Sinugod niya sa Donya Feliza Hospital si Ysa matapos itong mawalan ng malay. Hindi niya maintindihan kung bakit ito hinimatay sa maliit lang na sugat sa mga kamay. Nakita rin niyang nag hysterical ito at nagsisigaw ng “dugo.” Tila ba takot na takot ito sa dugo o ano man, bago ito tuluyang nawalan ng malay. Kanina pa siya nakatitig sa walang malay na dalaga. Nagamot na rin ang mga sugat nitong natamo dahil sa mga bubog. Galit siya kay Ysa, oo. Pero hindi pa rin niya maiwasan ang makaramdam ng awa sa dalaga sa nangyari. Ganoon naman yata talaga ang kahinaan niya. “Ysa De Guzman,” mapait na bulong niya sa pangalan nito. Pagdating nila kanina sa ospital, tinawagan niya agad ang ama nito. Alam niya ang numero ng ama nito, dahil minsan na itong tumawag sa kanya at pina

