Kinagabihan dumating nga si Harry sa bahay nila para sunduin siya. Dumating itong naka-business suit, mukhang galing pa sa trabaho at dumiretso na sa bahay nila. Siya naman ay nagbihis din. Casual lang suot niya. Silk dress na kulay balat. Hindi siya naglagay ng ano mang make up sa mukha. Hindi naman niya kailangan pang mag-ayos. Alam niyang maganda siya. Isa pa si Harry lang naman ang kakaharapin niya. Walang dahilan para mag-ayos pa siya. Sa hapag halata sa mukha ng ama at pananalita na masaya ito sa nangyayari. Masigla itong nakikipag-usap kay Harry. Ang ama lang naman yata ang masaya sa nangyayari ngayon. Ang Mommy kasi niya nababakasan ng lungkot ang magandang mukha. Ang Kuya Zandro naman niya madilim ang mukhang kanina pa tinatapunan ng masamang tingin si Harry. Alam niyang tutol an

