Mabigat kong inihakbang ang mga paa, papasok sa mansyon. Hapon na nang makarating ako. Pinunasan ko ang luha kong tumutulo na lang nang kusa mula sa aking mga mata, Hindi ako sanay sa ganito, Hindi ako sanay na umiyak, Hindi rin ako sanay sa pag eemot ng ganito. Bakit ba kasi, puwede ko naman iwan na lang si, Roxx. Ano ba problema mo, Cloreen. Lalaki lang 'yan. Tatay mo ang pahalagahan mo, 'wag ang lalaking dahilan nang pagkamatay ng ama mo. Bulong nang aking isipan. Nadatnan ko ang mga maids pagkapasok na pagkapasok ko. Nagtanong kaagad ako dito kung nasaan si Roxx. Pero ang sagot nang mga ito ay nasa pool. "Bakit, parang umiyak ka, Cloreen?" mabusisi na tanong naman ni Linda. Hindi naman nakalusot sa kanya ang pag-iyak ko. Mabilis kong hinakbang ang mga paa, papunta sa pool kun

