Cloreen pov's Isang linggo mula nang nangyari. Nasa labas na kami ng Condo, mas pinili ni Roxx na sa condo na muna kami, ayaw daw kasi niya ng maingay, masyado raw kasi maingay sa mansyon ni Donya Esme. Kasama sila Mama, Donya Esme at tropa ni Roxx. Sumama na rin silang lahat sa condo, ayaw na nga sana silang pasamahin ni Roxx pero nagpupumilit pa rin sila na sumama sa condo. "Gustong gusto mo lang ma-solo si Cloreen." asar naman ni Tide, si Tide talaga napakadaldal at ang hilig mang asar. Ang isa naman ay napakapikunin. "Ikalma muna master, ah! Alalahanin mo triplets ang dinadala ni Cloreen, baka masobrahan." may pakindat naman na sabi ni Ariel kay Roxx. Sinamaan lang ito ng tingin ni Roxx, mukhang tingin na hindi na masisikatan pa ng araw, Mamaya nga ay makapagresearch, kung paano

