NAYA'S POV
Binuksan ko ang mensahe ni Veron:
"Girl, may hiring ng assistant secretary sa G Tower sa BGC. Try mo mag-apply."
Napabuntong-hininga ako. Ito na naman. Apply na naman. Naiinis na ako sa sitwasyon ko. Dalawampu’t walo na ako, pero parang wala pa ring nangyayari sa buhay ko. Ang dami ko nang inaplayan na trabaho na related sa course kong Business Administration, pero laging may “with experience” na hinahanap. Paano ako magkakaroon ng experience kung wala namang tumatanggap sa akin?
Apat na taon na ang nakalipas mula nang gumraduate ako ng kolehiyo, pero pakiramdam ko parang walang saysay ang diploma ko. Ang totoo, ilang beses akong nagpalit ng kurso noon dahil hindi ko alam kung ano talaga ang gusto ko. Hindi naman kasi ako matalino. Puro tres ang grades ko. Nakakahiya, lalo na sa Daddy ko—isang Public Attorney na matalino at kilala sa larangan niya. Kabaligtaran ko.
Sa edad kong ito, dapat independent na ako. Pero pagkatapos kong magtapos ng kolehiyo, puro gala lang ang inatupag ko. Lalo na’t patay na patay ako sa boyfriend kong si Floyd—anak ng isang may-ari ng mall sa Makati. Sabi ng Daddy ko, “Magpakasal na lang kayo.” Pero hindi pa ako handa—lalo na’t wala pa akong trabaho.
Hinahayaan na lang ako ng Daddy ko sa gusto ko, pero alam kong naiinis na rin siya sa akin.
Matapos basahin ang mensahe ni Veron, gumawa ako ng bagong resume at nagpasya akong subukang mag-apply bukas. Pero bago iyon, naisipan kong puntahan si Floyd sa condo niya. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita dahil busy siya sa business trip. Perfect na pagkakataon para i-surprise siya. Anniversary din namin ngayon.
May sarili naman akong ipon, kahit
papaano. May iniwan sa akin ang mommy ko ng pera bago siya pumanaw, pero alam kong mauubos din iyon. Kailangan ko nang makahanap ng trabaho. Ayaw ko rin umasa sa Daddy ko.
Pagdating ko sa condo ni Floyd, binuksan ko ang pinto gamit ang duplicate na susi ko. Nag-message siya na wala pa siya, kaya mas lalong gumaan ang loob ko. Saktong-sakto para makapag-prepare ng dinner.
Pagpasok ko, inilapag ko muna ang mga pinamili ko sa kitchen. Tapos, dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto niya. Napansin kong nakaawang nang bahagya ang pinto. Palapit na ako nang makarinig ako ng mahihinang ungol mula sa loob.
Natigilan ako. Bumilis ang t***k ng puso ko.
Dahan-dahan kong itinulak ang pinto—at halos manlambot ang tuhod ko sa nakita ko.
Si Floyd. Hubo’t hubad. May babae sa ibabaw niya, gumigiling habang nakasabunot sa buhok niya. Kitang-kita ko kung paano nilalamas ni Floyd ang malulusog nitong s*s* bago siya siniil ng halik ng babae. Ilang sandali lang, umangat ito at marahang hinugot ang p*********i ni Floyd mula sa sarili niya, kapwa namumula ang kanilang mga *r* sa init.
Nagpalit sila ng posisyon. Tumuwad ang babae, at walang habas na binaon ni Floyd ang sarili niya sa loob nito. Para silang hayok na hayok sa isa’t isa.
Nanginginig ang buo kong katawan—sa galit, sa sakit, sa pagkasuklam.
Hindi na ako nakatiis.
Malakas kong itinulak ang pinto.
Nagulat ang dalawa. Agad nilang tinakpan ang hubad nilang katawan gamit ang kumot, pero huli na. Nakita ko na ang lahat.
"ANO 'TO, FLOYD?!" sigaw ko, nanginginig ang boses ko sa galit.
Nagmamadaling bumangon si Floyd, pero hindi niya ako matingnan nang diretso. Samantalang ang babae—isang mestisa, matangkad, at halatang nasa mid-20s—ay hindi man lang nagmukhang guilty. Sa halip, may bahagyang ngiti pa sa labi niya habang pinapanood ang reaksyon ko.
"Naya, let me explain—"
"Explain?!" Natawa ako, pero puno ng pait. "Anong ie-explain mo? Nahuli na kita mismo sa akto! Wala na akong kailangang marinig!"
Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan, pero hindi ko alam kung dahil sa galit o sa sakit. Ang taong minahal ko nang sobra, niloko lang ako.
Huminga nang malalim si Floyd at lumapit sa akin, nakasuot na ng boxer shorts. "Naya, hindi kita gustong saktan."
Napaatras ako. "Hindi mo ako gustong saktan?!" Tumingin ako sa babae. "Sino 'to, Floyd? Ilang buwan mo na akong ginagago?"
Bago pa siya makasagot, biglang sumingit ang babae. "Ako si Tricia. Girlfriend niya. Matagal na kaming may relasyon ni Floyd."
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Napalingon ako kay Floyd, naghihintay ng pagtanggi. Sabihin mong nagsisinungaling siya. Sabihin mong ako ang girlfriend mo.
"Naya, kasalanan mo rin naman ito, e!"
Napanganga ako sa sinabi ni Floyd. Anong ibig niyang sabihin?
"Anong… bakit kasalanan ko?" tanong ko, hindi makapaniwala sa narinig ko.
"Oo, kasalanan mo!" Sumabog siya. "Hindi mo ako masisisi, Naya! Lalaki ako! Sawa na ako sa puro halik at kaka-finger diyan sa p*k* mo! Kailangan ko ng higit pa!"
Parang sinampal ako ng realidad sa sinabi niya. Nanginginig ang mga kamay ko, hindi ko alam kung dahil sa galit o sa sakit.
"So… dahil hindi ko binigay nang buo ang sarili ko naghanap ka ng iba?" bulong ko, hindi makapaniwala sa kapal ng mukha niya.
"Anong gusto mong gawin ko, Naya? Maghintay nang habang-buhay?!" sumbat niya, ang boses niya puno ng inis.
Napatawa ako—isang mapait at walang kaluluwang tawa. Ganito pala siya. Ganito kababaw ang pagmamahal niya.
"Alam mo, Floyd," tumingin ako nang diretso sa mga mata niya, "hindi mo lang sinira ang relasyon natin. Sinira mo rin ang respeto ko sa'yo. At higit sa lahat… sinayang mo ako."
Hindi na ako naghintay ng sagot.
Dahan-dahan akong umatras, pilit nilulunok ang namuong luha sa mga mata ko.
"So… ganun lang?" Mahina kong sabi. "Tatlong taon, Floyd. Tatlong taon tayong magkasama. Ganito mo lang sisirain lahat?"
Hindi siya makasagot.
Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Parang may bagay na namamatay sa loob ko.
"Alam mo…" Tumawa ako nang mapait, pinunasan ang mga luha kong hindi ko nanapigilan. "Sana sinabi mo na lang nang maaga."
Tinalikuran ko siya. Dire-diretso akong lumabas ng condo, hindi na nag-abala pang kunin ang mga dala ko.
Pagdating ko sa labas, saka ko lang napagtanto na bumabagsak na ang luha ko nang walang preno.
Nasayang ang tatlong taon. Nasayang ang pagmamahal.
Pero higit sa lahat, nasayang ang panahon ko sa maling tao.
Pagkarating ko sa bahay, diretso akong pumasok. Wala akong pakialam kung marinig nila ang ingay ng makina ng motorsiklo ko—wala na akong pakialam sa kahit ano.
Pagpasok ko sa kusina, nadatnan ko si Daddy na kumakain. Agad siyang napatingin sa akin, at halatang napansin niya ang namumugto kong mga mata.
"Naya, anong nangyari?" tanong niya, kita ang pag-aalala sa mukha niya.
Lalong nangilid ang luha ko. Ang sakit pa rin.
"Wala na po kami ni Floyd," mahina kong sagot. "Nahuli ko siyang may kasamang babae."
Bumuntong-hininga lang si Daddy. Hindi man lang siya nagulat.
"Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo," kalmado niyang sagot. "Kaya maghanap ka na lang ng iba."
Napailing ako. Ganun lang? Hindi ba niya naiintindihan?
"Daddy, mahal ko si Floyd!" halos sigaw ko, pilit hinahabol ang paghinga sa gitna ng paghikbi.
"Ano pa magagawa mo?" seryoso niyang tugon. "Sabi mo nga, may kasama na siyang iba."
Hindi ko na napigilan ang hagulgol ko. Bakit ganito? Bakit parang ang dali lang para sa kanya?
Napailing siya at muling bumuntong-hininga. "Naya, hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sa'yo, pero hindi mo naman ako pinakinggan. Lagi ka namang nasusunod, e." Tumingin siya sa akin, diretso at walang halong emosyon. "Ngayon, bahala ka na sa buhay mo. Nasa hustong gulang ka na. Mag-asawa ka man o hindi, ayos lang. Kung magpabuntis ka, wala rin akong magagawa."
Natigilan ako. Parang biglang tumigil ang mundo ko.
Ganito na ba kababa ang tingin sa akin ng sarili kong ama?
"Daddy, ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin?" mahina pero puno ng sakit ang tinig ko.
Napabuntong-hininga siya bago sumagot, hindi man lang ako tinitingnan. "Hindi naman sa ganun, Naya…" Saglit siyang natigilan, tila nag-iisip ng tamang sasabihin. "Pero hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko sa'yo."
At bago ko pa masagot, tumalikod na siya at pumasok sa kaniyang silid.
Pagpasok ko sa kwarto, agad akong humiga sa kama, pero kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko, hindi ko mapigilang balikan ang mga nangyari.
Biglang tumunog ang cellphone ko—si Veron.
"Gurl, anong nangyari?" tanong niya.
Hindi ko na napigilan at ikinuwento ko sa kanya ang lahat.
"ANO?! Putragis, Floyd! Hayop siya!" sigaw niya sa kabilang linya.
Napangiti ako nang bahagya sa inis niyang reaksyon.
"Naya, ayos ka lang ba?" tanong niya, mas mahinahon na.
"Hindi," diretsong sagot ko. "Kaya lumabas tayo. Gusto kong magpakawala kahit ngayong gabi lang."
"Pwes, game! Iinom tayo hanggang makalimutan mo yang g*g*ng 'yan!"
Pagkababa ng tawag, agad akong tumayo at nagbukas ng closet. Kinuha ko ang pinaka-sexy kong damit—isang itim na bodycon dress na halos hindi na matakpan ang hita ko, at may pabuyang bumabakat ang dibdib ko.
Hindi ako mahilig sa makapal na makeup, pero ngayon, sinagad ko na. Isang fierce red lipstick, smokey eyes, at konting blush para hindi ako magmukhang tuyot sa kaiiyak.
Nang matapos, tumingin ako sa salamin. Hindi ito ang normal na ako.
Pero ngayong gabi, wala akong pakialam.
Ngayong gabi, gusto kong magwala.
Pagdating ko sa bar, agad kong naramdaman ang malakas na t***k ng bass sa dibdib ko. Perfect. Ito ang lugar kung saan walang makikialam sa akin—walang huhusga, walang magtatanong.
Sa dulo ng bar, nakita ko si Veron, kumakaway at may hawak nang inumin. Agad akong lumapit.
"Gurl, grabe ka! Halos hindi na kita makilala!" Napatingin siya sa suot ko mula ulo hanggang paa. "Kung goal mo isampal sa mukha ni Floyd kung anong sinayang niya, mission accomplished!"
Napangiti ako. "Tonight, wala akong pake."
"Tama yan! Tara, shot tayo!"
Umorder kami ng tequila, at walang pag-aalinlangan, ininom ko agad. Masakit, pero hindi kasing sakit ng ginawa ni Floyd.
Isa pa.
Isa pa.
Hanggang sa maramdaman kong umiinit na ang katawan ko, at unti-unti nang lumuluwag ang bigat sa dibdib ko.
"Sayaw tayo!" sigaw ni Veron, hinila ako papunta sa dance floor.
Sa ilalim ng kumikislap na ilaw, hinayaan kong lumaya ang katawan ko. Walang iniisip, walang pakialam. Gumalaw ako sa musika, sinasabayan ang bawat beat,
habang nararamdaman ko ang panibagong sigla na matagal ko nang hindi nadarama.
Habang sumasayaw, may lumapit sa akin—isang matangkad, mestisuhin, malaadonis na katawan at gwapong lalaki. May mapanuksong ngiti siya habang nakatitig sa akin.
"Alam mo bang napaka-hot mo ngayong gabi?" bulong niya sa tenga ko.
Tumingin ako sa kanya, at sa unang pagkakataon, hindi ko inisip kung tama ba o mali ang gagawin ko.
Ngumiti ako. "Ganun ba?"
Lumapit siya, inilagay ang kamay niya sa bewang ko, at hinayaan kong ilapit niya ako sa kanya.
Ngayong gabi, hindi ako si Naya na iniwan at niloko.
Ngayong gabi, ako ang gagawa ng sarili kong kwento.
Napatitig ako sa kanya habang nakatingala—mas matangkad siya sa akin, at sa height kong 5'2", halos kailangan kong iangat ang ulo ko para mapagmasdan siya nang buo.
Gwapo siya. O sobrang gwapo. Para bang nakita ko na siya noon, pero hindi ko maalala kung saan.
Napansin niya sigurong tinititigan ko siya, kaya lumapit pa siya at bumulong sa tenga ko, ang boses niya mababa at mapanukso.
"Pwede ka ba ngayon?"
Napangiti ako. Hindi ko alam kung ano mismo ang ibig niyang sabihin—pero ngayong gabi, wala akong balak mag-isip nang masyado.
Kaya sinagot ko siya nang pilya, "Pwedeng-pwede."