Naging swabe lang naman ang mga naging trabaho naming sa araw na ngayon. As usual, tutok na tutok lang si Ali sa laptop niya samantalang ako, nandito lang, sulyap nang sulyap sa kaniya. Hindi ko kayang hindi siya tignan dahil baka kausapin niya ako o kaya naman tignan niya man lang ako. Oo, umaasa akong tignan niya ako kahit saglit lang dahil hindi ako sanay. Papansin na kung iisipin pero nasanay na akong nasa akin kadalasan ang atensiyon niya. Sinanay niya naman kasi ako, e, kasalanan niya rin.
Dumating ang break time at inaasahan ko siyang tumayo at pumunta sa cafeteria kasama ako pero nanatili lang siyang nakaupo at nagtitipa ng mga letra at numero sa keyboard ng laptop niya. Wala naman na akong ibang nagawa kung ‘di ang pumunta sa cafeteria nang mag-isa. Sa usual spot namin, naupo ako mag-isa.
Inasahan ko na rin ‘to pero nagulat pa rin ako nang dumating ang kambal na sina Marie at Mariel. ‘Yong isa, naupo sa tabi ko at ‘yong isa, naupo sa harap ko. “Bakit mag-isa ka ngayon, Simon?” tanong ni Marie at tinignan ang buong cafeteria. “Nasa’n ‘yong jowa mo? Ba’t hindi sumama sa ‘yo?”
“Sinong jowa naman? Wala ako no’n,” sagot ko sa kanila. “At kung ang tinutukoy ninyo ay si Sir Ali, naroon siya sa opisina niya, mag-isang nagt-type sa laptop niya. Busy lang yata talaga kaya hindi nakasama sa ‘kin papunta dito. May tinatapos lang siguro kaya ayon nga, hindi ko na inaya. Kapag nagutom ‘yon, pupunta na lang ‘yon dito. Huwag ninyo na lang muna ako tanungin tungkol sa kaniya.”
Sumabat si Mariel. “Ay, may lover’s quarrel ba?” tanong niya na inirapan ko na lang. Ano bang trip nitong kambal na ‘to para isipin na may relasiyon kami ni Ali at may lover’s quarrel pa? “Is this the end of the ship? Lubogan na ba ang ship?”
Napaangat ang kilay ko. “Ano bang pinagsasasabi ninyo? Walang kami…”
“Kung ‘yan ang gusto mo, e, ‘di oo na lang.” Napahalukipkip ng mga braso si Mariel at tumingin sa ‘kin. “Kung sakali man na galit sa ‘yo ‘yong lalaki, malamang baka may ginawa kang masama. Sana tinanong mo man lang kung anong problema.” Hindi ko naman sinasabi sa kanila ang tungkol kay Ali at sa pag-snob niya sa ‘kin pero ba’t nila alam. “Pero anyway, pinuntahan ka namin dito para may sabihin sa ‘yo. Hindi ka kasi pumunta sa opisina ng marketing team kanina kaya hindi ka naming nasabihan. Mamaya kasing gabi, may birthday treat si Sir Gary, ‘yong team leader natin. Ang sabi daw, i-invite ka kaya nandito kami para i-invite ka. Bahala ka na rin kung i-invite mo si Sir Ali pero mas mabuti kung hindi, kasi hindi sila masiyadong bati ni Sir Gary. Pero since marketing team pa rin naman si Sir Ali, why not?”
Sa puntong ‘yon ay iniwan na nila ako mag-isa. Hindi rin naman ay naubos ko na ang pagkain ko kaya kaagad na pumunta pabalik sa opisina. Minsan ko nang tinanong si Ali kung gutom siya o kaya mayroon siyang gustong kainin pero inilingan niya lang ako. Siguro nga, wala siyang gustong kainin.
Dumating ang uwian at kaagad akong nag-ayos samantalang naroon pa rin si Ali, nakasubsob ang mukha sa laptop. “Ali, mauna na muna siguro ako…” ani ko sa kaniya. Sa unang pagkakataon sa loob ng araw na ‘to, iniangat niya ang tingin niya sa ‘kin.
Napakunot ang noo niya. “Saan ka pupunta?”
“Ano kasi… birthday daw ni Sir Gary tapos may treat daw siya sa marketing team dahil birthday niya tapos… sasama na lang sana ako sa kanila,” nauutal kong sabi. Tinignan niya lang ako. Hahayaan niya na lang ba akong umalis ngayon?
Laking gulat ko nang tumayo siya at isinara ang laptop niya. “Then, I will come…” sagot niya sa ‘kin. Nahinto lang ako sa pagtayo dito na para bang gulat na gulat sa ginawa niya. “My reports can wait. I will not let you go with that Gary alone…” Hindi na ako umangal at kaagad na sumunod sa kaniya papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. Sumakay agad kami roon at ibinigay ko sa kaniya ang address kung saan ang treat ng team leader ng marketing team. “They invited you but they did not bother asking the manager?”
“Actually, ang sabi nga sa ‘kin, p’wede ka naman raw sumama pero hindi ko nga lang sigurado kung gusto mo kaya hindi ko na tinanong, since mainit daw kayong dalawa sa isa’t-isa.” Kaagad na pinaandar niya ang kotse niya at sinimulan ang biyahe. “Isa ring rason ay ‘yong baka ayaw mo akong kausapin, kaya hindi ko na lang rin pinilit.”
“It’s not that I do not want to talk to you, I’m just being aware when to talk with you because I might make you uncomfortable again,” aniya. Tama nga ako na ganoon nga ang rason niya kung bakit ayaw niya akong kausapin kaninang umaga. Hindi ko naman maamin na hindi naman talaga ako hindi komportable sa kaniya. “By the way, you can just tell your Sir Gary that I was the one who insisted coming to the party, kasi ako naman talaga. I will take the blame kung sakaling magalit siya.”
Natahimik ako. “Manager ka naman ng team kaya siguro alam niya naman.”
Pagkatapos ng sinabi kong ‘yon ay natahimik na lang kaming pareho. Kinakausap na ako ni Ali pero hindi pa rin ‘yong parang dati. Hindi niya pa rin ako ngingitian tulad ng dati. Weird pero gustong-gusto ko ulit na makita ang ngiti niya sa ‘kin. Wala na akong pake sa kung ano ‘tong nararamdaman ko sa kaniya basta ang alam ko, gustong-gusto ko kapag nasa akin ang atensiyon niya. Hindi ko alam kung pareho ba kami ng nararamdaman pero… para sa ‘kin, importante siya.
Pumasok kami sa lugar at kaagad akong inantabayanan ni Sir Gary na para bang hindi niya nakita si Ali sa tabi ko. Kaagad niya akong pinaupo sa tabi niya, samantalang umupo na lang si Ali sa harap naming dalawa. Nagsimula siya ng usap kaya kaagad rin naman akong nagsalita. Binati ko na rin siya ng maligayang kaarawan at saka kumain.
Lumipas ang ilang minuto at kaagad na nagsilabasan ng mga alak, mukhang mamahalin nga, e. Tumingin lang ako kay Ali na tahimik na kumakain sa dulo ng kabilang upuan. Kaagad na lumibot ang bote ng alak hanggang sa umabot ito kay Sir Gary, nilagyan niya ng alak ang baso niya at nilagyan rin ang baso ko. “Drink it, Simon,” aniya. Natigil lang ako. Hindi ako umiinom ng alak dahil mabilis akong malasing. Nako naman, oh.
Nang kukunin ko na ang baso ko ay may kaagad na kumuha nito. “Ako na,” aniya bago nilunok sa isahang inuman ang alak. Tinignan ko lang siya nang ibaba niya ang baso ng alak na dapat sa ‘kin. “Simon can’t tolerate his alcohol intake, so he cannot drink a lot. He might pass out because of this.”
“Tss,” ani ng lalaking katabi ko. Tinignan ko siya na may mainit na tingin kay Ali. Nang mapansin na tumingin ako sa kaniya ay kaagad siyang ngumiti. “Since Simon cannot drink the wine, shall we let Sir Ali handle our Simon’s shots?”
Magsasalita sana ako nang pigilan ako ni Ali. “Sure, bring it on…”
Hindi niya lang ako pinansin at kaagad na hinigop ang isang buong baso ng wine ulit na nasa baso ko. Ayaw ko namang ipainom sa kaniya ang lahat, dahil baka siya naman ang malasing sa ginagawa niya pero hindi ko naman siya mapigil. Isang baso lang ng ganiyan, tumba agad ako. Pero… ang ipinagtataka ko, paano niya nalaman na mahina nga ang alcohol tolerance ko? Nabasa niya ba sa nasa mukha ko?
Napalingon ako ilang oras pa ang nakalipas. Ang ilan sa mga babae naming katrabaho ay tulog na at nakasandal sa mesa samantalang si Sir Gary ay nahihimbing na sa sofa. Tinignan ko si Ali na naglalagay pa rin ng wine sa baso niya habang muntik nang makatulog. “Tama na ‘yan,” ani ko bago kinuha ang bote ng wine mula sa kamay niya. Uminom siya ng dalawang beses sa isang round, dahil sa ‘kin, pero siya na lang ang gising sa lahat ng nag-inuman. “Tama na ‘yan, Ali. Umuwi na tayo.”
“But I still have to drink the shot for Simon…” aniya at kukunin sana ang wine sa kamay ko nang iwasan ko ang kamay niya. Inilagay ko sa malayong parte ng mesa ang wine, sa parteng hindi maaabot ng kamay niya. “Ikaw pala ‘yan, Simon…”
Lumapit ako sa tabi niya at kaagad kinuha ang kamay niya at inilagay ito sa balikat ko bago siya iniangat. Halatang madami siyang nainom pero nakakatayo pa siya nang kaunti kumpara sa ibang kaunti lang naman ang nainom. “Kunin ko lang ang susi.” Kaagad kong kinapkapan ang bulsa niya at kinuha ang susi sa kanang bulsa niya.
Hindi ko alam kung paano uuwi ‘tong mga ‘to pero bahala na sila sa buhay nila. Kasalanan naman nilang uminom sila nang marami. Ang kailangan kong asikasuhin ngayon ay si Ali na ngayon ay natutulog sa passenger’s seat katabi ko. Ako na ang nagmaneho ng kotse niya dahil kung hindi ako, e, ‘di sino? Buti na lang nakapag-aral ako ng ganito sa dati kong trabaho kahit kakaunti kaya nakaabot kami sa condo ni Ali nang walang aksidente o tseke ng checkpoint.
Binuksan ko ang pinto ng condo gamit ang swipe card at hinanap ang switch ng ilaw bago dumiretso sa kuwarto ni Ali. Doon ko siya inilatag bago tinanggalan ng sapatos at damit pang-itaas, dahil alam kong sanay siyang matulog nang walang saplot pang-itaas. Kinuha ko ang kumot niya at inilagay iyon sa ibabaw niya. Hinabol ko muna ang hininga ko bago sana umalis ng kuwarto niya nang bigla niya akong pigilan gamit ang kamay niya. Sa lakas ng puwersa niya ay napaupo ako sa kama, katabi niya. “I’m hungry…”
Napaangat ang kilay ko. “Gutom ka? Ano namang gusto mong kainin?”
“Ikaw…” aniya bago ako hinila palapit sa kaniya at kaagad na sinalubong ang walang-alam kong labi gamit ang labi niya. ‘Yon ang pinakauna kong halik at galing pa sa kapwa ko lalaki pero hindi ako nasayangan, dahil kung si Ali lang naman… walang kaso sa ‘kin.