bc

Harry's REVENGE

book_age18+
22.2K
FOLLOW
146.5K
READ
billionaire
revenge
dare to love and hate
CEO
drama
twisted
bxg
small town
enimies to lovers
punishment
like
intro-logo
Blurb

She was behind the wheel the night her best friend died.

Now her best friend’s fiancé blames her for everything.

Harry lost Ashley and their unborn child in a car crash.

He says it’s Ysa’s fault.

He says she deserves to suffer.

So he makes her an offer she can’t refuse:

Become his fiancée.

Carry his child.

Repay him for the family he lost.

But how do you live with a man who looks at you like you murdered the only people he loved?

How do you pretend to be his future…

when all he feels for you is rage?

She was supposed to pay for his pain.

He wasn’t supposed to fall for her.

He blames her for killing the woman he loved.

Now he wants her to replace the woman he lost.

chap-preview
Free preview
Harry-1
"Ashley," tawag niya habang pilit inaabot ang kamay ng kaibigan sa passenger seat. Siya man ay halos hindi na rin makakilos dahil sa sakit na nararamdaman. May nakadagan sa paanan niya, kaya lalo siyang hindi makagalaw. Pinipilit niyang ibuka ang mga mata para masilayan ang kaibigan. "Ashley—" nanghihinang tawag niya. Pero wala siyang narinig mula sa kaibigan. Ni hindi rin ito kumilos nang maabot ang kamay nito. May nakapa siyang basa at malagkit. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata, at nakita ang kaibigan na duguan. Nagkalat ang dugo sa mukha nito pababa. Dugo rin ang nahawakan niya kanina. Nais niyang sumigaw, pero walang tinig na lumabas sa bibig niya. Pagdilat ng mga mata niya, puting kisame ang tumambad sa kanya. Inikot niya ang paningin sa paligid. Puro puting kisame at dingding lang ang nakikita niya. Kung nasaan siya ay hindi niya alam, pero hinala niya nasa isang silid siya ng ospital. Kung saang ospital, hindi niya alam. Masakit ang buong katawan niya. Para siyang nabugbog. Nanunuyo rin ang lalamunan niya. Kung ilang araw na siya sa ospital ay hindi niya alam. Pero may pakiramdam siyang matagal na siyang nakahiga sa kama. Naalala niya ang mga nangyari. Mabagal lang ang takbo ng kotse niya nang mula sa likuran ay banggain sila ng kung anong sasakyan. Tumilapon ang kotse nilang sinasakyan ni Ashley. "Ashley," usal niya. Inikot niya ang mga mata. Walang tao. Mag-isa lang siya sa silid at hindi niya maikilos ang mga paa. "Ashley," muli niyang usal. Nais niyang bumangon at hanapin ang kaibigan. Nais niyang malaman kung okay lang ito. Pinipilit niyang bumangon kahit hindi niya magalaw ang isang paa. Nang tingnan niya ang paa, may balot iyon. Sinuri rin niya ang mga braso na may mga benda—mga maliliit lang na sugat, marahil dahil sa aksidente. Nakaupo na siya sa kama nang silipin muli ang mga paa. Sinubukan niyang igalaw ang mga ito. Hindi niya maigalaw ang isa dahil mabigat. Para itong may semento, marahil dahil sa pagkakaipit sa kotse. "Si Ashley," usal niya habang pinipilit na bumaba sa kama. Biglang bumukas ang pintuan. Nalipat ang atensyon niya roon. "Ysa!" bulalas ni Marvin nang makita siya. "Anong ginagawa mo?" gulat na tanong nito. Mabilis siyang nilapitan ni Marvin at inayos sa kama. Napigilan siya nito sa balak na pagbaba. "Si Ashley," agad niyang tanong. Napansin niya ang paghugot ng malalim na hininga nito at pag-iwas ng tingin. Kaibigan din ito ni Ashley. Sila ang magkakabarkada, kasama sina Jake at Tintin na magkarelasyon. "Marvin!" inis niyang tawag nang hindi ito sumagot. "Ysa, kasi—" Naputol ang sasabihin pa sana ni Marvin nang sabay na bumukas muli ang pinto. "Harry," gulat na sabi ni Marvin nang makita ang lalaking pumasok. Si Harry. Ang fiancé ni Ashley. Magpapakasal na sila sa susunod na buwan. Nasabi rin ni Ashley sa kanya na buntis ito, kaya mas pinadali ng dalawa ang kasal. "Harry," mahinang sambit niya at napatitig dito. Napansin niya ang pagtigas ng mukha nito at pagtiim ng bagang. Masama ang tingin nito sa kanya, na parang ano mang oras ay sasakmalin siya. Napalunok siya at napalingon kay Marvin na nakatitig din kay Harry. May nangyari ba kay Ashley? Dahil sa galit sa mukha ni Harry, pakiramdam niya handa siya nitong patayin. Bigla siyang kinabahan. Hindi niya gaanong kilala si Harry. Ipinakilala lang ito ni Ashley sa kanya. Nagkakilala raw sila sa New York nang magbakasyon si Ashley doon. Taga-San Miguel din daw si Harry, kaya nang bumalik si Ashley dito, kasama na niya ito. Matapos ang halos isang buwan, sinabi ni Ashley na magpapakasal na sila. Nagulat pa siya—bente dos pa lang si Ashley. Pero nang sabihin nitong buntis siya, wala na siyang nasabi. Mukhang masaya naman at mahal ni Ashley si Harry. "You!" mabalasik na sabi ni Harry, sabay turo sa kanya. Napapitlag siya. Halos sakupin ng boses nito ang buong silid. "Harry, please, she's not fully recovered. Kakagising lang din niya from death," sabi ni Marvin habang hinaharangan ang paglapit nito sa kanya. Kumunot ang noo niya at kumabog ang dibdib. Nais na niyang maiyak—sa takot, kaba, at sa matatalim na mga mata ni Harry. "Damn it!" mura nito. Buong lakas nitong itinulak si Marvin. Napatili siya nang tumilapon si Marvin sa sofa. "I'll kill you, b***h!" matalim na sabi ni Harry at lumapit sa kama. "Harry," bulong niya. Napatili siya nang damputin ni Harry ang leeg niya. Mahigpit ang hawak at halos hindi na siya makahinga. Sinubukan niyang pigilan ang mga kamay nito, pero wala siyang lakas. "Harry, tama na!" sigaw ni Marvin. "Gagawin ko sa iyo ang ginawa mo kay Ashley!" galit na galit na sabi ni Harry. "Harry! Wala siyang kasalanan! Aksidente ang lahat!" sigaw din ni Marvin habang hinihila si Harry palayo sa kanya. "Dahil sa iyo nawalan ang mag-ina ko! Kaya dapat lang na patayin na rin kita sa mga kamay ko!" Sumunod ay mga sigawan mula sa mga bagong dating. Pinagtulungang ilayo sa kanya si Harry habang siya’y halos hindi na makahinga. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, pero naunawaan niya ang sinabi ni Harry. Dahil sa kanya nawala ang mag-ina nito. Anong ibig nitong sabihin? Wala na si Ashley? Umubo-ubo siya. Pakiramdam niya malalagutan na siya ng hininga. At bago pa siya tuluyang mawalan ng malay, nakita pa niya ang pagwawala ni Harry na pinipigilan nina Marvin at Jake. Nasa tabi niya si Tintin. Maya-maya pa, dumilim ang paligid. Kasunod ang pagbagsak niya sa kama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.2K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.7K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.4K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook