Chapter 13: The Fire Burning Inside Me

1753 Words
Now playing: Two steps behind  Adriana After a weeklong cruise, we are now in Thailand and checking in at a known but exclusive resort. Rae chose this place, she knew exactly what place I wanted, the atmosphere is peaceful and relaxes the mind. Pagkatapos naming mag check in agad na dumiretso ako sa aking room number at doon nagpahinga sandali, ganoon din si Rae at ang dalawang tao ni daddy na ipinahiram nito sa kanya. I can't believe na pati ang sarili kong ama ay nakuha nito ang loob niya at nahulog sa charm niya. Tsk!  Humiga ako sandali sa ibabaw ng kama hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod.  Pagising ko, hapon na. Kaya naman agad na kumilos na ako at nagpalit ng aking damit pang swimming, isang olive green bikini. Naisip ko kasi na mag relax muna sandali sa may pool, dahil sayang ang laki nito at ang malinis na tubig kung hindi ko gagamitin.  Hindi madali ang isang linggong lumipas na kasama si Rae. And I admit, isa siyang napakalaking tukso na kapag hindi ka marunong magkontrol ng iyong sarili, ay basta mo na lamang itong mahuhubaran ng disoras sa harapan mo. She's hot in all her angles and very passionate in everything she does. Sa loob ng isang linggo na iyon, wala akong ibang nakikita kung hindi ang kabutihang loob nito sa lahat ng tao. And I'm wrong to think na isip bata pa siya, because she's really mature nothing like any teenager I've ever met or known. No wonder kung bakit ang daming tao ang humahanga sa kanya, hindi lang sa kanyang talento kung hindi pati narin sa kanyang personality.  At alam kong marami sa inyo ang nagtataka kung bakit biglang nagbago nag ihip ng hangin at pumayag na akong bigyan ito ng chance sa akin.  When she said she was ready to accompany me to start over, I saw the sincerity in her eyes. I saw how much she wanted to prove herself to me. And maybe my cousin Sommer is right, maybe it's time for me to forget Chesca. And I know, even my friends, ganoon din ang gusto ng mga ito para sa akin.  Even Chesca. Malungkot na sabi ko sa aking sarili.  Right now, masasabi ko na kahit papaano, nagiging okay na ang pakikitungo ko kay Rae. And Sommer was right again, mabuting tao si Rae at iyon lamang ang tanging nakikita ko ngayon. Ngunit may ilang parte parin sa akin na wewerduhan sa tuwing magkasama kami, pakiramdam ko kasi parang ang tanda-tanda ko na para sa kanya. Hays!  Minsan, hindi ko parin mapigilan na tanungin ang sarili ko. Kung tama nga ba itong ginagawa ko? But then, all of a sudden I stared at Rae, not realizing that I could just smile by myself while I looked at her. It's because I feel electricity is flowing through my body every time she's there, and it feels so right when she's nearby. It's so perfect. She's so beautiful. My heart flutter at just the picture of her smile, of her eyes, of her voice...her in general. She's really...really smart and everything she does is...perfect. I have nothing to say but...Rae is perfect.  And this feeling is what I know will make me whole again...ang muling kokompleto sa akin. At si Rae, marahil, ang tao na muling magpaparamdam ng pagmamahal sa akin na ilang taon kong ipinagkait mula sa aking sarili. Dahil sa isang taong matagal nang nawala sa mundo, sa isang tao na paulit-ulit kong itinatanong kung bakit maagang kinuha sa akin.  -------- Pagkatapos kong makapag palit, agad na dumiretso na ako sa pool area. Kung saan naabutan ko naman si Rae habang masayang nakikipag kwentuhan sa dalawang babae na sa tingin ko ay guest rin ng resort na ito.  She also wears her yellow bikini, which further emphasizes her white and long legs. I put my sunglasses on and unintentionally dip down stare at her ass. Mas lalo akong napatitig sa kanyang flat na flat na tiyan at sa kanyang...ehem! Sa kanyang boobs na tanging natatakpan lamang ng isang naliit na tela. Damn!  She's so sexy.  Kaya hindi na ako magtataka kung bakit halos kulang nalang eh tumulo na ang laway ng mga babaeng nasa harap niya ngayon. Napairap ako sa aking sarili.  Pagkatapos ng ilang minuto, muling tinanggal ko ang aking suot na sunglasses at inilapag ito sa ibabaw ng aking towel. Dahil abala pa si Rae sa pakikipag kwentuhan kaya naman, napag desisyon ko ng lumusong sa tubig dahil kanina pa ito hinahanap ng aking katawan. Her head turns as I reach the water, and even though I can't see her eyes through her shades I know she is watching me.  Sandali pa siyang nakipag kwentuhan sa mga ito hanggang sa nakita ko na lamang na papunta na siya sa aking direksyon. I try my best not to scan her body, which is way better more than I imagined. She really must be a goddess.  Agad din itong lumusong sa tubig pagkatapos ay lumapit sa akin. Sinubukan ko sa abot ng aking makakaya na huwag itong tignan o bigla man lamang ng kahit isang ngiti. Ngunit nabigo ako noong bigla na lamang nitong sundutin ang aking tagiliran. I can't help but laugh, lalo na at kung ganito na siya ka close sa akin.  Para bang mayroon na namang kuryente na dumadaloy sa aking buong katawan. At mas lalo ko pa iyong naramdaman noong sandaling inilapit nito ang kanyang mukha sa akin atsaka napabulong ng... "You're sexy." Pagkatapos ay napakagat labi pa ito habang nakatitig sa akin. Awtomatiko naman na nang init ang aking mukha dahil sa kanyang sinabi.  Argh! Inaakit ba niya ako? Hindi ko mapigilan ang hindi mapairap sa kanya. At nanatili na hindi ito pinansin dahil sa totoo lang, nakakaubos na naman siya ng pasensya.  "I told you, I'm not child anymore." Wika nito habang naka ngisi. "Wala na akong gatas pa sa labi, hindi katulad ng palagi mong sinasabi sa akin." Dagdag pa niya. "Pwera nalang kung...pumayag kang padede-in ako." Sabay nguso nito sa malusog at lantad kong hinaharap, dahilan upang malaglag ang aking panga dahil sa sobrang pagkagulat sa kanyang huling sinabi.  "Pervert." Irap na sabi ko bago tuluyang umahon na sa tubig na kaagad naman niyang sunundan.  Damn it! Paano ba ako nagustuhan ng isang batang katulad niya na mayroon pang gatas...hays! Nevermind. And I can't believe na nagagawa niya akong akitin ng ganito?  So naaakit ka nga? Tuyo ng aking isipan.  I could tease her the way she teases me, I could easily leave her in edge and craving in my touch. I swear!  Walang sabi na inalisan ko na lamang ito habang sunod-sunod ang pagpapakawala ng hangin sa ere. Ang init!  Ang kailangan ko yata ay ang malamig na shower at hindi 'yung ganitong bilad sa papalubog na araw, baka basta ko nalang siyang mahubaran sa harap ng ibang tao. Papasok na sana ako sa aking room number nang siya namang biglang may magsalita mula sa aking likuran.  "Can I come in too?" Tanong nito at may kasama pang 'Please' sa dulo. Kusang napapikit ng mariin ang aking mga mata bago muling napaharap sa kanya, ngunit noong sandaling pagmulat ko, doon ko lamang na realize na sobrang magkalapit lamang pala kaming dalawa. At isang dangkal na lamang halos ang layo ng aming mukha sa isa't isa.  Awtomatikong natigilan ako at hindi na naituloy pa ang gustong sabihin dahil sa gulat. Hindi ko rin mapigilan ang hindi mapalunok dahil kusa na lamang bumaba ang aking mga mata sa kanyang nang aakit na labi.  Bakit ba bigla bigla nalang siyang sumusulpot? Tanong ko sa sarili. At bakit siya nandito? Kaya nga umalis na ako sa harapan niya dahil nasasapian na ako ng tukso! My goodness! Walang nagawa naman na napaatras ako kahit na alam kong wala ng space sa aking likod, hanggang sa tuluyan na akong mapasandal sa pintuan na hanggang ngayon ay hindi ko parin nabubuksan. Noon naman humakbang si Rae at mas lalong inilapit ang kanyang katawan sa akin.  Binigyan ko ito ng isang warning look ngunit hindi siya nakinig, sa halip ay bumaba pa ang kanyang mga mata sa aking medyo nakaawang na labi. Napalunok rin ito at mahahalata mong nagpipigil sa kanyang sarili.  "I really wanted to kiss you right now." Bulong nito sa akin na ngayon ay nasa aking mga mata na naka tingin.  Hindi ko mapigilan ang hindi mapa ngisi. Lalo na ngayon na patuloy na nakikita ko parin ang aking epekto sa kanya.  "But?" Ganting bulong ko sa kanya dahil sa totoo lang, inaasahan ko na ang pag lapat ng mga labi nito sa akin. Sa halip na sagutin ako ay basta na lamang na inilayo nito ang kanyang mukha sa akin, habang naka ngiti ng nakakaloko. Inis na tinignan ko siya bago tulayan ng binuksan ang pintuan. "Stop teasing me." Sabi ko rito. "And don't provoke me or else..." Napahinto ako. "Or else what?" May panghahamon na tanong niya. "Or else you'll end up naked on my bed as I lay on top of you." Dirediretso kong sabi ngunit seryoso naman. Mabilis na nagbago ang expression ng kanyang mukha at namula rin dahil sa huling sinabi ko. This time, ako naman ang napa ngiti ng nakakaloko bago ito tuluyang tinalikuran na at isasara na sana ang pintuan, nang mabilis niya itong pigilan at parang si flash na mabilis na nakapasok sa aking kuwarto. Ramdam ko ang pag galaw ng aking sariling panga habang nakatitig sa kanya. And deep inside, I silently pray na huwag naman na sana niya akong lalong tuksuhin. Dahil konting konti nalang, nararamdaman kong bibigay na ako. Lalo na ngayon na wala siyang ibang suot kung hindi ang dalawang maliit na tela lamang na nakatakip sa kanyang boobs at...feminine area.  "Rae, I'm warning you. This is not the good time to tease me." May pagbabanta na sabi ko pa.  She manages to recover in a few seconds later and sly smile spreading across her lips.  "I just want to spend more time with you here in your room." Pagpapaalam nito na parang bata bago napataas ng kanyang kanang kamay. "I promise, I'm not going to do anything stupid." Dagdag pa niya.  Mataman na tinitigan ko siya sa kanyang buong mukha.  "Fine! Change your clothes first because you might get sick. I'll just take a shower." Pagpayag ko naman at muli itong tinalikuran na papunta sa banyo.  "Can I go with you?" Huling hirit pa nito. "Rae!" Singhal ko sa kanya dahilan upang mapatawa ito ng malutong. "Relax, I'm just messing with you." Dahilan naman niya.  Hindi ko na siya pinansin pa at tuluyan ng pumasok sa loob ng banyo, agad na binuksan ko ang shower at paulit-ulit na napapamura sa aking sarili dahil imahe ng katawan nito ang paulit-ulit kong nakikita sa tuwing pipikit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD