Chapter 12 | Part 1

1859 Words
[SIMON] HINDI PA naman masiyadong mahirap ang trabaho ko, sa ngayon. Pero hindi ko nil-limitahan ang sarili ko sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw. Ngayon dahil siguro unang araw ko pa lang, kaya hindi muna sila nagiging strikto sa ‘kin pero kahit taliwas sa iniisip ko na magiging strikto sila, naging maganda naman ang pakikitungo nila sa ‘kin kahit papaano. “Break time,” pagtawag ng team leader ng team namin at kaagad na nagtungo papunta sa ‘kin. Tinignan ko si Ali na iniwasan lang ang tingin ko. Iniisip ko pa rin ‘yong sinabi niya sa ‘kin kanina. Totoo kaya ‘yon? “Simon, right? Would you want to have a coffee with me?” Natigilan ako. “Po?” tanong ko sa kaniya. “Uhm…” “I mean, no malice naman, ‘di ba?” tanong niya sa ‘kin. Walang malisya pero bakit parang hindi ako komportable sa kaniya na palaging ako ang pinupuntahan niya. Siguro bago ako mag-isip ng kung ano, dapat ko muna siyang kilalanin. “As two people who are in the same team lang naman. You do not have to think a lot about it. Bilis na, mauubos na ang break time natin. Baka ending nito hindi tayo makakain.” At tumawa siya nang mahinhin. Napakamot ako ng ulo ko. Hindi talaga ako mahilig magsabi ng ‘hindi’ sa mga tao. Siguro dahil palagi akong tinuturuan ng nanay ko na maging mabait sa mga tao, kaya ako ganito. Pero, sa mga panahong ‘to, ano ang dapat kong sabihin sa kaniya? Na hindi pa naman ako gutom? Gusto ko na lang may dumating para saluhin ako. “Sige…” Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang marinig kong isarado ni Ali ang kaniyang laptop at tumayo papunta sa ‘kin. “Simon will eat with me,” aniya habang kaharap ang team leader. “Thanks for your effort of asking Simon to eat with you but I already am done with my work and have to keep up with my promise. I already told him that we are eating together at the break time. You can go now.” Wala naman nang nagawa ang team leader, umalis na lang siya at nakihalubilo sa mga babae niyang members. “Salamat,” sabi ko kay Ali. “Hindi pa kasi talaga ako komportableng-komportable sa kaniya. Ayaw ko namang humindi at baka magmukhang suplado ako at kill-joy.” “Sa susunod, just tell, not just him, everybody that you do not want to come with them if that is against what you wanted to do. Learn to decline them. Not all times, we have to always agree with them.” Napatango na lang ako. Nagulat na lang ako nang kunin niya ang braso ko at tinignan ako ng mahinahon. “You’ll be comfortable here soon. Let’s go.” Naglakad kami ng ilang hakbang bago niya binitiwan ang braso ko. Ewan ko ba kung ano ang dapat kong maramdaman nang ginawa niya ‘yon? Pero naramdaman ko lang na parang medyo kumulo ang tiyan ko. Baka naman gutom lang. Dumiretso kami sa cafeteria ng kompaniya nila at nakita agad ang mga tao na nakatingin sa ‘ming dalawa. Pag-upo ni Ali, kaagad na sumunod sa kaniya ang mga tingin ng mga tao. Ano kayang mayro’n? “Order ka na lang do’n sa counter, Simon. Gamitin mong pambayad itong ID mo. They know how to do that there.” “Sir,” ani ko. Tinignan niya ako nang dahan-dahan. “May gusto ka bang kainin?” “Just order me a macchiato,” aniya. Tinanggal niya ang ID niya na suot niya at ibinigay sa ‘kin. “Since it’s your first day here, it’s my treat. Pay using my card.” --- [ALI] PARA AKONG nabuhusan ng malamig na tubig kanina nang sabihin ‘yon ni Simon. I never expected him to see me as a good person. And the fact that he’s not limiting himself to only one person is a good thing to me. It raised my chance of having Simon as my boyfriend… or am I just assuming things? Also, I noticed his discomfort when Gary once again invaded my office to ask Simon a drink during this time, the break time. I never noticed myself looking at them but the way he’s answering tells his discomfort towards him already. This is why I kind of dislike Gary, he pushed everything to his liking. Can’t he just leave Simon alone? With that in regards, I also grabbed Simon’s hand, without my awareness, to walk with him towards the cafeteria. Good thing, nabitawan ko ang kamay niya bago pa man may makakita sa ‘ming dalawa. This is only the first day of his work here and I am already going crazy. How am I supposed to act like I’m okay when I’m not? By the way, kasalanan mo rin naman ‘to, Ali, kaya magtiis ka. “Sir.” May nagsalita sa gilid ko at kaagad kong nakita si Simon na dala ang pagkain niya, at dalawang kape. Isang matapang na siguro para sa kaniya at isang macchiato sa ‘kin. Iniabot niya ang cup ng macchiato sa ‘kin. “Ito na ‘yong kape mo. Ayaw mo po bang kumain ng pagkain man lang?” “Thank you for this,” sagot ko sa kaniya. “It’s okay. I rarely eat foods during break time.” Napatango siya. “Sige po.” Napatango na lang rin ako habang humihigop ng kape. Oh f**k, mainit pala, kaya kaagad akong napaso. Kung saan-saan kasi ako nakatingin. “Okay lang po kayo, sir?” “I’m fine, I’m fine,” sagot ko sa kaniya. “Kain ka lang diyan. Do not mind me here.” And he continued on eating. He looks like he really is hungry after reading that hundred pages of manual and typing keys on his laptop. He deserves to be treated for his hard work after all. While he was eating his meal there, here I was sipping my coffee, looking at him like I am his proud father. Why do I adore this guy so much? What’s with you that you made me feel this unexplainable feeling, Simon? I cleared my throat and grabbed his attention while he’s eating. “I’ll go at the comfort room lang muna, Simon,” I told him. He nodded his head and did not mind me leaving the table and continued on eating. --- [SIMON] HABANG KUMAKAIN ako ay tumayo si Ali at nagpaalam na pupunta daw siya sa banyo. Hindi naman na ako umimik pa at tumango na lang nang sabihin niya ‘yon. Wala, e. Gutom na gutom ako nang oras na ‘yon. Tahimik lang ako do’n nang may pumunta sa gawi ko na dalawang babae. Ano kayang itatanong nila. “Hello po,” panimula nila. Ah, isa sila sa member ng team namin. Bakit kaya sila lumapit sa ‘kin? “Luh, ‘di ba po ikaw ‘yong bago naming assistant manager?” Napatango ako. “Ah, opo.” Tumingin sila sa malayong lugar bago tumingin sa ‘kin. “Pa’no niyo naaya si sir na pumunta dito sa cafeteria?” tanong niya sa ‘kin. Ha? Ang gulo naman ng tanong nila? Bakit naman sila magkaka-interes do’n? “Para kasi pong naguguluhan ka. Hindi po kasi ‘yan pumupunta sa cafeteria si sir. Kadalasan, inuutusan nila kami na kumuha ng kape niya kasi ayaw niya daw magsayang ng oras para kumain. Ngayon lang ulit namin siya nakita dito sa cafeteria kaya gulat na gulat talaga kami.” Kaya pala gano’n na lang mukha nila nang makita si Ali dito. “Gano’n ba?” “Opo,” sagot ng dalawang babae. “May mga isyu pa na mga taong gusto niya lang daw ang sinasamahan niya. Nagtataka naman kami, e, bago ka pa lang naman. Bihira kasi ‘yan sumama sa mga gatherings po, ganern? Ewan ko ba. Nagtanong lang naman po kami. Loner ‘yan si sir, e. Kilala kasi ‘yan dito na anak ng boss kaya iniiwasan at saka parang ayaw naman niya sa ibang tao. Kaya biglang-bigla talaga kami nang makita siyang lumabas sa lungga niya at pumunta sa cafeteria kasama ka.” At saka sila umalis nang makita ang isang taong palapit sa ‘min. Napalingon ako. Kaya pala, dumating na ‘yong pinagt-tsismisan nila. Bago pa man umupo si Ali ay tumingin muna siya sa dalawang babaeng nilapitan ako kanina. Nang makitang malayo na ‘yong dalawa ay kaagad siyang naupo at tinignan ako mata-sa-mata. Iniwasan niya ang tingin ko, as usual. “What did those two girls tell you?” “Uhm…” Natigil ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita tungkol sa kung anong sinabi sa ‘kin ng dalawang babae o dapat na lang ba akong manahimik. “Wala naman po, sir.” Tinignan ko siya, seryosong-seryoso siya ngayon. “Sigurado ba ‘yan?” Inaatake na ako ng guilt ko kaya hindi ko na naiwasang magsalita. “Nagulat daw po kasi ‘yong dalawa na lumabas ka sa lungga mo para magkape sa cafeteria. ‘Yon lang naman po ang sinabi nila sa ‘kin.” Naku, baka kasi magalit sa ‘kin ‘to si Ali kapag hindi ko sinabi sa kaniya ‘yong totoo. “Wala naman na po silang ibang sinabi. Hindi naman po nila ikaw sinisiraan.” Nakita ko siyang humangos. “What a relief.” Relief? Hindi ba siya galit sa ‘kin? Gano’n gano’n na lang ang reaksiyon niya? Nakapagtataka lang talaga. “Okay. If you think I am mad with you talking to those two girls, I am not, for assurance. Then, if you are done already, let’s go to the office already, shall we? We have a lot of work and training to do, still.” Bumalik na kami sa office ni Ali at nanatiling tahimik. Tanging ang tunog lang ng pagtitipa niya sa laptop niya ang ingay na naririnig sa loob ng kuwarto at wala nang iba pa. Nanatili na lang rin akong tahimik habang binabasa ang manual na ibinigay niya sa ‘kin, kanina lang. Ilang pahina rin ‘to kaya inaabot ako ng siyam-siyam sa pagtapos nito. Walang ano-ano ay tumayo si Ali. Napatingin ako sa kaniya. “Alright,” aniya bago tumingin nang diretso sa ‘kin. “I have to go to the CEO’s office, Simon. The boss has something to say to me. Now, can you do me a favor?” Tumango ako. “Sige po.” “Since I am away, ikaw na muna ang tumao dito sa office ko,” aniya sa ‘kin. “Kapag may tao man na dumating, tell him you’re the assistant manager and that I’m having a talk with the boss. Kung may kailangan man sila, just help him and if you can’t, tell them that you will relay the message to me. Mga ganito kasing hapon na, I’m sure a lot of them would come to my office but the boss is looking for me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD