"Ninang, bakit nangyari 'to? Who's behind this accident?" tanong ni Rain ng mapagsolo silang dalawa.Hindi rin kasi ito makapaniwala sa biglaang pagka-aksidente nina ate Summer niya at Thunder. "I'm not sure. Pero impossible din na si Miya ang may pakana o hindi naman kaya ay ang anak nito?" ani ninang Jackie nito. "Bakit naman nila gagawin 'yon?" ani Rain. "Hindi pa ba sila nakontento sa ginawa nila kay mommy Snow? Pati rin ba kami kasali rin?" hindi makapaniwalang tanong ni Rain. "Ang mga masasamang tao anak, kahit na balutin mo man ng magarang damit kung demonyo pa rin ang pag-uugali nito ay hinding-hindi talaga ito magbabago. Gagawa at gagawa ng masama sa kapwa," ani Jackie."Kayo kayong apat kailangan niyong mag-ingat. Bantayan niyo ang bawat isa lalo na ngayong hindi natin alam kun

