Marcus’ Point of View “Marcus, magkaiba ang kotse na may dala kay Gab at ang sinasakyan ni Scot. Nauuna ang kotse ni Gab. Papasok na ito ng Mauban. I’ll keep track of them,” Kyle told us then he cut his call. “Tangina,” I blurted out. “Sinong uunahin natin?” Abby asked from behind. “Iyong bata muna. Marcus, as much as possible, huwag kang babaril sa harap ni Gab,” Ace told me. “Leave the killing to me,” Abby retorted. Para siyang bata na ganado sa gagawin. Akala mo habulan ang lalaruin. “Papasok na tayo ng Mauban,” Ace announced after a while. I called Kyle to confirm the exact location. “Diretso, paglagpas niyo ng tulay, makikita niyo ang bayan. Paglagpas niyo ng Mauban Port, kumaliwa kayo sa Mauban-Cavinti Road. Mapuno ang daan na ‘yan at kadalasan mga farm. Lagpas ng Cagbalete Ele

