Chapter 15 | Part 1

2197 Words
[SIMON] “ALI,” PAGTAWAG ko nang makalapit siya sa ‘min. “Anong ginagawa mo dito?” Hindi ko maiwasang hindi maging aware sa paligid ko dahil halatang lahat ng babae sa baryo naming ay siya na ang tinitignan ngayon. Tumawa lang siya ng tipid. “I’m here to fetch you, Simon, just as I promised.” Dinako niya ang tingin niya kay nanay na nakatayo lang sa harap niya. Yumuko siya at nginitian ang nanay. “Hello po. Ikaw po ba ang nanay ni Simon?” “Ah, ako nga,” ani ng nanay at inilaan ang kamay niya. Natigil si Ali at tumingin sa ‘kin bago niya kunin ang kamay ng nanay at inilagay sa noo niya. “Pagpalain ka ng Diyos, hijo.” Tumingin sa ‘kin ang nanay. “Sino ba itong batang ‘to? Ito ba ‘yong kinukuwento mo sa ‘kin gusto mong ipakilala sa ‘kin?” “Nay, hindi ‘yan kasi wala naman akong tinutukoy doon. At saka, hindi na ‘yan bata, mas matanda pa ‘yan sa ‘kin,” sagot sa kaniya. Tinignan niya lang ako at si Ali nang salitan. Wala namang nagawa si Ali kung ‘di ang ngumiti na lang sa kaniya. “Huwag mo na lang intindihin ‘yong sinabi ko kanina.” Tinignan ko si Ali, mata sa mata. “Siya po si Ali, nay. Boss ko.” Pinakita niya ang gulat niyang mukha. “Ikaw naman talaga, Simon. Hindi mo naman sinabi sa akin na siya pala ang boss mo,” aniya at tumingin kay Ali na napangiti na lang sa nakikita. “Hay naku, hindi nasabi sa ‘kin ng anak ko na ikaw pala ang boss niya. Hindi niya naman kasi pinapakita.” Tumingin siya sa ‘kin. “Hindi mo man lang tinatawag na sir ang boss mo. Nagkamali tuloy ako.” Tumingin ulit siya kay Ali na hindi man lang hinintay ang sasabihin ko. “Nako, sir. Ikaw pala ang taong nagbigay ng trabaho kay Simon. Hay nako, lubos akong nagpapasalamat, sir.” “Ali na lang po,” aniya kay nanay. Ayaw na ayaw talaga niyang tinatawag siyang sir, boss o kahit ano pang pormal na pantawag. “At saka, hindi naman po kasi talagang ako ang boss sa pinagtatrabahuhan namin. Mas mataas lang ng isang level ang posisyon ko. Tinatawag niya naman po akong sir sa opisina pero kapag wala namang trabaho, mas gusto kong tawagin ako sa pangalan ko po, kaya wala akong problema sa ganitong pag-address sa ‘kin.” Naramdaman kong siniko ako ng nanay. “Napakabait naman pala ng sir mo, Simon. Napakaswerte naman ng anak ko para magkaroon ng ganito kabait na boss,” aniya. Tumawa na lang ako, para sabayan ang nanay. “Bakit ka po pala nandito, sir?” Napakamot siya ng batok niya na para bang nahihiyang sabihin ang gusto niyang sabihin. Ano bang masama kapag sinabing susunduin niya ako? “Uhm,” aniya na parang baka kung umasta. “Nandito po ako para sunduin si Simon… kasi madalang ang bus ata dito at baka hindi siya makapagkuha ng tamang pahinga. May pasok pa naman sa trabaho bukas.” “Ah, susunduin mo pala ang anak ko.” Hindi ko naman na ininda ang tingin ni nanay na nanunukso pa. Wala naman atang masama kapag sinundo ng isang lalaki ang isa pang lalaki, ‘di ba? Masiyado lang atang madumi ang utak ng nanay. “Ready naman na ang anak ko para umalis pero pasok ka na muna nang makapag-kape, mahaba pa naman ang biyahe papuntang Maynila.” Hindi na kami nakatanggi pa sa alok ng nanay. Iniwan namin sa labas si Ali, nakaupo sa isang upuan, gumagamit ng kaniyang cellphone dahil halatang hindi komportable sa mga matang nakatingin sa kaniya. Hindi ko naman masabihan ang mga tao na huwag tignan si Ali dahil sino ba naman ako para pagsabihan sila? Hindi ko naman pagmamay-ari si Ali. Anyway, siya naman ang nagpumilit na pumunta dito kaya medyo kasalanan niya rin. Ramdam ko na nasa likod ko si nanay. Ano na naman bang trip nito? Nagtitimpla ako ng kape para kay Ali tapos heto siya tingin nang tingin sa ‘kin. “Bakit ba hyper na hyper ka, nay?” tanong ko sa kaniya nang harapin ko siya. “Para kang bulati na naasinan.” “Siya ba, nak?” tanong niya sa ‘kin. Siya ba ang alin? Sino ba siya? Ang gulo naman magtanong ng nanay ko. Tinapik niya lang ako sa balikat at tinawanan. “Alam mo, nak; kung siya lang naman, okay na okay sa ‘kin. Hindi mo na kailangang i-sekreto sa ‘kin.” Napailing ako. “Ewan ko sa ‘yo, nay.” Iniwasan ko na lang siya at binitbit ang tinimplang kape sa labas. Nakita ko si Ali na tumigil sa paggamit ng cellphone niya nang makita ako. “Kape mo,” sabi ko at inihapag sa mesang nasa harap niya. Naglakad ako papunta sa kabilang dako para maupo sa tabi niya. “Akala ko nagj-joke ka lang no’ng sinabi mong susunduin mo ako.” “Bakit mo naman inisip na hindi ako seryoso do’n?” tanong niya sa ‘kin bago natawa. Wala na akong maisip na sasabihin kaya nakitawa na lang rin ako. “Kumusta ang araw mo kasama ang pamilya mo? I doubt you made a lot kasi you’re lacking out of time, as well. Hmm, I guess that’s how growing up means, losing time to your family.” “Tama ka, wala nga akong masiyadong oras para makasama ang pamilya ko pero ayos na rin, sinulit ko na. Wala na rin akong magagawa; pero mas okay na rin ‘to kaysa ang hindi sila makita, ‘di ba?” Tinanguan niya lang ako. “Anong oras tayo lalarga? Nakatulog ka ba nang maayos?” “Sinabi mo na matulog ako, ‘di natulog ako. Mamaya-maya lang, alis na rin tayo. Ubusin ko lang ‘tong kape.” Nakita ko siyang tumingin sa malayo, si nanay pala kausap na naman si Aling Celing. “How’s your mom doing? She seems to cheerful and bubbly that I can never see her carrying something heavy within her.” Napabuntong-hininga ako. “Ganiyan talaga ang nanay. Mas gusto pa niyan na ngumiti kaysa ang umiyak sa tuwa, at hindi ko naman siya masisisi.” Tumingin na lang rin ako kay nanay na ngumingiti habang kausap ang kumare niya. Napagtanto kong ang ganda pala ng mga ngiti niya. Sa isip ko, dapat ko pang makita ang ngiti niya sa mas mahabang panahon. “Pasensiya na pala kung ang kulit ng nanay at kung ito lang ang naihanda naming sa ‘yo.” “I actually love the attitude of your mom. She reminds me of my late mom, a bubbly person, as well. The moment I held her hand was so overwhelming that I ended up reminiscing my memories with my mom,” sagot niya sa ‘kin. Siguro, miss na miss niya na talaga ang mom niya. “And this coffee tastes so good. I actually wanted this type of coffee as my coffee every morning.” “Ako ang nagtimpla niyan,” ani ko at natawa. “Pero kung gusto mo talaga, available naman ako palagi na ipagtimpla ka nito. Sino ba naman ako para humindi?” “You’re not just someone who should always say yes, just what I told you, learn to decline people… but I would want it if you do not reject me, out of all the people,” sagot niya sa ‘kin. Ano kayang pinupunto niya ngayon? “Anyway, not that I’m wanting to leave this place, but I am being concerned if we’ll be right back to Manila late this time. I do not want to push you away from being with your family but we need to get a proper rest as well, since may pasok tayo bukas.” Napatango na lang ako. “Sige,” mapait kong sambit. Wala naman talaga akong magagawa. Dapat na akong masanay sa ganito. Hindi naman talaga palagi na kasama natin ang pamilya natin. “Magpapaalam lang ako kay nanay ta’s kukunin ko na ang gamit ko. Hintayin mo ako dito.” Hindi ko alam kung pa’no ko ilalarawan ang pagpaalam ko kay nanay kanina. Para bang masaya pa siya na sumama ako kay Ali pabalik sa Maynila. Kung ibang tao ang kaharap nito, malamang iiyak ‘to pero ibang-iba kay Ali, nakangiti pa. Hindi ko napansin na nakasandal na pala ako sa bintana ng kotse at nakatulala sa labas. “You fine?” Iniangat ko ang ulo ko at tinignan siya. “Ah,” ani ko. Lutang ba ako palagi nang ganito? “Wala naman. Ayos lang naman, nah-homesick lang nang kaunti,” sagot ko sa kaniya. Tumango siya. “Pero bukas sa trabaho, okay na ako. Focus sa trabaho malamang. Itutulog ko na lang ‘to mamaya.” “I see, you’re not that used to being away from your family and I totally can understand. Sino ba naman ang hindi?” aniya habang nakatutok pa rin ang tingin sa kalsada. Sinisigurado niya talagang ligtas ang biyahe namin. “This might not be that helpful but I know you’ll get used to it. This may sound cringe worthy but I will let you feel like a family while you’re here, so that you’ll never feel alone…” Napatigil ako. “Uhm…” Hindi ko alam ang dapat na isagot ko… “Salamat.” “You felt uncomfortable, did you? If you ever feel uncomfortable while being with me, just tell me and I will stop. I am sorry in advance.” Nakita kong nawala ang ngiti sa mga labi niya, at direkta akong naapektuhan no’n. Hindi naman kasi sa hindi ko nagustuhan ‘yong mga sinabi niya sa ‘kin; sa totoo lang, gusto ko nga, e. Hindi ko lang talaga alam kung paano sumagot sa gano’ng salita. “You can just sleep. Let me handle the stress of driving here. You do not have to entertain my questions and mumbles always.” Medyo na-guilty ako sa sinabi niya pero hindi ko na rin maiwasan na hindi na lang siya intindihin, nang sa gayon ay manahimik na lang ang biyahe kaysa naman maging awkward kaming dalawa sa kotse. Isinandal ko sa bintana ng kotse ang ulo ko at hinayaan ang sarili na makatulog. Hindi ko na lang inisip ang mga iniisip ko at hinayaan ang sarili ko na makapagpahinga ng kaunti. Ibinukas ko ang sarili kong mga mata at napagtantong naririto na ako nakahiga sa kama ko sa kwarto na ibinigay sa ‘kin ni Ali. Paano ako napadpad dito? Tanga naman ng tanong mo, Simon. Alangan namang naglakad ka mag-isa nang tulog. Wala naman nang iba pang p’wedeng magdala sa ‘yo dito maliban ‘yong kasama mo kagabi, si Ali. Iniangat ko ang katawan ko at naupo sa kama ko. Balot na balot ako ng kumot paggising ko at ramdam ko rin na hindi ko na suot ang mga sapatos ko. Huwag ninyong sasabihin na si Ali ang gumawa nito sa ‘kin, dahil mauupos ako sa hiya. Dapat kasi hindi na lang ako natulog kagabi, e. “Ang tanga mo minsan, Simon.” Lumabas ako sa kwarto ko, dala ang tuwalya ko. Gaya ng dati, wala pa rin siya sa sala o sa mesa, kumakain, dahil ako naman talaga ang maagang nagigising sa ‘min. Pero minsan isang araw, narinig ko siyang gising na sa kwarto niya pero ba’t hindi pa siya mauna na maligo kaysa sa ‘kin? Pumasok na ako sa banyo at kaagad na naligo. Hindi na rin ako nagtagal sa loob ng banyo kasi malamig ang tubig. Nang masabunan ko na ang lahat ng parte ng katawan ko ay kaagad akong nagbanlaw. Sakto rin sa paglabas ko ay nakita ko si Ali na nakatayo sa harap ng banyo, gaya ng dati na walang pang-itaas at tanging boxer niya lang ang gamit. Babati sana ako nang dali-dali siyang pumunta sa pinto. Ang weird lang kasi kadalasan, babati siya pabalik o kaya ngingiti pero dire-diretso lang siya sa loob ng banyo na para bang hindi ako nakita. Binalewala ko na lang kasi baka naman may memo siya sa loob ng banyo, baka tinatawag ng kalikasan, gano’n. Heto na naman ako sa daily struggle ko na neck tie. Lumilingon-lingon lang ako sa banyo at tinitignan kung tapos na ba si Ali sa paliligo kasi siya kadalasan ang gumagawa ng necktie ko. Kaagad akong napalingon nang makita ko siya. Hindi na rin ako nagkamali nang pumunta siya sa harap ko at kaagad na ginawa ang necktie ko. “Sabihin mo rin kung ayaw mong ako ang gumagawa ng necktie mo, ako mismo ang magtuturo sa ‘yo.” Hindi niya na hinintay ang sagot ko at umalis sa harap ko. Kaya nga ako ganitong hindi nag-aaral mag-tie ng necktie kasi siya ang gusto kong gumawa no’n para sa ‘kin. Bakit kaya siya gano’n ngayon? Kahit sa pagbiyahe naman namin papunta sa opisina, naging tahimik na rin. Hindi kaya ‘to dahil sa nangyari kagabi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD