Rae
Ang bilis naman matapos ng araw. Reklamo ko sa aking sarili. Ngunit hindi maiwasan na hindi mamangha sa ganda ng papalubog na araw, ito ang pinaka gusto kong bagay kapag hapon. Kahit papaano, naaaliw ako at nababawasan nito ang lungkot na nararamdaman ko ngayon dahil patuloy parin akong pinagtatabuyan ni Adriana.
Kanina, hindi natuloy ang dapat ay lunch date namin. Dahil basta na lamang itong nag walk out at hindi na ako muling nilingon pa. Ayaw ko naman siyang habulin para pigilan pa at pilitin sa bagay na ako lang ang may gusto. Ewan ko, sa tuwing tinatalikuran niya ako, nasasaktan ako.
Ngunit bago ito tuluyang tumalikod kanina at naglakad papalayo mula sa akin, may isang bagay na sinabi ito at talagang tumatak sa isipan ko.
"Don't ever speak that way against Chesca. Because you don't know her. You probably know her by name but you don't know her personality." Malungkot ang mga mata nito habang sinasabi ang mga katagang iyon. "And don't ever mention her again in front of me, ever." Iyon ang huling sinabi nito atsaka siya nag walk out.
Deep inside, alam kong sumusobra na ako sa limitasyon na meron ako, alam kong nasaktan ko siya. Dahil tama nga naman, wala akong karapatan na pagsalitaan ng ganoon si Chesca. Ang babaeng hanggang ngayon ay mahal parin niya.
I know love isn't always easy. Sometimes, it can be messy. But what do I do? I fell in love with her the first time I saw her. And I can't even blame myself for why until now, I've been trying hard to be with her.
Napahinga ako ng malalim nang maisip kung gaano kahirap na mapaamo ang isang katulad ni Adriana. Pero handa parin akong gawin ang lahat, mapa sa akin lamang siya.
Hindi nagtagal, naramdaman ko na lang na mayroong tumabi sa akin sa pag upo. Sa amoy pa lamang nito, alam ko na kung sino iyon.
"You know what? I really love the sunset." Pag-amin ko sa kanya habang nasa papalubog parin na araw ang aking mga mata.
"And I see you in the sunset..." Dagdag ko pa bago napahinto sandali. "Kahit matanda na, maganda parin."
"What did you say?!" May inis sa tono ng boses nito dahilan upang mapakagat ako sa aking labi, para pigilan ang nagbabadya kong pag ngiti.
"Nothing, I said you're beautiful." Buong puso naman na pag-amin ko at sa wakas, lakas loob na muling sinalubong ko na ang kanyang mga mata na ngayon ay naka pako lamang sa akin.
Sandaling nagkatitigan kaming dalawa, ngunit mabilis itong nagbawi ng tingin pagkaraan ng ilang segundo. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako o ano, pero nakita kong namula ang mga pisnge nito.
Is she blushing? Tanong ko sa sarili.
"Narinig kita, hindi ako bingi." Pagsusungit niya. Tinititigan ko parin siya sa kanyang mukha hanggang ngayon, ewan ko ba kung bakit hirap akong alisin ang mga mata ko sa kanya, sa tuwing nasa harapan ko siya.
Ngunit agad na napakunot ang aking noo nang maalala na galit nga pala ito sa akin.
"Why are you here?" Biglang pagtanong ko. "I thought you don't want to talk to me?" Muli itong nagbaling ng tingin sa akin, pagkatapos ay mataman na tinitigan din ako pabalik sa aking buong mukha. Alam kong may mga katanungan na gumugulo sa isipan niya.
"Ano bang nagustuhan mo sa akin?" Seryoso ang boses nito, ngunit nahihimigan ko ang labis na pagtataka at kagustuhan na malaman ang sagot ng kanyang katanungan.
Napalunok ako ng maraming beses atsaka napabasa ng aking labi gamit ang dulo ng aking dila.
"Everything." I simply answered but with a heart.
This time, hindi na nito inalis pa ang kanyang mga mata sa akin. Para bang binabasa nito ang kung ano mang tumatakbo sa aking isipan, pero sorry siya dahil niya malalaman.
"Everything?" Pag tanong nito. Napatango ako.
"Yes." Muling sagot ko naman.
"Like what?" Pangungulit pa niya.
"Kailangan ba talaga may dahilan para mahalin kita?" Sagot na tanong ko sa kanya. "Eh sa mahal kita eh, may magagawa ka ba?" Dagdag ko pa. "At huwag mong sasabihin na itigil ko dahil hindi 'yun mangyayari."
Natahimik lamang ito kaya napatikhim ako, it's my turn to ask her.
"Why don't you want to be younger than you?" Tanong kong muli sa kanya. "Is it because immature and childish?" Dagdag ko pa.
Muli, napaiwas na ito ng tingin sa akin. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pag galaw ng kanyang mga panga.
"No." Tipid na sagot nito.
"Then why don't you want me?" Muling tanong ko pa. Muli, ay natahimik ito at natigilan, habang napapakagat labi pa na para bang nag-iisip ng kanyang isasagot sa akin.
"Nothing." Sabay tayo na sagot nito na agad ko namang sinundan ng aking mga mata. "Hindi ko rin sinabi na isip bata ka." Sabi pa niya. "You're just...different."
Magsasalita pa sana ako para sa kasunod na katanungan, nang basta na lamang ako nitong tinalikuran.
Bakit ba ang hilig niyang mag walk out kapag kausap ako? Bagot na tanong ko sa sarili ngunit agad din na napa ngiti dahil sa wakas, nagkaroon din kami ng conversation na maayos. Hindi ba isang magandang sign iyon?
"Uhmm...Rae?" Mabilis na nag-angat akong muli ng aking mga mata at mabilis rin na napatayo noong makita na nakatayong muli si Adriana sa aking harapan. Awtomatiko rin na nagkislapan ang aking mga mata.
"Yes?" Tanong ko na parang tanga dahil sa kulang nalang eh, mapunit ang aking labi dahil sa sobrang pag ngiti.
Nahihiya na napakamot naman ito sa kanyang batok.
"Nevermind, see you around." Pagkatapos ay muli na naman itong naglakad papalayo. Walang nagawa na napabuga na lamang ako ng hangin sa ere.
"Ang gulo!" Reklamo ko sa sarili.
-----
Hindi ko namalayan ang pagtakbo ng oras dahil sa sobrang naaliw ako sa paglibot sa buong ship, and believe me, sobrang nakakapagod! Ang daming tao rin ang naka recognise sa akin, especially mga pinoy na nandidito. At isa sa mga nakakapagod or should I say ang nakakangalay na gawain kapag isa kang kilalang tao ay ang pag ngiti.
'Yung tipong kahit nangangalay na ang labi mo, kailangan mo paring ipakita sa kanila ang iyong 'banana smile', dahil kung hindi, issue 'yun. Sasabihin snob ka or whatever.
Thankful din ako sa mga taong ipinahiram ni Mr. Mendoza sa akin, dahil sila ang nagsilbi kong body guard dito at syempre, para na rin kay Adriana.
Pagkatapos ng ilang picture taking para sa mga fans na nandito rin sa ship, agad na bumalik na rin ako sa aking suites. Nararamdaman ko na kasi ang pagod at naghahanap na ang katawan ko ng hot shower. Gusto ko na ring kumain dahil medyo kanina pa kumakalam ang sikmura ko.
Pagpasok ko pa lamang, agad na napansin ko na ang nagkalat na petals ng red rose sa sahig at may kasama rin ito na candles na siyang nagbibigay liwanag sa paligid. Mayroon rin itong hugis puso na gawa sa petals, habang napapalibutan parin ng mga kandila.
Samantala, ang Love Story ni Taylor Swift naman ang nagsilbing background music na naririnig sa buong kuwarto.
Kusang nagtindigan ang aking mga balahibo at hindi mapigilan ang hindi makaramdam ng kaba. Ang lakas-lakas ng pintig ng aking puso na kulang nalang eh kumawala ito.
Mabagal na inihakbang ko ang aking mga paa, hanggang sa makarating ako sa may kama kung saan, doon naman nagkalat ang napakaraming red balloons. Habang naka upo sa ibabaw ng 'non ang babaeng hindi ko inaasahan na makikita mula rito sa loob ng aking suites.
"Kanina pa kita hinihintay." Wika nito habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. "Do you like what I did?" Sabay tingin nito sa buong paligid.
Hindi ko maiwasan ang hindi mapalunok ng mariin nang makita ang kanyang kasuotan, nakasuot kasi ito ng isang daring night gown na kulay pula, habang bakat na bakat pa ang kanyang nagyayabang na mga n****e. Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanyang katawan bago napatikhim dahil bigla na lamang akong pinagpawisan ng malamig sa aking mga palad.
"Adriana w-what....what are you doing?" Utal na tanong ko atsaka pasimpleng sinaway ang aking sarili dahil hanggang ngayon, napapasulyap parin ako sa kanyang katawan, lalo na sa kanyang n****e. Dahilan naman upang mapangisi ito ng nakakaloko sa akin.
Damn it! Pagmura ko.
Pansin ko rin ang lamesa sa may gilid ng kama kung saan mayroong nakahain na pagkain at mayroong isang bote ng wine.
"I'm giving myself a chance to know you more...and to love you." Pag-amin nito dahilan upang muling salubungin ko ang kanyang magagandang mga mata.
Hindi ako kaagad nakapag salita dahil tila ba naubusan ng sasabihin at napatulala lamang sa kanya. And I admit, sobrang nagsasaya ang puso ko ngayon dahil sa sinabi niyang iyon. Kay tagal kong inasam at hinangad na marinig mula sa kanya ang mga katagang 'yun. At ngayon, nasabi na niya sa akin.There is no denying the joy I feel in these moments.
"But I guess---
Hindi na nito naituloy pa ang kanyang gustong sabihin dahil mabilis ang mga hakbang na lumapit ako sa kanya at basta na lamang siyang niyakap ng mahigpit, iyong mahigpit na mahigpit habang naluluha ang mga mata dahil sa saya.
"Thank you!" Buong puso na pagpapasalamat ko sa kanya. "Thank you, Adriana."
Hindi ko man alam kung ano ang dahilan kung bakit bigla na lamang nagbago ang isip niya, ang importante binigyan niya ako ng pag-asa. At para sa akin, sobrang malaking bagay na iyon para mapatunayan ko ang aking sarili sa kanya.
Hindi ito kaagad nakapag salita, ngunit marahan na niyakap din ako nito pabalik. Naramdaman ko rin ang malambot na mga labi nito na dumampi sa gilid ng aking tenga.
"Don't thank me yet." Wika niya noong kumalas na ito mula sa pag yakap. "We are just getting started."
Ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't isa, naamoy ko rin ang mabangong hininga nito dahil ilang inches lamang ang layo ng kanyang mukha mula sa akin.
Walang gustong magsalita sa amin pagkatapos ng ilang segundo, at nanatili lamang kami sa ganoong posisyon habang magkasalubong ang mga mata.
Shit! This is what I always pray for, I can't believe it's happening now.
My eyes dropped to her lips, I could still remember how soft they were, how sweet and delicious it tasted. And I admit, I miss that taste again.
"Adriana, I just---"
"Sshh!" Pagputol nito sa akin sa pamamagitan ng paglapat ng kanyang hintuturo sa aking labi. Marahan na hinawakan ako nito sa aking pisnge atsaka hinaplos iyon.
"I want you to know that we all deserve to be loved." Panimula nito habang nakatitig parin sa mga mata ko.
"And you, Rae. I want to give that chance to you, to prove yourself to me. And for myself, who is willing to start over." Dagdag pa niya. Napangiti ako ng mabagal bago napa tango.
Isang matamis na ngiti naman ang pinakawalan nito bago inilayo ng konti ang kanyang sarili sa akin.
"So now, can you be my Juliet?" Tanong nito habang napapakagat labi. "And me, as your Juliet?"
Hindi ko mapigilan ang hindi napatawa ng mahina dahil sa katanungan niya. Kinikilig kasi ako! Haha.
"Yes, my Juliet." Sakay at pagpayag ko sa kanya bago kami napatawa ng sabay.
This is going to be a great vacation!