Cloreen pov's Pagkatapos nang nangyari sa kotse, inihatid naman ako ni Roxx sa bahay. Nagpupumilit pa na sumama pero hindi ko na siya pinahirit pa. Kaya wala siyang ibang choice kundi ang bumalik sa hospital dahil ma bored lang daw siya kapag uuwi siya sa mansyon na hindi ako kasama, Mga kapitbahay talaga. Hahaba ang leeg kapag nakakita nang magarang sasakyan. Ngayon pa ba ako magtataka? Sanay na ako. Nasa tapat na ako ng bahay, pero bakit may mga pulis sa bahay. Anong meron? Dahil gusto kong malaman kung bakit? Nagmadali ako na lumapit sa bahay, sa kamalas malasan muntik pa akong madulas. Kapag nagkataon yung tiyan ko, maiipit pa nang wala sa oras. Nasa pintuan na ako nang marinig ko ang pinag usapan ni mama at ang pulis. "Misis, yung anak niyo po baka puwede pagsabihan niyo na po a

