Nagpalinga-linga muna ako kung may tao sa paligid, nakita ko naman na walang tao kaya patuloy kami sa ginagawa namin ni Shee, Ng ma unlocked namin ang pag ka luck ng bike ay mindali kunang pinadyakan ito at para maka layo na kami sa lugar na iyon. Ilang sandali lang naka rating na kami sa bahay.
"Shee, ikaw nalang muna mag ayos nang mga dadalhin na mga gamit nila mama at papa,"
" Sige ate ako na bahala,"
Tumango lang ako bilang pag sang ayon sa sinabe ni Shee,
"Maligo narin muna ako," saad ko.
"Sige ate,"
Pumasok nako sa banyo para maligo agad, dahil sa ilang araw nadin ako hindk ako naka ligo kahit may banyo sa ostpital dahil sa wala akong dalang damit. binoksan kuna ang tubig, unti unti ko binasa ang katawan ko, ng biglang pumasok sa isipan ko ang lalaking iyon.
"Bakit palagi kaming nag kikita ng lalaking iyon para saan?" tanog ko sa aking sarili. Pero binaliwala kona iyon dahil sa dami kuring iniisip. Nang natapus narin akong maligo pumasok nako sa kwarto at nag bihis narin ng maayos, nag ayos narin ako ng mga gamit ko at ng may bigla akong naalala.
"Shee, pwede bang dito ka muna ng ilang oras may puntahan lang ako sa gubat,"
"Sige ate antayin kita"
"Basta antayin mo ako, wagkang umalis ng dipa ako dumadating,"
"Opo ate promise,"
"Okay good,"
Pomunta muna ako sa kusina kumoha ng mga pag kain na pwedeng dalhin at mga dilata, pagkatapos ko ay inayos ayos ko ang ibang mga gamit na dadalhin. "Shee alis nako antayin mong bumalik ako," pahabol kung sambit.
"Oo ate antayin kita," pa sigaw namang sinabi niya.
Nag ibang daan ako para wala akong masalobong na tao. Medyo malayo iyon sa kweba peru ok lang binilisan ko nalang ang lakad ko para mabilis ako makarating, makalipas ang ilang oras ay narating ko rin ang bungad ng sapa, palinga-linga muna ako para tingnan kung may tao, ng makita kung walang tao saka ako nagpatuloy ako sa pag lalakad hangang marating ko ang kweba. Binoksan ko ito pagka pasok ko ay nakit ko ang lalaki naka upo.
"Kumusta kana buti nakaka bangon kana?"
"Oo iha, mabuti andito ka? Akala ko hindi muna ako bibisitahin"
"Pasinsiya na ho, na ospital kasi si mama nung isang araw kaya ngayon lang ako naka uwe," paliwanag ko rito. "siya nga pala ito mga pagkain mo at gamot narin pagaling ka" sabay abot ko sa kanya.
"Salamat iha at tinulongan mo ako,"
"Walang ano man po iyon, pero sa akin lang wag kang lumabas dito hanggang maare at baka matagalan pako bago maka balik dito pero segurado namang sobra-sobra yang pag kain mo na iyan,"
"Maraming salamat uli iha, paano ba kita mababayaran ng utang loob pag dating ng panahon,"
"Wag mo muna isipin po iyan sa ngayon, ang isipin mo muna kung pano ka gagaling at mabuhay nag mapayapa"
"May point ka namn diyan, sige pag butihan kong gumaling nako para hinde masayang ang effort mo,"
"Tama po iyan, bali hindi po ako mag tatagal dahil sumaglit lang ho ako, aalis na po ako dahil hinihintay na ako ng kapatid ko sa bahay"
"Sige iha maraming salamat uli at mag ingat ka,"
"Salamat din ho,"
"Erickson Lou ang pangalan ko,"
"Sige mamang Erick ako namn si Flair,"
Ngumiti at tomango lang ang kanyang sagot sa akin.
Nilisan ko na ang kweba sinarado ko na rin iyon, tulad ng dati nag igib ako sa tabay para hindi halata kung ano ang ginagawa ko, naglakad nako pa uwe wala akong alinlangan mag lakad kahit may maka kita saakin. ilang sandali lang nakarating anrin ako sa bahay namin.
"Shee anjan ka pa ba?" tawag ko rito.
"Oo ate dito lang naman ako,"
"Sige mag handa kana at aalis na tayo pero puntahan ko muna si manong Dodo para arkilahin ang trike niya dahil magpapahatid tayo sa ospital."
"Sige ate,"
Tinongo kuna ang bahay nila Mang Dodo, medyo distansya iyon sa bahay namin. Ilang sigundo lang ay narating ko na rin ang bahay nila.
"Tao po... Mang Dodo" tawag ko rito.
"Oh! ikaw pala iha bakit ka andito?" tanong ni manang Mering dahil siya ang ng bukas sakin ng pinto.
"Opo manang Mering, magandang gabi po makikiusap sana ako arkilahin ko ang trike ninyo, pahatid kami sa hostpital sana,"
"Ganoon ba iha! Sige iha okay lang naman, hali ka pasok ka muna rito, ihahatid ka ni Dodo gabe narin at dilikado sa labas ngayon,"
"Salamat po, pero dito nalang po ako manang Mering,"
"Sige iha kung iyan ang gusto mo siya nga pala kumusta na si mama mo?
"Okay naman na na po siya manang Mering. successful ang operasyon niya, pero hindi parin niya nadidilat ang mata niya, sabe ng doktot gising naman na daw sa mama, hindi palang kaya ng mga mata niya dumilat,"
"Mabuti naman iha kung ganon, sana gumaling siya ng mabilis,"
"Oo nga manang e, sana gumaling na si mama po,"
Ilang minuto lang din ay narinig ko ang ungong ng motor,
"Iha?! Flaur tara na,"
"Sige ho manong Dodo, manang Mering salamat po"
"Sige iha ingat kayo, .mag sabe ko kung may itotolung kami saiyo,"
Tumango lang ako bilang ganti sa sinabi niya at sumakay na ako agad sa trike. "Manong Dodo sa bahay muna tayo andon si Shee ng aantay,"
"Sige iha punta na tayo doon" saad niya.
Tinongo na namin ang bahay naabutan namin nasa labas na si Shee. Sinakay na namin mga dala namin, pumasok muna ako sa bahay at tinongo ang kwarto dahil nandon pa ang mga gamit kung dadalhin, chenik kurin mga pinto kung naka luck naba mga ito, ng nasegurado kuna na naka luck na ito ay lumabas na agad ako. Sumakay na ako sa trike at pina andar na ni manong Dodo iyon.
"Iha saang hospital ba kayo?" Tanong nito.
"Sa general hospital ho ng bayan manong Dodo,"
"Ah, Sige iha."
Ilang minuto din ang byahi namin bago maka rating sa ospital. Sa likod kami domaan dahil wala ng gaanong tao at mas malapit iyon sa kwarto ni mama, iha tulongan kuna kayo at para madalaw ko na rin Si Eva at Ruel," pag presenta ni mamong Dodo.
"Sige ho manong Dodo salamat po ng marami,"
Ilang sandali rin narating din namin ang kwarto ni mama. Nag bukas bigla ang ipon na niluwal nito ang nars, "Ahh buti naman at nars lang kala ko ano na," bulong ko sa hangin. Pumasok narin kami sa loob, naabutan namin sina Dok at Papa.
"Hello Dok," bati ko rito.
"Hello din iha,"
"Kumusta naman si mama dok?"
"Okay lang naman siya iha mukhang madali lang gagaling ang mama mo ang bilis maka recover ng mga immune system niya."
"Salamat naman ho dok sa magandang balita," Hinawak ko ang kamay ni mama, "Mama narinig mo iyon pagaling kana, mama gagalingan mupa mama mas mabilis ang pag galing mo,"
"Sige Mr, Iha alis na ako at may ibang pasyente pa akong pupuntahan"
"Sige po dok"
Tumango lang si papa bilang ganti sa sinabe ni dok.
Nilisan na ni dok ang kwarto namin.
"Papa kumusta ka dito?"
"Okay lang ako anak, oh! pareng Dodo buti napasyal ka?"
"Oo pare eh, pomunta kasi itong anak mo sa bahay arkilahin daw nya ang trike ko para ihated sila dito."
"Ganoon ba pare salamat at pumayag ka,"
"Walang ano man iyon pare maliit na bagay, at wag narin kayo mag bayad sa akin tulong kuna lang iyon ihated sila dito,"
"Maraming salamat ho manong Dodo, malaking tulong na po iyan sa amin,"
Walang ano man iha, sinadya ko ko rin iyon para maka bisita narin dito sa iny, at sa narinig ko magandang balita naman iyon"
"Oo nga pare eh, para maka uwe narin kami dito para maka tipid sa gastos,"
"Okay lang yan pare ganon talaga ang buhay maraming pagsubok na dumarating,"
"Oo papa hayaan nyo na ho si mama muna dito wag muna kayo mag isip ng kung ano-ano, ako na bahala sa pera at mag hahanap ako ng trabaho.
"Ayan naman pala pare eh, kaya ikalma mo lang iyan sarili mo may sulosyun din sa lahat ng problema"
Bumuntong hininga nalang si papa. Sa ilang oras nila papa at manong Dodo na ng kokwentohan halata naman masaya si papa na may bumisita saka nila dahil nakikita ko naka ngeti si papa."