Chapter 13 | Part 2

1702 Words
Inialay ko ang oras na ‘yon para isipin ang kung ano mang kakaibang naramdaman ko kaninang uwian lang. Hindi pa rin malinaw sa ‘kin kung ano ‘yong pakiramdam na ‘yon nang makita ko si Ali sa tabi ko at nang inilapit niya ako kanina habang nasa ilalim ng payong pero pilit akong binabagabag no’n. “Bakit kaya?” tanong ko sa sarili ko. “Bakit kaya biglang bumilis ang takbo ng puso ko kanina?” Natahimik pa rin ako. Saka ko lang na-realize na puso ko pala ‘yong tumakbo nang mabilis kanina. Kanina ko pa iniisip kung gutom lang ba o kabag pero puso pala ‘yon. Ngayon ko lang kasi ‘to naramdaman, e. Hindi ako pamilyar sa mga bagay na tulad nito. “Pero bakit nga kaya? Wala naman akong maisip na rason para tumakbo nang gano’n kabilis ang puso ko?” Napaangat ako ng tingin at tinignan ang orasan na nasa pader. “Anong oras na pala,” ani ko bago itinaas ang katawan ko at lumabas ng kuwarto ko. Nagulat naman ako nang makita kong sa saktong paglabas ko ay lumabas rin sa kuwarto niya si Ali. Wala siyang suot pang-itaas at halatang bagong ligo lang. “Oh, tara kain…” Masiyado akong awkward sa harap niya. Ewan ko ba, nang makita kong kalalabas lang rin sa kuwarto niya si Ali ay para bang nagsimula na naman ang karera ng kabayo sa loob ng puso ko. Lalo na nang makita kong wala siyang suot pang-itaas, nag-iwas kaagad ako para hindi tignan ang katawan niya. Pero sa saglit na nakita ko, halatang pinaghirapan niya ang gano’ng katawan. Hindi naman ako ganito ka-awkward sa best friend ko na si Evan kapag nakikita ko ang katawan niya pero bakit ako ganito ngayon. “Sige,” aniya at umupo sa upuan. Hindi pa rin ako makatingin sa kaniya nang diretso kaya buti na lang ay madilim na dito sa loob. Sinara na rin ang ilaw. “Hindi ka ba komportableng makita akong walang suot pang-itaas? Pasensiya ka na. I really am not comfortable wearing tops kasi talaga kapag nasa condo ko ako, lalo na kapag gabi.” “Wala namang problema sa ‘kin. Lalaki naman tayo pareho,” sagot ko sa kaniya at kumagat ng isang kagat sa burger na binili namin sa isang fastfood chain. “At saka sarili mo ‘tong unit na ‘to kaya sino ba naman ako para magreklamo? Pero wala talagang problema sa ‘kin. P’wede mong gawin lahat ng gusto mong gawin.” Siguro dahil sa hindi pa talaga kami ganito ka-close ni Ali kaya ako nagkakaganito. Pero kaunting oras na lang naman, sigurado akong mawawala na ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Hindi ko naman nililimitahan ang sarili ko pero sana ayos lang ako sa pagiging kaibigan lang. Hindi naman nagtagal ay nag-umaga na. Gaya ng dati, ako pa rin ang nauuna na maligo at sumusunod naman siya, dahil halatang mas mabilis siyang magbihis kaysa sa ‘kin. Heto na naman ako sa kauna-unahan kong problema sa umaga, ang neck tie. Lumabas si Ali sa banyo at kaagad akong nilapitan. “Hindi mo pa rin pala kaya ‘to?” tanong niya. Napatingin na lang ako sa baba, na siyang pinagsisihan ko. Wala siyang ibang saplot kung ‘di ang tuwalya na bumabalot sa kaniyang pang-ibaba. Basa rin ang kaniyang katawan gawa ng pagligo. Hindi gaanong kalaki ang katawan niya pero maganda na para sa katulad niya. “Ayan, done.” Napatango ako. “Huwag kang mag-alala. Pag-aaralan ko na agad pa’no gawin ‘to.” “No, it’s actually fine,” aniya at napangiti sa ‘kin. Para namang may sinabi akong nakakatawa para ngitian niya ako. “I actually like it when you let me do your tie. It’s just another kind of happiness to me.” At saka siya naglakad paalis papunta sa kuwarto niya na parang wala lang ‘yong sinabi niya sa ‘kin. Ano kaya ang ibig niyang sabihin do’n? Noon, parang wala lang sa ‘kin ang mga ginagawa ni Ali para sa ‘kin pero ngayon bakit parang big deal na sa ‘kin? Nagsimula lang ‘to kahapon, e. Kung hindi sana umulan, e, ‘di nakakatingin pa ako sa mata niya nang diretso ngayon. Naging swabe lang ang ikalawang araw ng trabaho at wala namang gaanong aberya hindi tulad ng nangyari sa unang araw ko sa trabaho. Wala rin namang masyado pa akong ginagawa dahil on training pa raw ako. Kadalasan sa mga ginagawa ko sa ngayon, ginagamay muna ang mga kailangan kong alamin para maging ganap na assistant ng team namin at ng manager namin. As usual, nasa iisang opisina lang kami ni Ali pero madalas ay hindi naman kami umiimik dahil busy sa kaniya-kaniyang gawain. Panay lang siya type sa kaniyang laptop na para bang nagmamadali. Siguro kasi may hinahabol na deadline. Samantalang nandito ako sa gilid, tinuturuan ang sarili na maging pamilyar sa mga keys sa keyboard ng laptop. Nagkaroon kami ng computer no’ng high school kaya medyo marunong pa naman ako. Minsan, bigla-bigla na lang siyang magsasalita at tatanungin ako kung nagugutom ba ako kahit na katatapos lang ng break time. Gaya ng dati, panay tingin pa rin ang mga tao sa loob ng kompaniya kapag sumasama siya sa ‘kin papunta sa cafeteria para kumain. Gano’n na lang ba siya ka-outcast dito? ‘Di ba p’wedeng nagugutom lang siya kaya pumupunta siya sa cafeteria para kumain? Tumayo ako, dahilan para lumingon siya sa ‘kin. “Sir, punta lang po ako ng banyo,” ani ko. Pero sa totoo lang, dahil sobrang mapayapa sa loob ng opisina niya, hindi ako mapakali. Gusto kong magsalita at makipag-usap sa kaniya pero natatakot akong ma-istorbo ko ang trabaho na ginagawa niya ngayon, kaya hindi na lang. “Mabilis lang po.” Lumabas agad ako at naglakad papunta sa banyo. Hindi pa man ako nakakalayo sa opisina ay napansin kong may pumatong ng mga kamay nila sa magkabilaan kong balikat. Napalingon ako sa kanila, ito ‘yong mga babaeng nagtanong sa ‘kin noong unang araw ko sa trabaho. “Hello,” ani nilang dalawa ng sabay. “Kumusta ka?” “Ayos naman,” sagot ko. “May tanong ba kayo ulit? Bakit bigla-bigla na lang kayong sumusulpot sa mga oras na hindi ko inaakala?” Natawa silang dalawa. “Hindi namin naipakilala ang sarili namin sa ‘yo kaya nandito kami para magpakilala. Ako si Marie at siya si Mariel, we’re fraternal twins so we really aren’t really looking alike but yeah, we’re born on the same day and from the same mother and father,” ani ng isa na naka-bangs. Pansin ko ngang hindi sila magkamukha pero medyo may hawig naman. Siguro gawa lang ng ayos ng buhok at kung ano pang bagay. “And, no, we are not interested to you… like romantically. We just want to know you. We, basically, are not that interested to men but interested to shipping them, after spying at them and knowing that they have chemistry.” “And yes, kaya kami lapit nang lapit sa ‘yo kasi ikaw ang next target namin,” ani naman no’ng Mariel. Ako? Bakit ako? “Napansin namin na masiyado kang close sa manager ng marketing team and that’s weird. Since that manager came into the scene, no one has been his friend. That’s why we came to you and asked you how did you make him come to the cafeteria in break time, one thing he does usually do.” “Weird na ba talaga ‘yon sa inyo?” tanong ko sa kanila. Patuloy lang sila sa paglakad habang nagsasalita kaya naglalakad na lang rin ako kahit hindi ko alam kung saan na kami papunta. “Hindi ba p’wedeng natrip-an niya lang na pumunta sa cafeteria noong araw na ‘yon dahil nagutom siya o kaya gusto niya ng kape?” Umiling ang dalawa. “Hindi talaga ‘yan pumupunta sa cafeteria o sa kahit saang lugar dito sa loob ng kompaniya. Halos nga hindi ‘yan umiihi dahil sa opisina niya lang tapos sa conference room ng marketing team lang ‘yan pumupunta.” Ganoon ba talaga si Ali ka-introvert? “Iniisip nga namin na allergic ‘yan sa tao, e, dahil wala ‘yang nilalapitan na tao at ikaw ang pinakaunang taong nilalapitan niya.” Napalingon ulit ako nang magsalita si Marie. “Ikaw ang pinakaunang taong nilalapitan niyan, at hindi inaway. Kilala siya bilang masungit pero feel ko maganda naman ang ugali niyan,” aniya. Mabait naman talaga si Ali, e. “Mas lalo kaming nagulat kahapon nang uwian. Kadalasan last ‘yan uuwi dahil ayaw niyang may mga kasabay na tao kapag lalabas ng kompaniya. Grabe talaga ‘yong gulat ko no’ng nakita namin siyang naglalakad papunta sa gate at tumayo sa tabi mo…” Bakit kailangan ninyo pang ipaalala sa ‘kin? “Tapos bigla kang pinapasok sa payong niya. Nang mapansin niya ring nababasa ka na, kaagad ka niyang hinila papasok sa coverage ng payong. Wala lang, first time naming nakita siyang gano’n mag-alala sa tao kaya amazed talaga kami masiyado.” “Kaya naisipan naming i-ship kayo,” ani naman ni Mariel. Ship? Para saan naman kaya? “Looking how he is being concerned to you now, it must be friendship that he is feeling for you but it can be anything deeper than that. You must not limit yourself kasi malay natin, he already is falling for you or has already fallen for you. Also, nakikita namin na ang concern na ibinibigay niya sa ‘yo ay legit, totoo. He wouldn’t care for anyone like that but he surely treats you as someone special.” Natahimik ako. “Paano ninyo naman ba ‘yan nasasabi?” tanong ko sa kanila at bumitaw sa pagkakahawak nilang dalawa. Nakita ko naman ang gulat sa kanilang dalawa. Hindi ko rin alam kung bakit ko ‘yon nagawa pero ewan… hindi ko rin talaga alam ang nangyayari sa ‘kin. “Imposible, Marie at Mariel. Magkaibigan kami ni Ali… at sigurado akong hanggang doon lang talaga ‘yon. Hanggang doon lang ‘yon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD