Tumango ulit ako. “Sige po, sir.” Lumabas siya sa opisina niya kaya naiwan akong mag-isa dito, nagbabasa ng manual sa couch.
Hindi pa man nagtatagal nang makaalis si Ali ay kaagad na may kumatok sa pinto. Dali-dali ko itong binuksan at bumungad ang mukha ng isang hindi pamilyar na tao. “Hello, good afternoon,” aniya. “Nandiyan ba si Ali? ‘Yong manager ng marketing team?”
“Uhm, kinakausap po kasi siya ng boss, at the moment,” sagot ko sa kaniya na tumango-tango na lang. “Kung gusto ninyo, p’wede ninyo namang sabihin sa ‘kin at i-relay ko na lang sa kaniya, since ako naman ang assistant manager niya. Im-make sure ko na makakarating sa kaniya nang tama.”
“Ah, I appreciate that pero iwan ko na lang ‘to sa ‘yo.” Kaagad kong kinuha ang isang envelope at may sticky notes na nakadikit sa labas nito. “Nandiyan sana ‘yong ipapa-consult ko sa kaniya pero wala pala siya, busy siya ngayon. Nandiyan na ‘yong instruction sa sticky notes and siya na ang bahala na gumawa niyan. Thank you for your time and please tell him to work on it quickly.”
Kaagad na siyang umalis bago pa man marinig ang sasabihin ko. “Pero…” Tinignan ko ang laman ng envelope. Ang daming papel naman nito. “Madami pang trabahong kailangang gawin si Ali ta’s dadagdagan pa ng ibang team.”
Wala naman na akong nagawa kung ‘di ang ilagay ang envelope sa ibabaw ng mesa ni Ali. Narinig ko pang humangos ‘yong babae sa labas na para bang ayaw niya akong kausap. Ano kayang problema no’n?
Hindi katulad ng sinabi ni Ali, isa lang naman ang pumunta dito bago siya makabalik galing sa opisina ng boss namin. “What is this?” tanong niya nang makita ang envelope sa mesa niya. “Sino ang nagbigay nito?”
“Binigay po ‘yan no’ng isang babae. For sure, hindi po natin siya ka-team,” sagot ko sa kaniya. “Ang sabi po, nasa sticky note na ang instruction pero ang sabi niya po sa ‘kin, balak niya raw sanang ipa-consult sa ‘yo.”
Kaagad siyang lumabas ng opisina niya na parang galit. Nagulat naman ako kaya sinundan ko siya habang dala-dala niya ang envelope na ibinigay no’ng babae sa ‘kin. Kaagad kaming pumunta sa isang opisina na katulad ng opisina niya. As usual, nakuha agad ni Ali ang atensiyon ng lahat ng mga tao sa loob ng kompaniya.
Pumasok siya sa loob ng opisina ng babaeng ‘yon at inilatag sa mesa ang envelope, sa anyong padabog. Sa sobrang lakas, rinig na rinig siguro ‘yon hanggang sa sunod na palapag. “What is this again, ha?” tanong niya. “Fionah, we are both managers here already. I am a manager of my own team and not your damn assistant. I already did once consult your report one time and promised myself not to do it again kasi parang ako na ang gumagawa ng trabaho mo. Ano pang silbi ng trabaho mo kung hindi mo ma-proofread at ma-consult sariling report ng team ninyo. Sumusuweldo ka lang ba sa wala?”
“Excuse me, Mister Almonte?” tanong niya at tumayo. “Kahit na pareho na ang position natin dito, alalahanin mo na senior mo pa rin ako dito. Mas matagal na taon ang itinagal ko dito bago ka dumating. Bilang senior mo, sana naman gawin mo ang mga pinagagawa ko sa iyo. At saka, huwag mo akong kinakausap nang ganito. Mas matanda pa rin ako sa ‘yo kaya nasa’n ang paggalang mo?”
“I don’t believe in such bullshit, Fionah.” Ramdam ko na talaga ang galit niya nang tawagin niya ang senior sa pangalan lang nito. “Whether you’re an employee of this company for a long time already, that does not mean you are at your advantage. Kahit na nandito ka na bago pa ipanganak si Rizal, wala akong pake. May mga ginagawa rin ako. Aren’t you being so insensitive already? We all have jobs here and doing your job is not in my job’s scope.”
“So, we’re talking about advantages, huh?” tanong niya at tinapik sa balikat si Ali. “Sino kaya sa ‘ting dalawa ang nakapasok dahil sa connection? Imagine, ilang araw ka pa lang na trainee tapos naging instant manager. Magician ka ata, Mister Almonte.”
Nakita kong umiling si Ali bago siya lumapit sa tainga no’ng babae. “Bakit, inggit ka ba?” Kahit na malayo siya sa ‘kin ay narinig ko siya no’ng lapitan niya ang babae. “Dahil ba gumugol ka ng ilang taon dito para lang makuha ang manager position? Dahil ba sa ilang taon mong ginugol dito, ito lang ‘yong promotion na natanggap mo? Blaming me and turning the anger to me will not higher your position, though. Dahil ba mas magaling ako sa ‘yo kaya sa ‘kin mo pinapagawa? Just admit the truth and I will do the job you’re telling me to do.”
Tumalikod siya at kaagad na naglakad. Sumunod na lang ako sa kaniya habang tumatakbo dahil mabibilis ang hakbang niya, halatang galit na galit nga siya. Gano’n ba ang tingin sa kaniya ng karamihan dito, na nakapasok lang dahil sa tatay niya na CEO ng kompaniya? Hindi ko alam pero parang masiyadong prejudice naman ‘yon kay Ali.
Naupo na lang ako sa sofa sa harap ng mesa niya at tinignan siya. Humahangos pa rin siya hanggang ngayon at halatang hindi umuupa ang kaniyang galit. “Sir, okay ka lang?” tanong ko sa kaniya. Alam kong masiyadong tangang tanong ‘yon kasi alam ko naman na hindi siya okay pero wala na akong ibang masabi sa kaniya, e.
“Simon…” aniya. Bumalik na ang boses niya. Ito ‘yong boses ni Ali na kilala ko. Kanina kasing kasagutan niya ‘yong babae, parang nag-iba siya ng anyo, pati ng boses. “I am very sorry you have to see that on the first day of your work. That was such a disgrace…”
“Hindi mo po kailangang mag-sorry, sir,” sabi ko sa kaniya. Pinutol ko na agad kasi sa totoo lang, hindi niya naman kasalanan na sinundan ko siya. “Hindi mo po kailangang mag-alala sa ‘kin, sir. Natural lang naman ‘yon sa mga trabaho. Sa tingin ko po, dapat kang mag-alala sa sarili mo kaysa sa ibang tao.”
Natigilan siya. “What do you mean?”
“Sa tingin ko po kasi dahil sa tatay mo at sa koneksiyon mo sa kaniya ang dahilan kung bakit ka nila pinag-iinitan ng ulo,” sabi ko sa kaniya. “Hindi mo rin naman maiiba ang pananaw nila kung palagi mo silang iinitan ng ulo. Siguro, mas maganda kung mag-focus ka sa pag-prove mo sa kanila ng worth mo. Sa tingin ko, kaysa alalahanin mo ang sinasabi nila, mas magandang alalahanin mo kung tama ba ‘yong ginagawa mo at kung tama ba na patulan sila lalo.”
Natahimik siya at kaagad na lumabas sa opisina niya. Bilang assistant manager niya, dapat ba akong sumunod sa kaniya ulit? O bilang kaibigan niya, dapat ko ba siyang hayaan na pumunta sa kung saan niya gusto pumunta nang may kalayaan? Pinili ko ang pangalawa. Bilang isang tao rin, ramdam ko ang hirap sa dibdib niya kanina lang. Isang araw pa lang ako dito pero madami nang nangyaring hindi ko inaasahan. Hindi ko na rin iisipin na masama ang naging panimula ko. At least, hindi na ako maninibago sa mga ganitong senaryo sa mga susunod na araw, linggo at buwan.
Wala na rin naman akong ibang nagawa dahil wala rin naman ang head ng team namin. Nagpatuloy ako sa pagbasa ng manual at pagtipa sa laptop. Nang mapansin kong malapit nang dumating ang haring buwan ay kaagad akong nag-ayos ng mga gamit ko. Hindi ko ginalaw ang mga gamit ni Ali at inayos lang ang mga posisyon nito. Naisipan ko na ring ayusin ang kwarto bago pa man dumating si Ali.
Lumipas na agad ang buong hapon at kaagad na natapos ang unang araw ng trabaho ko. Hindi ko nakita si Ali pagkatapos niyang umalis kanina sa opisina. Nakatulala lang ako sa harapan ng kompaniya dahil bumubuhos ang ulan, kanina pa. Hindi ko rin nadala ang payong ko. Ang mahal ng suit na binili ni Ali para sa ‘kin para lang basain ko ng ulan kaya hindi na lang ako gumalaw at hinintay na tumila ang ulan.
“I’ve thought a lot of it.” Isang lalaki ang tumayo sa tabi ko. Napatingin ako sa kaliwa ko para tignan ang lalaking may pamilyar na boses na nagsalita. Inangat ko pa ang ulo ko ng ilang pulgada dahil halatang mas matangkad siya sa ‘kin. Inilabas niya ang payong niya at binuksan iyon, inilagay sa itaas ng ulo ko at ulo niya. “What you told me was right. I kept on thinking and worrying about what other people are thinking about me that I never noticed that I was thinking and worrying about myself wrong as well.”
Napalunok ako ng laway. “Sir…”
“The job’s done already. You can call me Ali now,” aniya at tumingin sa ‘kin. Ngumiti siya sa ‘kin na para bang wala lang ‘yong nangyari sa kaniya kanina. “You’ve got no umbrella, am I right? Let’s go. Hop into my umbrella and let us go home together…”