"Sa tingin mo ba matatakot mo ko sa mga sinasabi mo?" Taas-noong tanong niya rito. Kailangan magmukha siyang matapang. Kailangan hindi siya makitaan ng kahinaan ni Harry. Kung hindi lalamunin siya nito nang buo. Ngumisi ito sa kanya. Dahan-dahang inalis ang kamay nitong nakahawak sa mukha niya. Tinaas niya ang mukha para magpakita ng katapangan. Naramdaman niyang bumaba ang kamay nito sa may leeg niya. Dahan-dahang naglalandas ang kamay nito pababa sa leeg niya. Napasinghap siya at inihanda ang sarili sa pagsakmal nito sa leeg niya, gaya ng lagi nitong ginagawa sa kanya. Ngunit hindi siya nito sinakal sa leeg ngayon. Naramdaman niya ang paglandas ng kamay nito pababa sa collarbone niya. Sa balikat niya. Napalunok siya. Hinayaan ito sa ginagawa sa kanya. Ramdam niya ang pagtaasan ng mga ba

