rin ang application na ginamit niya. “PerfectSwipe?” aniko sa sarili nang maalala ko ang sinabi ni Lyla. Muntikan ko nang mabitawan ang cellphone ni Gerald nang mag-vibrate ito dahil biglang tumawag ang isang unknown number. Kutob ko na baka babae niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na sagutin ito. “At last, you answered this call! I keep calling you kanina pa. Matutuloy ba tayo mamaya sa hotel? I’m excited to see you again, babe!” dinig ko ang excitement ng babaeng nasa phone. May kung anong init akong naramdaman sa buo kong systema nang marinig ko iyon. Napakuyom ako ng kamay at marahas na pinindot ang end call. Lumunok ako at naramdaman ang mabilis na kabog ng dibdib ko dahil sa galit. Humugot ako nang malalim na hininga pagkuwan ay hinampas ko ang cellphone sa lamesa kaya napalingon ang mga tao malapit sa puwesto ko. “S-sorry,” mahinang wika ko sa kanila at tahimik na bumalik sa upuan. Mula sa puwesto ko ay pinagmamasdanan ko si Gerald habang inaabot niya ang bayad sa cashier. Pinipigilan kong di pumatak ang mga luhang dahil ayokong ipakita sa kaniya na mahina akong babae. Tanaw kong dala na niya ang inorder niya habang nakangiti sa akin pabalik sa puwesto namin. “Pasensya ka na mahal kung natagalan. Ang haba din kasi ng pila,” aniya nang nilagay ang mga inorder niya sa mesa. “Okay ka lang?” tanong niya sa’kin dahil siguro hindi ako kumikibo. Natigilan siya nang makita na hawak ko cellphone niya sa lamesa. Nanlaki bigla ang mga mata niya at tantya kong kinakabahan dahil alam ko na mga kalokohan niya. Inunat niya ang kaniyang braso. “P-puwede ko bang kunin cellphone ko, mahal?” utal niyang tanong. Napahigpit ako ng hawak sa cellphone niya at binigyan ko siya ng matalim na tingin. Huminga ako nang malalim saka inabot sa kaniya ang cellphone. Pagkakuha niya ay mabilis na tinago iyon sa bulsa niya. Nilapag niya sa harap ko ang order niyang spaghetti at fried chicken pati ang soda. “Kain na tayo, mahal,” malambing na sabi niya saka muli siyang umupo sa harapan ko. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ng babae kanina sa phone. May nangyari na ba sa kanila? Umiling ako dahil pinanghahawakan kong mahal ako ni Gerald at hindi niya magagawa iyon, at baka nagkamali lang ng numero ang babae? Pero bakit gano’n? Kahit pilitin kong magtiwala kay Gerald ay mas umiiral ang ebendensyang nakita ko sa Dating App?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD