CHAPTER 2

701 Words
Marcus’ Point of View “Paano ka magkaka-boyfriend kung lahat nasa friend zone sayo?” Sinundan ko si Kath hanggang sa buffet table. “Maybe because I am not looking for a boyfriend.” Nakataas ang isang kilay nitong sagot sa akin. Kung ano-anong gulay ang kinuha ni Kath. Ang laki na ng ipinayat niya buhat nang dumating siya sa Country Club. “Ikaw na lang ang natitirang manang. Naunahan ka pa ni Yumi.” “Bakit ba gigil na gigil kayong magka-lovelife ako?” Asar na sagot nito at nagmamadaling bumalik sa table. “Uncle Marcus, look what I’ve got!” masayang lumapit sa akin si Gab, ang anak ni Kath. Nagniningning ang asul na asul na mata nito. “Too much chocolate will make you destroy your teeth.” Gab jumped to my back to piggyback on me. “Mama said it’s okay, that’s why there are dentists,” katwiran ni Gab. “Your Mom likes sweets kaya sinabi niya ‘yon. Pero hindi ibig sabihin maganda sa health ang sobra sa sweets.” “You love me anyway, kahit wala na akong ngipin,” biro ni Gab sa akin. Sa lahat ng bata dito sa Country Club, si Gab ang napalapit nang husto sa akin. Siguro dahil wala siyang tatay kaya sa akin siya madalas sumasama. “Gabriel, marurumihan ang damit ni Uncle Marcus mo,” I heard Kath somewhere. “Uh-oh. Mama saw us. Run, Uncle.” Natawa ako. Hell, why not. Tumakbo kami nang palapit na sa amin si Kath. Tawa nang tawa ang bata na nasa likod ko. “Your Mama will spank us later,” I told the little buddy at my back. “No…” he squealed with delight. “Baka injectionan niya tayo mamaya.” “Takot ako sa injection,” I told the kid na lalong tumawa. “Parang kagat lang ng langgam, Uncle,” sabi nito. “Gabriel Andrew Miller! Get down. Now.” Napahinto kami ni Gab sa pagtakbo. “We’re in trouble,” bulong nito sa akin. Nakalapit sa amin si Kath at kinuha nito si Gab na nakapasan pa sa akin. “Nalukot mo na ang damit ni Uncle Marcus mo,” Kath reprimanded the kid. They have the same shade of blue. Parang kulay ng dagat. “Hey, Kath, okay lang. Huwag mong pagalitan ang bata.” “Ang galing mong magpalaki ng bata, Marcus. Kaya gustong-gustong sumasama sayo ni Gab kasi ini-spoil mo.” Napayuko si Gab sa sinabi ni Kath. Hindi ito napansin ng Mama niya pero parang nasaktan ang bata. “Hindi spoiled ang anak mo. Gusto lang namin maglaro, ‘yon lang,” I replied to her at nginuso ko ang nakayukong si Gab. Nakuha kaagad ni Kath ang ibig kong sabihin. “Sorry. Hindi nga spoiled si Gab. He is a good boy, right, baby?” Kath asked her son. Biglang nagliwanag ulit ang mata ng bata at yumakap sa ina. “See you around, Gab. And remember…” “Always brush my teeth, I know, Uncle Marcus.” Tinanaw ko si Kath at Gab habang palayo sa kinakatayuan ko. Nakangiti at tumatango si Kath sa kung anong kinukwento ni Gab. “Ano ang nginingiti mo d’yan?” Biglang nagsalita si Kyle sa likuran ko. Kyle walks like a shadow. Bigla na lang sumusulpot ang gago. “Kung mayroon lang akong baril, napatay na kita,” I told him. “Hindi rin. Mabagal ka e. Tignan mo pinakawalan mo na naman.” “Shut up,” I told him which made him laugh. “Hinahanap ka ni Ace. Kailangan daw ng yayo ni Jack.” Natatawa ito na umiiling. “Sa tingin mo papasok sa ARMY si Jack?” Kyle asked habang papunta kami sa reception area. “Kung mangyayari ‘yon, baka makita na nating umiyak si Ace,” I joked at Kyle. Hindi ako makapaghintay na makitang lumaki ang mga batang ito. For sure malaking gulo ang dala nila. Maraming papaiyaking babae ang mga batang lalaki… at ngayon pa lang hanga na ako sa mga maglalakas loob na manligaw sa mga prinsesa ng Country Club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD