Chapter 8 | Part 2

1695 Words
“Tatandaan ko na ‘yan ngayon din,” sagot ko sa kaniya. Alam niya halos lahat ng bagay dito sa baryo dahil lagalag ‘to si Evan simula bata pa. Una nga siyang nakarating sa Maynila, hindi alam ng nanay niya. Siguro, advantage niya ngayon na lagalag siya kaysa sa ‘kin na mas pinipiling manatili sa bahay namin. “May problema sa kompaniya na pinagtatrabahuhan mo, Evan?” “Oo daw, kaya nagmamadali akong pumunta do’n,” sagot niya at pinaandar ang kotse niya. Swerte rin pala ako na may kaibigan akong may kotse, libre sakay pa-Maynila. “Natutulog pa nga ako nang mag-ring ang cellphone ko. Kailangan daw ako do’n. You know, your best friend holds a really important role.” Natawa ako. Kahit kailan talaga, mahangin ‘tong si Evan at hindi na ako magtataka kung magkakaanak rin siyang may pagka-mahangin. “E, ‘di sana all sa ‘yo,” sagot ko sa kaniya. Natawa na lang kami pareho. “Ano daw ba ang problema ro’n sa kompaniya na pinagtatrabahuhan mo para tawagin ka sa ganitong oras.” “Ewan, feeling ko nga…” Natigil siya sa pagsasalita at tumingin sa ‘kin. “Magb-birthday na ako sa makalawa, feel ko nag-ready sila ng surprise sa ‘kin. Nako, kahit nabuko ko na sila na may gagawin silang surprise sa ‘kin, aakto na lang ako na gulat, siyempre. Ang kill joy ko naman kung sakali…” Natawa ako na iniling-iling ang ulo. “Ewan ko sa ‘yo, Evan. Maloko ka talaga kahit kalian,” sagot ko sa kaniya na tinawanan niya lang. “Malay mo, emergency lang talaga ta’s iniisip mo na may surprise sila sa ‘yo. Masiyado ka, ‘ka kong, assuming, pare.” “Umaasa lang naman. Malay mo may makaalala ng birthday ko,” sagot niya sa ‘kin. Heto na naman siya at magd-drama tungkol sa mga drama niya sa buhay. “Saan ba ang kompaniya na papasukan mo? Baka alam ko kung saan ‘yan…” Napatingin ako sa harap, diretso. “Kung saan lang…” Natawa siya. “Para kang babae, pakipot ka pa,” sagot niya sa ‘kin. Saan banda do’n ang pakipot, aber? “Sabihin mo na lang kasi sa ‘kin kung saan.” “Hindi niya ba nasabi sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa ‘kin nang may lito sa mukha niya. Hindi nga ata nasabi sa kaniya ni Ali ang tungkol sa interview ko ngayon na araw. “No’ng burol ni tatang, nag-offer sa ‘kin si Ali ng trabaho. Naisip-isip ko na mukhang magandang offer ‘yon, kaya kinuha ko na. Sayang rin ‘yon, e.” Napaangat ang kilay niya. “Sa kompaniya nina Ali?” tanong niya. Ba’t parang gulat na gulat siya? Gano’n na ba ako ka-undeserving para magulat siya nang ganiyan? “Nako po, mahirap makapasok do’n, sinasabi ko sa ‘yo, Simon. Pero since may koneksiyon ka naman, mukhang easy na lang sa ‘yo. Anak lang naman si Ali ng may sarili ng kompaniya na ‘yon. Kapag siya ang backer mo, sure win ka na.” “Anak siya ng may-ari ng kompaniya?” tanong ko. Hindi ko rin inaasahan ang narinig ko galing kay Evan, sa totoo lang. “Ngayon ko lang ‘yan nalaman…” “Hindi niya pala nasabi sa ‘yo?” tanong niya sa ‘kin. Hindi ko naman sasabihin na hindi ko alam kung nasabi niya na sa ‘kin ‘yon, ‘di ba? “Anyway, don’t worry about all that I have said. Maybe, may nakita siya sa ‘yo na special trait and that’s why he chose you or offered you a job. It’s my bad to talk about him that way, it may have made you feel uncomfortable or anything beyond.” “Mas uncomfortable ako sa English mo, Evan. Hinay-hinay lang naman, hindi kayang ma-absorb ng utak ko sa bilis mo magsalita,” sagot ko sa pabirong tono. “Okay lang naman na sinabi mo ‘yon. Sa totoo lang, mas okay na may ideya ako sa papasukan ko. Kunin ko ‘yan bilang tip at hindi bilang kung ano lang. Salamat sa tip.” Natawa siya bago inilatag ang kanang kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. Palagi niya ‘yang ginagawa kapag cute daw ako o ano. Hindi porket mas bata ako sa kaniya, mas cute ako tignan. Ewan ko ba sa kaniya. Pero, hindi naman sa ayaw ko. May kung ano sa sistema ko na trip na trip kapag ginagawa niya ‘yon kaya hindi ko na siya pinipigilan. Nakarating kami sa isang hindi pamilyar na lugar. Puno ‘to ng kwarto sa isang buong building. Dormitory ata o apartment ang tawag dito. “Dito ka nakatira, Evan?” tanong ko sa kaniya habang pina-park niya ang kaniyang kotse. Obvious naman pero tinanong ko pa, para lang may mai-topic. “Kapag nasa Maynila ako, dito ako nakatira,” sagot niya sa ‘kin. Pumasok kami sa gate at kaagad siyang nginitian ng guard. Awkward niya dahil pagkatapos ngumiti ng guard sa kaniya ay tumingin sa ‘kin. Ano kayang mga kababalaghan ang ginagawa ni Evan na alam ng guard? “Mahal kasi ang condominium, ‘di ba? Though, afford naman kung sakali na makapagtapos ako ng ilang taon sa kompaniya, mas trip ko pa rin dito.” Umakyat kami sa hagdan patungo sa fourth floor. Hindi ba siya napapagod sa araw-araw na pagtaas-baba patungo at galing sa fourth floor kung sakaling may trabaho siya? Hindi naman sa nagrereklamo, napansin ko lang na nakakangalay pala sap aa ‘yong ganito karaming hagdan. “Nakakangalay, ‘no?” tanong niya sa ‘kin bago binuksan ang kuwarto niya. Hindi ko nga namalayan na nakuha niya na pala ang susi sa bulsa niya dahil tutok ako sa paa kong naninigas na. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa ‘kin ang maayos na kuwarto. As usual kay Evan, malinis talaga siyang tao, sa totoo lang. “Maupo ka muna dito, Simon.” “Alas-singko pa lang, ba’t parang nagmamadali ka kaagad?” tanong ko nang mapansin kong pabalik-balik siya sa kusina at sa banyo. “Maaga ba ang pasok mo?” Tinignan niya ako habang naglalagay ng tubig sa water heater. “Maaga nga.” Tumayo ako at pinuntahan ang kung nasaan siya. “Maaga ka pa pala, e, ‘di maligo ka na,” ani ko bago inagaw ang plug ng water heater at sinaksak sa saksakan. “Ako na ang bahala dito sa mainit na tubig. Maligo ka na at ako na ang aasikaso nito.” “Feels good to have someone else here in this apartment,” aniya pa bago hinubad ang kaniyang pang-itaas at pumasok sa banyo. Bago niya pa man saraduhin ang pinto ay nagsalita pa siya. “Asawahin na lang kaya kita, Simon?” Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Kita ko siyang tumawa bago saraduhin ang pinto ng banyo. “Joke lang ‘yon. Huwag mong seryosohin.” Ayan, dahil diyan sa mga jokes mo, kaya ka nai-issue. Ewan ko sa ‘yo, Evan. Lumabas rin naman siya sa banyo at nagbihis. Sanay na akong makita ang katawan niyan ni Evan kaya wala na rin sa kaniya na magbihis sa harap ko. Ininom niya ‘yong kapeng ginawa ko at saka umalis. Bago siya umalis ay ibinigay niya sa ‘kin ang susi para daw pag-alis ko mamaya, siguradong sarado ang apartment niya. Pag-alis niya ay ako naman ang nag-asikaso ng mga gagamitin ko sa interview. Gusto ko sanang gamitin ‘yong lumang polo ng tatay pero ang sabi ni Evan, masiyado na daw wala sa uso kaya pinahiram niya sa ‘kin ‘yong formal attire na madalas niyang isuot sa interview. May dala pa daw ‘yong swerte sa nagsusuot no’n. Ewan ko ba anong trip nitong lalaking ‘to pero kinuha ko na lang. Umalis na rin ako pagkatapos kong maghanda. Iniwan sa ‘kin ni Evan ang address ng pupuntahan ko at kung pa’no ako makapunta do’n, bilang baguhan lang ako sa Maynila. Laking pasalamat ko na lang na may kaibigan akong maaasahan tulad ni Evan. Buti na lang talaga at kaibigan ko ‘yong loko na ‘yon. Sumakay ako sa jeep at kinailangan pa ng tricycle bago makapunta sa kompaniya na a-apply-an ko. Namangha ako sa laki nito. Hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang kompaniya na papasukan ko. Nahiya tuloy ako sa lagay kong ‘to. Parang hindi naman ako akma sa kompaniya na ‘to. Pumasok ako at kaagad na sinalubong ng guard at tinanong kung bakit ako naroon sa kompaniya na pinagtatrabahuhan niya. Ang sabi ko naman ay para sa trabaho, sa interview at kaagad niyang tinignan ang logbook niya para tignan kung may ganoong appointment. Nakita niya naman ata kaagad ‘yon at pinapasok ako. Mas lalo akong namangha dahil mas grandiyoso ang pagkakagawa ng loob. Interesado kasi talaga ako sa mga ganito, lalo na sa architectural aspects ng isang building. Kung nag-aaral ako ngayon, malamang sa malamang, architecture ang kinuha ko. Namangha ako ng sobra na hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig. Pinagtinginan tuloy ako ng mga tao sa loob. “Simon?” Napagtanto ko lang na kanina pa ako nakatulala nang marinig ko ang isang taong tumawag sa ‘kin. Paglingon ko ay nakita ko si Ali. Ibang-iba siya ngayon. Ayos na ayos ang buhok at nakasuot ng formal suit na bihira ko lang makita. Siguro dahil bihira ko lang din siya talaga makita. Pero ibang-iba siya ngayon. Nang makalapit pa siya, amoy na amoy ko ang pabango niya na para bang ginamit niya ‘yon pang-ligo. Pero, hindi ako nagrereklamo, mabango naman talaga siya. “Glad you came.” Nawaksi ako sa pagtingin sa kaniya. “Ali…” tanging ani ko. Hindi ko alam. May kakaiba sa kaniya na kumuha sa tingin at atensiyon ko. Hindi nga mawala ang tingin ko sa kaniya. “Tara na?” aniya sa ‘kin at tinapik ang balikat ko. “I’ll be your interviewer.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD