Chapter 13 | Part 1

1635 Words
[SIMON] TINIGNAN KO lang siya nang mariin nang sinabi niya ‘yong mga salitang lumabas lamang sa bibig niya. Hindi ko alam pero may kung ano akong naramdaman nang itaas niya ang payong at inilagay iyon sa tuktok ng ulo namin. “Let’s go?” tanong niya at naglakad. Hindi pa gumalaw ang sarili kong paa kaya nilingon niya ako. “Simon? Hindi ka pa ba uuwi?” “Ah,” ani ko. Lutang ata ako ngayong araw. Tumingin lang ako sa kaniya bago ako sumunod sa kaniya. Masiyadong malakas ang ulan kaya mas lumapit pa ako para hindi ako mabasa. Malas naman kasi ang timing wala akong naidalang payong. “Nababasa ka ba?” tanong niya sa ‘kin. Natigil lang ako at hindi siya sinagot. Nagulat na lang rin ako nang ilagay niya ang kamay niya sa balikat ko at hinila ako papalapit pa. “It’s really raining hard, Simon. You should not be wet as it might make you sick. Second day mo pa lang bukas tapos absent ka na agad.” Tumawa siya ng kaunti bago naglakad habang nakalagay pa rin sa balikat ko ang isang kamay niya na tila ba inaalalayan niya akong maglakad papunta sa parking lot ng kompaniya. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman no’ng oras na ‘yon. Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang t***k ng puso ko na hindi ko alam kung anong rason. Posible nga bang dahil ‘yon kay Ali? Hindi ko na lang inintindi ang kung anong ‘yon na bumabagabag sa ‘kin at pumasok na kami sa kotse niya at hindi na naghintay ng oras para umuwi. Buong biyahe ay naging tahimik lang ako. Mas mabuti pa ‘ka kong naririnig ko ang ingay ng ulan kaysa manalig ang awkwardness sa loob ng kotse. “Tahimik ka ata, Simon?” tanong niya sa ‘kin. Nahimasmasan ako at bumalik sa katotohanang naroon pa rin ako sa loob ng kotse niya. “Okay ka lang ba? Kanina ko pa napapansin na tahimik ka? Alam ko namang wala namang dahilan para magsalita ka pero… weird lang sa pakiramdam ko. Hindi naman sa pinipilit kitang magsalita, baka lang ‘ka mo may problema ka or what?” “Ah,” ani ko. Wala naman akong ibang naisasabi kapag nasa harap ko si Ali. Sinusulit ko lang ang oras para ma-realize ang kung ano mang naramdaman ko kanina. Siguro dahil bago sa ‘kin ‘yong pakiramdam na ‘yon kaya hindi ko masiyadong maintindihan. “Wala naman, ayos lang ako… Saan ka pala nagpunta kanina?” Ngumiti siya nang itanong ko ‘yon. “Wala, naglabas lang ng sama ng loob sa rooftop kanina. Pasensiya ka na pala, hindi ako nakapagsabi na lalabas ako kanina.” Tumango na lang ako sa kaniya. “Kapag kasi wala ako sa mood, may kaaway o kaya nalulungkot nang walang dahilan, sa rooftop ako palaging nagpupunta. Medyo healing lang kasi sa ‘kin makita ang view sa itaas. At saka, walang masiyadong pumupunta doon kaya gustong-gusto ko do’n, ako lang mag-isa.” Nagtaka ako. “Kapag wala ka sa mood, may kaaway o kaya nalulungkot ka?” tanong ko sa kaniya. Tumango siya bilang response. “Hindi sa sinasabi kong gawin mo ‘to pero hindi mo ba naiisip na tumalon do’n, dahil lang sa nararamdaman mong emosiyon sa mga oras na ‘yon.” Natahimik siya nang saglit. “I actually thought that, a lot of times already,” aniya. E, ‘di naisip niya nga? Gaano kaya kalaki ang problema niya para isipin ‘yon? “But… I told myself not to do it. I thought that if I do not need myself anymore, someone might need me and that would be regretful after doing that. Also, I do a lot of self-reflection there. Kanina nga lang, na-realize ko na tama pala ang sinabi mo sa ‘kin. There would not be any benefit to think about what other people think about me, I realized that what matters the most is what I see and think about myself.” “Minsan kasi habang pinapakinggan mo ang sinasabi sa ‘yo ng ibang tao, nawawalan ka na ng space para pakinggan ang sarili mo,” hindi ko alam pero bigla na lang ‘yon sinabi ng bibig ko. “Invalid naman ang mga sinasabi niya sa ‘yo dahil hindi naman sila ikaw at lalong hindi pa nila nararamdaman ang mga naramdaman mo. Hindi dahil sarili natin ay hindi na natin dapat pakinggan. Mas lamang pa rin ang kung anong laman ng isip natin kaysa sa mga sinasabi nila sa ‘tin.” Natahimik siya. “You surely are a great adviser,” aniya at natawa. “I can see that you have already experienced a lot of hardships in your life and that must have told you all these words. Anyway, your word really helps me.” Tumango ako. “Kapag laki ka sa hirap, dapat handa ka sa hamon ng buhay.” “Not all, though. Even rich people experience hardships as well,” aniya. Tama nga naman. Kahit na mayaman siya, heto pa rin siya at maraming lungkot sa sarili niya. Minsan, pinangarap kong maging mayaman na lang para hindi na maghirap ang mga magulang ko pero parang mahirap naman pareho ang maging mahirap at mayaman. “My dad lost his attention towards me after getting himself more committed to his company than his own son. I know that he’s also struggling after losing his wife but is it that greedy to ask just a bit attention from him? I kind of despised him because of that. We may not be short in terms of financial, I feel like I was deprived having my dad’s attention to me.” “Masakit rin siguro sa parte niya na nawala ang asawa niya,” sagot ko. “Alam ko naman ‘yon, pero para lang nawala ako na para bang bula nang mawala rin si mom.” Ah, alam ko ang pakiramdam niya. Siguro, dahil nawalan siya ng nanay kaya mas naghanap siya ng atensiyon sa tatay niya, e, pareho silang hindi pa ayos nang mangyari ‘yon. “Pareho kayong nawalan ng mahal sa buhay kaya siguro mas tinuon ng tatay mo ang sarili niya sa trabaho para makalimutan ang sakit pero nawalan naman siya ng atensiyon sa ‘yo na mas kailangan ng atensiyon noong panahong ‘yon. Hindi ko alam ang dapat kona sabihin dahil hindi ko naman talaga alam ang side ng tatay mo. Siguro, dapat inunawa na lang ninyo ‘yong isa’t-isa.” Napailing siya. “Nasanay na rin naman ako, at wala naman nang mababago dahil nangyari na rin,” sagot niya. Natahimik na lang ulit kaming dalawa. Inabot pa ng ilang minuto bago siya muling magsalita. “Nakuwento mo pala sa interview mo na hindi ‘yong tatay mo ngayon ang tunay mong tatay. Nasaan ang tunay na tatay mo? P’wede mo namang huwag na lang intindihin ‘yong tanong ko, kung hindi ka komportableng sagutin.” “Hmm,” ani ko. Wala naman na sa ‘kin ‘yon, gaya ng nasabi ko noon pa. Matagal ko nang hindi inaalala ang tunay kong tatay na hindi ko naman na nakita. Muntik ko na ngang makalimutan na may ibang tatay pala ako, dahil naramdaman ko na ang pagmamahal galing sa tatay kay Tatay Ruben, na siya pang hindi ko tunay na tatay. “Dating OFW si nanay noon sa Japan. Nang malaman niyang buntis siya sa ‘kin, umuwi siya dahil hindi siya tanggap ng pamilya ng totoo kong tatay. Wala naman na siyang nagawa kung hindi ang buhayin ako nang mag-isa nang makilala niya ang tatay ko.” “That’s why… I hope this would not offend you but when I saw you first, I really had the feeling of you having another decency. Now I know, you are half-Japanese,” aniya na parang aliw na aliw nang marinig ang kuwento ko. “That is a total personal story for you to share, though. I’m glad you chose to share it to me.” “Nagtunog seminarista ka nang sabihin mo ‘yon.” At natawa ako. “Pero wala na rin naman ‘yon sa ‘kin. Hindi naman na sa ‘kin ‘yon importante,” sagot ko sa kaniya. “At sinasabi ko lang ‘yon sa mga taong malapit sa puso ko. Huwag mo lang ipagsabi sa iba.” Napatango siya. “E, ‘di malapit na pala ako sa puso mo?” tanong niya na nagpatigil sa ‘kin. Bakit ko ba pinili ‘yong salitang ‘yon? “Just kidding. But, anyway, I will not tell that story to other people, for sure. I respect people’s privacy and that’s not my story to tell other people freely. You cannot worry about that.” Nakaabot na kami sa condo niya. As usual, tinahak namin ‘yong ilang palapag sa elevator kaya bago pa man kamo makaabot sa floor ng condo unit niya, parang umiikot na ‘yong mundo ko, buti na lang at hindi ako nahulog sa sahig. Nang makapasok kami sa loob ng condo unit niya ay agad kaming pumunta sa kaniya-kaniya naming kuwarto. Iniwan ni Ali ang binili niyang take-out sa ibabaw ng mesa at sinabihan akong puno na daw ang kitchen kaya p’wede naman na akong magluto pero baka bukas na dahil pareho daw kaming pagod. Tama naman siya, pagod nga naman kami kaya hindi rin ako makapagluto. Nagpalit ako ng damit sa loob ng kuwarto ko at nahiga nang tuwid sa aking kama. Hindi ko rin naman nararamdaman na kumukulo na ‘yong tiyan ko sa gutom kaya mas pinili kong ipahinga ang katawan ko dahil mukhang mas gusto ng katawan ko ang ganoong posisyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD