Third person pov's Naunang dumating sa hospital ang Mama ni Cloreen, kasama ang mga kapatid ni Cloreen. Dala ang alala sa kanilang mga mukha para sa dalaga. Wala pa rin malay si Cloreen habang pinagmamasdan nila ito, "Ate, gumising ka na! Alam kong ikaw ang pinaka strong na babae sa mundo, kaya ano pa 'yan sa'yo. Walang wala 'yan sa'yo. Ikaw pa ba!" habang nakaupo si Glaisa sa tabi ni Cloreen, tumutulo ang luha sa mga mata. Ganun din ang Mama ni Cloreen. Gumalaw, galaw naman ang kamay ni Cloreen, "Ma-ma... Kailan pa po kayo natuto umiyak?" sabi nito nang magmulat ng mga mata. Natawa ang dalawa sa tinuran ni Cloreen. "Ate..." tawag ni Glaisa, "T-teka... Bakit ba kung makasigaw ka para kang nakalunok ng megaphone. T-teka... Huwag mo sabihin na ikaw na ngayon si san pedro at ikaw

