[SIMON]
“SIMON,” ANI Ali nang sagutin ko ang tawag. Tungkol na kaya ‘to sa trabaho na inaalok niya sa ‘kin. Ano kaya ang balita tungkol do’n? “Nandiyan ka ba? Are you aware that I am calling? Answer me.”
“Sorry, nalutang lang.” Sa dami ng iniisip ko, nalutang na ako habang pinapakinggan ang boses ni Ali sa kabilang linya. “Oo, Ali, nandito ako. Pasensiya na kung hindi ko kaagad nasagot ang tawag. May ginagawa kasi ako sa bahay. Bakit ka nga pala napatawag?”
Natahimik siya bago muling magsalita. Awkward pa rin talaga kami sa isa’t-isa at sa tingin ko, hindi naman ‘yon mawawala dahil hindi naman talaga kami magkaibigan, kumbaga mutual friends lang naming si Evan, kaya kami nagkakilala. “The interview is up,” sagot niya sa ‘kin. Ibig sabihin ba no’n na nakapasa ako? Parang ang bilis naman yata? “We gladly want to interview you for the position, Simon.”
“Talaga?” tanong ko sa kaniya. Ang bilis naman ata ng proseso? Pero, okay na rin, kaysa sa wala. Patusin ko na ‘to. “Hindi lang talaga ako makapaniwala. Pasensiya ka na kung ganito ako. Iniisip ko kasi hindi naman ako matatanggap dahil wala naman akong natapos na kahit na anong kurso. Salamat para dito, Ali, ha? Malaking tulong din ito.”
“Huwag kang mag-alala, Simon. Tumatanggap kami ng kahit na sino dito sa kompaniya ng pamilya namin, lalo na ‘yong mga nangangailangan. We gladly accept everyone in this company, and if you are accepted here after the interview, you will be part of our family.” Napaka-welcoming naman nila sa kompaniya nila. “Now that all we need is the interview; may I ask when are you available for the interview? Do you have any specific time or date when you are available for us to do the interview?”
“Available naman ako kahit kalian, basta para sa trabaho.” Nanahimik siya. Hindi ba dapat ganiyan ang sinasagot? Hindi ko rin alam ang tamang pagsagot, e. Kinakabahan kaya ako kapag kausap si Ali, hindi ko alam kung bakit. May aura siya na nakaka-intimidate, pero parang mabait naman siya. Ang hot niya nga pakinggan kapag nage-English siya, e. “Bukas tuloy, kung p’wede. Bukas ang day-off ko sa trabaho ko, e. Break time namin ngayon kaya pumuslit lang ako. Bukas, Ali, p’wede ba?”
“I’m always available for you,” sagot niya. Parang weird pakinggan ‘yon? “I mean; I am always available for interviewing you. That’s the call, ha? Bukas, eight o’clock in the morning, you should be here for the interview. I will be expecting you, Simon. I will be sending you the address of our main branch later. Good bye and hoping for you tomorrow here.”
Bakit parang mas masaya pa siya na makita ako do’n sa kompaniya nila kaysa ako na pumunta sa Maynila? Masiyadong mabait sa ‘kin si Ali, na sa tingin ko ay weird. O kaya naman, gano’n lang talaga siya sa mga tao? Naging kaibigan niya nga si Evan, ibig sabihin, mabait na tao siya.
Bakit ba ‘ko nagdadalawang-isip sa kaniya? Binigyan niya na nga ako ng trabaho ta’s ganito pa ako mag-isip sa kaniya. Umayos ka nga, Simon. Hindi ka pinalaking ingrata ng nanay at tatay. Magpasalamat ka na lang na may mabait na taong nagbibigay sa ‘yo ng trabaho sa panahong kailangan mo.
“Sino ‘yong kausap mo, ‘nak?” tanong ng nanay nang maabutan akong hawak ang cellphone ko. “Parang kinakabahan ka no’ng kinakausap mo ‘yong kinakausap mo kanina. May atraso ka ba do’n? May ginawa ka bang masama?”
“Nay, kailan pa ako may ginawang masama?” tanong ko sa kaniya. Sa tanang buhay ko, wala ako ni isang record sa barangay. Ano bang iniisip ng nanay? “Sa trabaho ‘yon, nay. Kinakabahan lang ako kasi may mataas na posisyon na ‘yong kinakausap ko. Naaano ako, baka may masabi akong against sa kanila.”
Napatango siya. “Nag-apply ka ng trabaho?”
“Natatandaan mo ‘yong lalaking kasama namin ni Evan no’ng pauwi ako galing sa burol ni tatang? Siya ‘yong umalok sa ‘kin no’ng trabaho,” sagot ko sa kaniya. “Interview ko na bukas, pero kailangan kong pumunta sa Maynila para dito, nay. Kung sakali man na matanggap ako, baka kailanganin kong mag-stay sa Maynila para hindi na ako pabalik-balik galing dito papunta sa Maynila. Gastos din ‘yon.”
“Oh, bakit ka nagpapaalam?” tanong niya sa ‘kin. Hindi ba p’wedeng nagsasabi lang sa kaniya na aalis ako kung sakali? Para advance, ‘di ba? “Alam mo, ‘nak, may sarili kang buhay. Matanda ka na rin para magdesisyon para sa sarili mo. Hindi mo na kailangan magpaalam sa ‘kin. Basta, mag-iingat ka lang do’n at protektahan mo ang sarili mo dahil wala kami do’n para protektahan ka.”
“Salamat, nay, pero interview ko pa lang bukas. Malay ba natin na hindi ako matanggap, ‘di ba? Kung sakali man, hindi ko na kakailanganin na umalis dito sa barrio natin,” sagot ko sa kaniya. “Pero mas maganda pa rin kung matatanggap ako do’n, nay. Mas malaki ang pasahod nila do’n. Ipagdasal na lang natin na makapasok ako do’n, nay.”
“Isasama ko ‘yan sa dasal ko bago matulog mamayang gabi, nak,” aniya pa bago ako niyakap. Ganito talaga ka-sweet ang nanay ko palagi. “Mabuti pa, maghanda ka na ng mga gagamitin mo para bukas. Galingan mo, ha? Ipagdadasal namin na makapasok ka sa a-apply-an mo, nak. Alam naming kaya mo, ikaw pa ba?”
“Para sa pamilya natin, nay, kakayanin,” sagot ko bago niya ako iniwan mag-isa sa labas. Magluluto pa siguro siya ng hapunan kaya nauna na siyang pumasok sa loob. Nagpaiwan na lang ako sa labas habang maraming iniisip.
Nagdadalawang-isip pa rin talaga ako kung tutuloy ako o hindi, pero opportunity na ‘to at trabaho na ang lumalapit sa ‘kin, sino ba ako para umayaw pa? May side lang talaga sa isip ko na iniisip kung magtatagumpay ba ako ro’n o hindi? Nando’n naman si Ali para i-guide ako, sure akong magaling naman ‘yon mag-alaga ng tao.
Dumating ang gabi at nagsimula na akong mag-impake ng kaunting damit para bukas. Interview ‘yon at formal kaya hiniram ko muna kay tatay ang formal na damit na minsan niya nang ginamit. Wala man ‘to sa uso na, pero ayos lang, nagagamit pa rin naman. Sana lang hind imaging laos ‘yong interview ko bukas.
Pagkatapos kumain ay natulog na rin kaagad ako. Kailangan kong magising dahil mahaba-haba pa ang biyahe papunta ng Maynila. Lalo na at wala naman akong ibang sasakyan na p’wedeng gamitin kung ‘di ang bus, mailap pa ‘yon hanapin. Ayaw ko man na umalis sa baryo, pipilitin ko para sa pamilya ko, lalo na’t kailangan na kailangan ng nanay kapag nagpapa-ospital siya. Kaya mo ‘to, Simon. Ikaw pa ba?
---
“ANG TAGAL ng bus,” ani ko sa sarili ko habang naghihintay ng bus sa terminal. Papunta na ako sa Maynila ngayon. Alas-dos ng umaga at nandito na agad ako para hindi maagawan ng bus na pupunta sa Maynila, ang ilap pa naman ng mga bus dito sa baryo namin. “Mal-late ako sa interview ko nito. Ang malas naman.”
Nakatayo lang ako sa waiting shed nang may huminto na kotse sa harap ko. Dahil antok pa ako sa oras na ‘yon ay hindi ko agad napansin kung sino ‘yon bago niya ibinaba ang bintana ng kotse. “Simon?”
“Evan,” sambit ko nang makita si Evan sa loob ng kotse. Na-realize ko lang na siya ‘yon nang tignan ko nang mas mabuti ang kotse. “Paano ka napadpad dito? Ang aga-aga naman yata ng alis mo?”
“Ikaw nga ‘tong ang aga-aga dito, e,” sagot niya sa ‘kin. “May emergency sa trabaho sa Maynila kaya maaga akong nagising papunta do’n. Ikaw, Simon? Bakit nandito ka sa oras na ‘to?”
Natahimik ako ng saglit. “May interview ako sa trabaho sa Maynila,” sagot ko sa kaniya. Hindi ko naman maatim na magsinungaling kay Evan, e, best friend ko ‘yan. “Kailangan maaga daw kaya nagbaka-sakali ako na mayroon nang bus dito, ang kaso, hanggang ngayon ay wala pa rin.”
Napangiti siya. “Hindi mo naman kaagad sinabi sa ‘kin, e, ‘di sana isinama na kita sa ‘kin dito sa kotse. Less hassle pa sa ‘yo,” aniya. Malay ko bang aalis siya papunta ng Maynila? Hindi ko rin alam na aalis siya nang ganitong oras. “Sakay na. Sumama ka na sa ‘kin. Huwag mo nang tangkaing tumanggi, babatukan kita, Simon. Para hindi ka ma-late sa interview mo, sakay na!”
Wala rin naman akong balak na tumanggi, sa sitwasiyon kong ‘to. Kung may bus na sana, hindi ko na tatanggapin pero desperado na akong makapunta sa Maynila at hindi ma-late dahil nakakahiya naman kay Ali. “Teka,” sagot ko sa kaniya. Binuksan ko ang backseat ng kotse at nilagay do’n ang mga gamit ko bago binuksan ang pinto ng upuan katabi ng driver at naupo do’n. “Salamat naman at dumaan ka dito. Wala akong makita na bus sa oras na ‘to. Desperado na rin akong makaalis dito.”
“Wala talagang bus diyan ngayon dahil miyerkules, Simon. Kapag miyerkules, alas-diyes dumadating ang mga bus sa terminal.” Hindi ko naman alam ‘yan. Bihira lang naman akong lumuwas sa Maynila. “Mabuti na lang at luluwas ako sa Maynila ngayon, sakto naman na nakita kita. Tumigil agad ako nang makita ka sa waiting shed.”