"Who's that guy?" Hindi na makatiis na tanong ni Storm. Tila nahuli siya nito sa ginawang pagkindat-kindat kay Matthew upang magkaiwasan sana sila nito.Pero sympre,hindi siya pahuhuli sa mga kapatid niya?Mahirap na kasing baka pagtawanan siya ng mga ito pagsasabihin niyang boss niya ang lalaki at ang trabaho niya ay maging nanny ng anak nito. "O-old classmate, yeah! Old classmate?" Pagsisinungaling niya.Saka binalingan si Matthew. "Oh, hi!" Maarte niyang bati. "Ano'ng ginagawa mo dito? Anak mo?" Kunwaring tanong niya kay Mathew. Saka hinaplos ang noo ni Maki ."Oh! My God!? He's hot!" Malakas niyang bulalas ng maramdaman ng palad niya ang mainit na noo nang bata. Hindi naman alam ni Matthew kung paano magre-react sa mga sinasabi nang dalaga.Napaka-slow talaga ng pick-up nito.Kaya naman

