Chapter 6

1749 Words
NIKOLAI'S POV "You must be, Nikolai." Anito. Malalim at dominante ang boses nito. Mukhang hindi ito tagarito. Mukhang mayaman. Kasi ang gara ng kotse. Nangigintab ito sa gara. Nakatingin lang sa amin si Tiyo Tomas. May dumating pa na isang kotse. At may bumaba na apat na lalaki na mga malalaki ang mga katawan. Mukhang body guard ang mga ito. "Si-sino po kayo?" Pagtataka kong tanong. "Nikolai......" Ani Tiyo. "---siya ang tatay mo." Paliwanag ni Tiyo. Napakunot ang noo ko. Tinitigan ko siya ng matalim. "Paano ka nakakasiguro na ako nga anak ninyo?" May inis sa aking boses. Napangiti ang lalaki. "Hindi ba obvious, Nikolai? We have the same features. Para nga tayong pinagbiyak na bunga." "Pwede naman kasi mangyari yon. Nagkakamukha ang mga tao sa mundo." Napangiti siya ulit. Malaki naman talaga ang pagkakahawig namin. Lalo na pag ngumiti. Labas ang biloy sa pisngi. "I am sure na ikaw ang anak ko. Nagkita kami ng nanay mo sa las vegas." "Ha?! Nasa amerikana siya?!" Sabay pa kami ni Tiyo Tomas. "Yes. Bakit hindi niyo ba alam?" Pagtataka nitong tanong. "Hindi. Basta niya lang iniwan itong bata sa akin. Ni ha, ni ho, wala kaming balita sa babaing yon!" Galit na salita ni Tiyo nakapameywang pa ito. "Nagkita kami. Pinagtataguan niya pa ako. Nakorner ko siya. Ewan ko ba sa nanay mo. Ng malaman kong buntis siya. Pinangako ko naman na pananagutan ko ang pagbubuntis niya. Pero tinakasan niya ako. Nasilaw siya sa mga alahas ko. Ninakaw niya ito. Pero I don't mind, I was worried about you. Nagtago siya. Pinahanap ko. Pero magaling magtago ang nanay mo. Akala niya ipapakulong ko siya. Dahil hindi naman ako tagarito sa pilipinas, bumalik ako sa bansa ko. Hanggang sa nakalimutan na kita. Mabuti nagkita kami sa las vegas. Kasama niya ang matanda niyang asawa. Pinilit ko siyang tanungin kung saan ka. Ayaw pa nga niya sabihin. Tinakot ko siya. Sabi ko toturturin ko ang asawa niyang matanda kong hindi niya sasabihin kung nasaan ka. Kaya sinabi niya sa akin lahat. Sinunod niya ang pangalan mo sa akin. I am Nikolas. Nikolas Romanov." "Pero Geronimo po ang apilyedo ko." Matigas kung sagot. "I know, son." Anito. "Hindi naman po kayo ang nakapangalan sa birth certificate ko. Si Tiyo Tomas ang kilala kong ama." Tumalikod ako. "That is why I am here, Nikolai." Hinarap ko siya. "Para ano pa, guguluhin mo lang ang buhay ko, e.!" "Nikolai!" Saway ni Tiyo sa akin. "Ama mo pa rin siya. Bigyan mo siya ng pagkakataon na makilala ka niya." "Isasama kita, Nikolai." Anito. "Ayoko!" Tumalikod ako. Hinila ako ni Tiyo. "Nikolai, ano ka ba? Kung sasama ka sa kaniya mas mabibigyan ka niya ng magandang kinabukasan. Ako, hindi ko maibibigay sa iyo yun!" Tumulo ang luha ko. "Tiyo Tomas....!" Niyakap niya ako. "Okay, lang ako rito, Nikolai, kaya ko ang sarili ko. Ako pa ba?" Pinalakas niya ang loob ko. Tinapik niya ako sa balikat. Hindi na ako nagsalita. Sumama ako sa taong ngayon lang dumating sa buhay ko. Kinuha ko lang ang mga importanteng gamit ko. At hindi ko na nilingon si Tiyo Tomas. Dinala ako ng ama ko sa Russia. Isa siyang Half-filipino russian. Mayaman ang pamilyang pinanggalingan niya. Napunta lang siya ng pilipinas dahil sa isang investment. Nagkaroon siya ng one night stand sa nanay ko. At virgin niya pa itong nakuha. Kaya naging interesado siya sa nanay ko. Lalo ng nabuntis niya ito. Kaso nasilaw ang nanay ko mga alahas nanakatago sa vault nito. Ninakaw ng nanay ko. Naubos naman ito ng pinanganak ako. Ang iba ay binahagi niya kay Tiyo Tomas kaya nagkaroon ito ng maliit na talyer. Binago ng ama ko lahat sa akin. Pati apilyedo ko. Sinunod sa kaniya. Nag graduate ako ng kolehiyo sa isang prestigious university sa Russia. Malaking pinagbago ko. Binigay niya sa akin ang pamamahala ng ilang negosyo niya. Wala siyang ibang anak. Ako lang. Hindi siya nag asawa. Kaya niya ako hinanap. Simula ng dinala ako ng ama ko sa Russia wala na akong balita sa kaibigan kong si Douglas. Kay Tiyo Tomas. At Tita Precille. Nagkaroon ako ng mga ilang girlfriend sa Russia pero hanggang doon lang din. S*x lang ang habol ko. Parausan. Ako ang pinadala ng ama ko dito sa pinas para ayusin ang negosyo niya rito. Kaya laking tuwa ko. After 13 years. Una kong pinuntahan pagkatuntong ko ng pilipinas ay ang kinalakihan kong bahay. Sa talyer. Pagdating ko ay hinanap ko agad si Tiyo Tomas. Iba na ang nakatira roon. Sabi ay binenta na ito ni Tiyo. Itinuro nila kung nasaan na si Tiyo. Nilapag ko ang isang punpon ng bulaklak sa puntod at nagsindi ng kandila. Nanghinayang ako. Hindi ako makapaniwala na nangyari ito. Walang nakapagsabi sa akin. Dahil wala din namang balita sa kaniya. Patay na si Tiyo Tomas. Nagkasakit daw ito ng pneumonia. Hindi naagapan. Pinuntahan ko ang bahay nila Douglas. Pagdating ko doon ay katulong ang nagbukas sa akin. Ganun pa rin ang bahay. Kung ano ang huling itsura nito, ay ganito pa rin siya. Pinapasok ako ng katulong. Nakatulala ito sa akin ng una akong nakita. Gwapong gwapo sa akin. "Pa-pasok ka muna sir, tawagin ko lang si Sir Douglas." Kinatok niya ito sa kwarto niya. Same room pa rin ito. Napangiti ako. Lumabas ito sa kwarto niya. Medyo tumaba ito. Walang damit pangtaas at naka boxers shorts lang din. Humihikab pa ito paglabas. "Bakit, Aling Susan?" Napakamot pa ito sa *r* niya habang humihikab. "Sir, may bisita po kayo." Inginuso niya ako na nakaupo sa sala. Napatingin si Douglas sa kinaroroonan ko. Napakunot ang noo niya hindi niya pa ako namumukhaan. Lumapit siya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ako. "T*ng*n*! Bro? Ikaw ba yan?" Sinipat pa ako. "Bro, kumusta?" Niyakap ko siya. "T*ng*n*, Nikolai! Ikaw nga!" Napayakap din siya sa akin. "My Ghad, Bro, Lalo kang gwumapo! At maganda pa rin katawan mo, a. Adonis pa rin. Mafia boss ka na ata sa Russia, a?" "Ikaw bakit tumaba ka naman?" Tanong ko. "Haiz! Paano na stress sa work. Tsaka panay inom, Bro. May asawa ka na ba?" Nakangiti at umiling lang ako sa kaniya. "What?! Sa gwapo mong yan wala ka pang asawa? Malamang girlfriend impossibleng wala ka nun?" "Meron. Marami. Kabilaan pa nga, e." Biro ko. "T*ng*n*! syempre magaganda at sexy yan. Ikaw pa ba, mag-girlfriend ng pangit?" "Ikaw may asawa ka na ba?" Tanong ko rin sa kaniya. "Sakto nga, Bro nandito ka, e. Ikaw na lang kaya ang ipapalit kong Best Man ko. Nadisgrasya kasi ang kapatid ni Alice. Alice pangalan ng girlfriend ko. Nabuntis ko na kasi kaya kailangan panagutan. Yun sana best man ko." Sabi nito. "O, Talaga ikakasal ka pa lang? Sure ba. Ako na Best Man mo." Sang-ayon ko. "Siya nga pala kumusta si Tita Precille?" Naalala kong itanong sa kaniya "Ayun, nalungkot nong nawala ka. Di ka man lang nagpaalam sa amin, Bro. Pero may boyfriend na ulit After na approve yong annulment nila ni Tito Dom, Madami nanligaw kay Tita. Haha! Attorney ang boyfriend niya yong naglakad ng annulment nila ni Tito Dom." Kwento nito. "Mabuti naman nakahanap ng bagong lovelife si Tita." Wika ko. Masaya ako marinig kong maayos na ang buhay niya. Naalala ko ang naging relasyon namin. Pero kinalimutan ko na iyon. "O, siya saan ka pala nag-i-stay?" Tanong nito. "A, may condo ako. Malapit sa BGC." "Buti nakabalik ka after 13 years. Ano trabaho mo sa Russia?" Kasunod niyang tanong. Nahiya pa ako magkwento. Napakamot ako sa batok. "Marami negosyo tatay ko. Meron din dito sa pinas, kaya napabalik ako." "Bro, talaga? Ibig sabihin CEO ka?" Gulat nito. "Parang ganun na rin." Napangiti ako. "Alam mo na nagyari sa Tiyo Tomas mo?" Malungkot nitong sabi. "Oo." Napatingin ako sa aking relos. "Siya nga pala, Bro. Hindi ako magtatagal. Babalik ako sa office, may meeting ako before lunch. I'll keep in touch, Bro. Balik na lang ako. What is your account sa sss?" Kinuha ko ito. Binigay ko naman mga pasalubong ko. Habang sa kalsada ay bigla akong nagulat ng may mag-overtake na motor. "P*t*! T*ng*n* motor na to!" Binusinahan ko siya ng malakas. Alam niya bang muntik ko na siya mahagip? Binusinahan ko pa siya ng binusinahan. Naririnig niya ba ako? G*g* to, a?" Pagdating sa stoplight saktong natapat sa akin ang naka-motor. Binaba ko ang salamin ko. "Hoy! Umayos kang mag drive ha? Hindi ka ba marunong tumingin. Muntik na kita mahagip!" Galit kong sabi. Napatingin siya sa akin. Tinuro ang sarili niya. Naka black helmet kasi ito kaya hindi makita ang mukha. "Ako ba kausap mo?" Anito. Lalong kumunot ang noo ko sa inis. Tinitigan ko siya ng matalim. "Natural sa iyo ako nakatingin, malamang ikaw ang kausap ko, t*ng* ka ba?" Tinaas nito ang helment. Naka mask din ito ng black kaya di pa rin makita buong mukha nito. "Teka, yabang mo, a. Makapagsalita ka ng t*ng* wagas a." Boses babae ang narinig ko. Ibig sabihin babae ang rider. "Sa uli-uli tignan mo muna ang ginagawa mo, bigla ka na lang mag oovertake, e!" Sakto biglang nag-go. Nag f*ck you sign siya sa akin. "T*ng*n* mo!" Sigaw ko sa kaniya. Nag f*ck sign ulit siya at pinaharurot ang motor niya. Nag-iwan ito ng makapal na usok. Napasuntok ako sa manibela ko. Nag ingay ang mga kotseng nasa likuran ko. Nagbusina ang mga ito. Dahil go na, ako ay hindi pa nag go. Na-late ako sa meeting ko. Pero okay lang at mabait naman ang aking General Manager. Pinakilala ako ng General Manager sa board. At sa iba't ibang department ng company. Bawat babae na empleyado ay nagpapapungay ng mga mata. Gustong magpapapansin sa akin. Na meet ko ang secretary ko si Ms. Vergara. I was expecting na maganda at sexy ito. Misis na siya at apat ang anak. Dahil mahaba ang experience nito as a secretary. Qualified siya sa work. Sa tingin ko kaedad siya ni Tita Precille. "Nice to meet you, Sir Romanov." Anito. Inilahad niya ang ang kaniyang kamay sa akin. At kinamayan ko rin siya. "You can call me, Nikolai if you want to." Nagtanong ako ng mga agenda for the next day. May na mention siyang she need to hire an assistant secretary. So nag agree naman ako. As soon as possible. Kasi sa dami ng ipapagawa ko baka hindi kaya ng isang secretary lang or in case mag absent or wala siya at least meron isang may nakakaalam ng trabaho niya. Para may mautusan ring magtimpla ng kape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD