CHAPTER 1
Kath’s Point of View
“Ma, bakit asul ang mata ko?” I always asked my Mom about my eyes wherever I have the chance to ask her. Iyon ay kung hindi siya nagsusugal at lasing sa alak. Madalas akong tawaging anak araw sa probinsya namin. Pinanganak ako sa Romblon. Isang isla sa Visayas. Malayo sa kabihasnan pero nagkalat ang anak ng mga puti doon.
Ang sabi kasi sa amin, kapag nakapangasawa ka ng Amerikano, giginhawa ang buhay mo. Parang hindi naman. Twelve years old ako nang dalhin ako sa America ng nanay ko para hanapin ang sundalo kong ama. Akala ko gaganda ang buhay namin sa America pero hindi pala. Mas lalong nalulong sa alak si mama. Blue label daw kasi ang alak doon at hindi gin kagaya ng iniinom niya madalas.
Nakita nga namin si Papa after ng ilang buwan naming pagtira sa park. Naging palaboy kami sa America bago namin makita si Papa. Mayroon siyang kinakasama at that time. At dahil asul ang mata ko na katulad ng kay Papa, pinatuloy niya kami ni Mama. Dahilan para magkahiwalay sila ng girlfriend niya.
Hindi madali ang buhay namin sa America. Mas lalong naging mahirap ng malulong sa drugs si Mama at mamatay dahil sa overdose sa cocaine. I was seventeen that time.
Maliit lang ang pension ni Papa na nakukuha sa government ng America. Kulang sa panggastos namin. After ng high school, sabi ni Papa hindi niya na raw ako kayang pag-aralin. Kaya nagsumikap ako. Nagtatrabaho ako sa umaga, pumapasok ako sa college sa hapon.
Hindi madali. Napakahirap ng buhay sa America. Nagkasakit si Papa ng lung cancer. Kinailangan kong huminto sa pag-aaral para maalagaan siya. He died when I was twenty-one. Pero bago siya namatay, sinabi niya sa akin na mayroon pa siyang isang anak. He asked me to look for him. His name is Kian Miller.
“Mayroon talagang something sa kasal ano para makapag-reminisce ka,” Diane blurted out behind me. I was looking at Kian and Trisha. They were dancing and laughing. Malayo na ang narrating naming magkapatid.
“I just remembered how my life changed when I met my brother,” I replied to her. Nasa kasal kami ni Merjie at Redgie. Naging kaibigan na namin ang tatlong magbe-bestie. Isa doon ang buntis na girlfriend ni Cloud.
“Huwag ka ng mag-drama. Nakatingin si cutie sayo oh.”
Parang sira ang mga kaibigan ko kung makatukso. As if mga dalaga kung makatili.
“Hi, I’m Justin.” He handed me his hand, so I gave mine. “Kath.” Laking gulat ko ng halikan niya ang kamay ko. Nagkulay kamatis ako, s**t.
“Nice name for a pretty lady,” Justin said. Hmmm, bolero.
May trauma na ako sa mga ganyang lalaki. Boy next door with mischievous smile. Those smiles promised good time. Pero after noon, wala na.
“Can I have this dance?” he asked. Inakay kaagad ako ni Justin sa dance floor.
Naririnig ko pa ang mga catcalls nila Diane.
“Where are you from?” he asked me. “From here,” I replied. Mukha siyang nagulat.
“You don’t look like a Filipino,” he said. I nodded. Because of my eyes and my skin color. I look Western. Hindi nga lang ako blonde. “I am half American.”
“Oh, I see. So, you stay here, huh?”
“Yup, with my son.” I saw how his smile changed. I knew it. He is a player. “You are married?”
“Single Mom,” I corrected him. “I see,” he said again. Did you really see anything? I chuckled.
“Disappointed, aren’t you?” His smile was plastered again. “No. Not disappointed. I am just… amazed.”
Amazed, my ass. Mas lalo kang maa-amaze kapag nakita mo si Kian. Lahat naman ng lalaki ganyan. They were interested with my face, tapos mawawalan ng gana kapag nalamang may anak ako. Tapos biglang they want my attention ulit because Kian is my brother.
Wala na akong ilusyon na mayroon pang magmamahal sa akin kagaya ng pagmamahal na nakikita ko sa mga kaibigan ko. I learned my lesson the hard way. Kaya ang tiwala ko, kasing hirap makuha kagaya ng patak ng ulan sa Sahara.
I swayed to an angle para maiharap si Justin kay Kian. Sabihin niyo ng tuso ako. Nanlaki ang mata niya ng makilala si Kian.
“Jesus Christ. That’s—That’s Kian Miller,” he said. His voice is not so loud, but he attracted a lot of attention.
“Oh, Kian. Do you know him?” Kunwari hindi big deal sa akin. Pero gusto ko ng tapakan ang paa ni Justin para tumigil siya.
“Of course, he is like the champion at NASCAR. Why he is here?” Para siyang batang nakakita ng power ranger sa Toy Kingdom.
“He is my brother,” I told him. “Oh God. Really?!”
Here we go, and my line after that would be— “Anyway, Justin, thank you for the dance. I should go back to my friends. Nice to meet you.”
At iniwanan ko si Justin sa gitna ng dance floor. Sinalubong ako ng nakangising si Marcus.