Kath’s Point of View
“Kian, we already talked about this, right?” Nagtatalo na naman kaming magkapatid tungkol sa sitwasyon ko. Alam kong nagmamagandang loob si Kian, pero may sarili na rin siyang pamilya. Buntis pa si Trisha.
“I have more money that I need. Let me help you,” he insisted.
“You already helped me by giving me this flat. I can do this Kian.”
Para makatipid ako sa gastusin, hindi na ako kumuha ng yaya after magtanan ng yaya ni Gab nitong huli. Naka-duty ako minsan sa clinic dito sa Club o kaya sa Hospital ng Tagaytay.
“You are so impossible to talk with, Kathleen. Gab is my nephew. I can help you give him a life.”
“A life I can’t provide?” May halong sakit ang dating ng mga salita ni Kian. “It’s not like that and you know it’s not what I meant,” he answered, feeling frustrated.
“Then stop rubbing it to my face that I can’t provide for my son. I am trying to be the best mother that I can be. Please let me…”
Napatingin sa kisame si Kian at huminga nang malalim.
“Call me when you need me, Kath.” Iniwan ako ni Kian sa loob ng dati niyang flat na ngayon ay solo na namin ni Gab. Nakatira sila sa Grace Hotel ni Trisha. Mayroon silang penthouse sa isa sa building ng hotel.
Napaupo ako sa sofa. Nasa harap ko na si Kian, nagbibigay ng tulong but this stupid pride won’t let me accept that help. Kailangan kong ipakiusap na naman si Gab kung pwede muna kay Bella or kay Frank. Hindi ko siya pwedeng isama sa Hospital ng Tagaytay.
Bakit ang hirap kong kuhanin ang tulong ni Kian pero ang kapal ng mukha kong humingi ng tulong sa iba kong kaibigan? Iyon ang lagi naming pinag-aawayang magkapatid.
Bitbit ko si Gab palabas ng building papunta sa parking nang makita namin si Marcus sakay ng big bike nito.
“Uncle Marcus!” sigaw ni Gab dito. Kumaway pa ang anak ko kay Marcus. Kumaway naman ito at nag-iba ng daan para puntahan kami. Napataas ang kilay nito nang makitang naka-scrubs ako.
“May pasok ka?” he asked. “Oo e. May emergency sa Tagaytay. Ipapakiusap ko sana kay Bella kung pwede doon ulit muna si Gab.”
“Sa akin na muna si Gab. Wala naman akong gagawin. Naka-bakasyon ako.”
“Yes, Mama, please. I’ll be good.” Nag-puppy eyes pa ang anak ko. Gusto kong tumanggi pero nag-ring na naman ang phone ko.
“Hello… Yes, I’m on the way,” I told the HR.
“Sige, ito ang bag niya. Nand’yan lahat pati yung milk niya, vitamins. Naligo naman na siya. Dadaanan ko siya sa quarters mo mamaya. Salamat, Marcus.”
Ibinigay ko ang bag ni Gab sa kanya. Parang alanganin ang Jansport na bag ni Gab sa suot nitong White na T-shirt, ripped jeans at boots.
“Bye, baby. Be good, okay?” I kissed Gab on his cheeks.
“Bye mama, ingat po.” Kumaway pa si Gab habang nagmamaniobra ako. Tinanaw ko sila ni Marcus habang palayo ang kotse ko papuntang hospital. Sinakay niya si Gab sa unahan, binigay ang helmet niya saka pinaandar ang bike. Nakita ko pang kumakaway ang anak ko sa palayo kong kotse.
Alam kong hindi papabayaan ni Marcus si Gab kaya nakapagtrabaho ako ng kampante.
Mayroong aksidente sa highway, isang bus ang nahulog sa bangin kaya maraming pasyenteng dinala sa hospital. Mayroong ilang patay ng dalhin sa hospital, pero marami ang nakaligtas. Kailangan naming mag-extend ng oras dahil kapos kami sa staff. Halos limang pasyente kami kada isang nurse sa ER.
Punong-puno na ng dugo ang scrub ko. Hindi ko namalayan ang oras. Halos twelve hours shifting ang nangyari. Sa kakamadali ko, naiwan ko pala ang bag ko sa bahay kaya wala akong pamalit na damit.
Mag-a-alas dies na ng gabi nang makarating ako sa quarters ni Marcus. Isang bungalow house ito na malapit sa park.
“Kath? Anong nangyari sayo?” tanong nito nang pagbuksan niya ako ng pintuan.
“Okay lang ako. Si Gab?” Pinapasok ako ni Marcus. Nadaan ako sa salamin ng bar sa bahay niya at saka ko lang nakita ang itsura ko. Maputla ako dahil hindi pa ako kumakain buhat noong umalis ako sa bahay. Magulo ang buhok ko. Puro dugo ang damit ko.
“Tulog na si Gab. Nasa kwarto ko. Gusto mo bang magpalit muna ng damit? Hindi naman sa pagiging maselan pero baka mahawa si Gab sa kung anong virus ang nasa damit mo.”
“Wala akong dalang pamalit. Usually naliligo ako sa hospital bago umiwi,” I replied to him.
“Pahiramin kita ng damit. Mayroon naman siguro akong maliit na damit na kakasya sayo. You can use the other room.” Hindi ako hinintay sumagot ni Marcus. Pumunta ito sa kwarto niya at naghanap ng damit.
He has a point. Baka makakuha ng virus si Gab kung hindi ako maglilinis. Hinalungkat ko ang bag kong dala. Lagi akong may dalang disposable panty sa bag. Hindi ko alam bakit nakagawian ko na ‘yon.
Binigay ni Marcus ang nakuha nitong mga damit. Isang jogging pants, isang T-shirt na mukhang maliit sa kanya pero malaki pa rin sa akin, towel, shampoo saka sabon na anti-bacterial, saka shawl na checkered.
“Para saan ang shawl?” I asked him.
“Alangan namang isuot mo pa ulit ang bra mo. Pambalabal mo para hindi ka mailang. Malalaki ang sweater ko, baka madapa ka kapag sinuot mo,” sagot nito. May point siya.
Tinuro ni Marcus ang guest room at doon ako naligo sa toilet nito. Walang ayos ang kwarto. Halatang walang gumagamit. Dali-dali akong naligo. Hindi na ako nahiya. Ang inaalala ko ay si Gab. Baka mahawa ng sakit. Tatlong beses akong nag-shampoo at nagsabon ng katawan. Nag-toothbrush na rin ako gamit ang travel toothbrush ko sa bag.
Mukha akong clown sa laki ng jogging pants ni Marcus. Sinuot ko ang t-shirt saka nilagay ang shawl para hindi bumakat ang n****e ko na mukha ng pebble sa ginaw ng hangin after kong mag-shower.
Paglabas ko ng kwarto, naamoy ko ang pagkain na nakahain sa mesa. Kumulo ang sikmura ko. Sa sobrang lakas narinig ni Marcus.
“Sabi na nga ba at hindi ka pa kumakain. Umupo ka na, Kath. Mukha ka ng hihimatayin,” utos nito. Wala na akong lakas para tumanggi.
Mayroong itlog, pandesal, saka hot tea. Umupo ako sa isang bangko saka kumain.
“Kailan ka huling kumain?” Marcus asked nang naka-lima na akong pandesal.
“Kaninang umaga bago mo kami makita ni Gab.” Nakunot ang noo nito. “Kulang sa staff. May aksidente kanina. Isang bus ang nahulog sa bangin.” Tumango ito.
“Kamusta ang maghapon niyo ni Gab?” Ngumiti si Marcus at nagsimulang magkwento.
Kinuwento niya kung gaano kadaming cupcakes ang kinain ni Gab sa Sweet Bells. Pinagsabihan pa ako nito na masama ang masyadong maraming sweet sa katawan. Marunong na raw sumakay sa pony mag-isa si Gab. Tinuruan niya raw kanina kasama si Cailee. Pinakita pa nito ang binili niyang laruang pana. Binili niya raw si Cailee, Jack at Gab. Sinama niya raw lahat ng bata kanina sa Toy Store sa Grace Hotel.
Si Jon, King at ang anak ni Red na lalaki na si Carlos naman, bola raw ng football ang kinuha. Natawa ako ng ikwento niya kung gaano kagulo ang Toy Store pag-alis nila. Nahiya raw siya sa mga staff kaya ni-report niya sa mga nanay kung gaano kagulo ang mga anak nila para bigyan daw ng incentives ang nagligpit ng kalat kanina.
Hindi ko namalayan ang oras. Inabot ako ng alas dose sa quarters ni Marcus. Binuhat ni Marcus si Gab saka ibinaba sa passenger seat. Tulog na tulog ang anak ko na nakasuot ng pajama na binili rin daw nila kanina.
Parang mayroong bumara sa lalamunan ko nang makita kong hinalikan ni Marcus sa noo si Gab.
“See you tomorrow, buddy,” bulong nito kay Gab.“Bakit ba gigil na gigil kayong magka-lovelife ako?” Asar na sagot nito at nagmamadaling bumalik sa table.
“Uncle Marcus, look what I’ve got!” masayang lumapit sa akin si Gab, ang anak ni Kath. Nagniningning ang asul na asul na mata nito.
“Too much chocolate will make you destroy your teeth.” Gab jumped to my back to piggyback on me.
“Mama said it’s okay, that’s why there are dentists,” katwiran ni Gab.
“Your Mom likes sweets kaya sinabi niya ‘yon. Pero hindi ibig sabihin maganda sa health ang sobra sa sweets.”
“You love me anyway, kahit wala na akong ngipin,” biro ni Gab sa akin. Sa lahat ng bata dito sa Country Club, si Gab ang napalapit nang husto sa akin. Siguro dahil wala siyang tatay kaya sa akin siya madalas sumasama.
“Gabriel, marurumihan ang damit ni Uncle Marcus mo,” I heard Kath somewhere. “Uh-oh. Mama saw us. Run, Uncle.” Natawa ako.
Hell, why not. Tumakbo kami nang palapit na sa amin si Kath. Tawa nang tawa ang bata na nasa likod ko.
“Your Mama will spank us later,” I told the little buddy at my back. “No…” he squealed with delight.
“Baka injectionan niya tayo mamaya.”
“Takot ako sa injection,” I told the kid na lalong tumawa. “Parang kagat lang ng langgam, Uncle,” sabi nito.
“Gabriel Andrew Miller! Get down. Now.” Napahinto kami ni Gab sa pagtakbo. “We’re in trouble,” bulong nito sa akin. Nakalapit sa amin si Kath at kinuha nito si Gab na nakapasan pa sa akin.
“Nalukot mo na ang damit ni Uncle Marcus mo,” Kath reprimanded the kid. They have the same shade of blue. Parang kulay ng dagat.
“Hey, Kath, okay lang. Huwag mong pagalitan ang bata.”
“Ang galing mong magpalaki ng bata, Marcus. Kaya gustong-gustong sumasama sayo ni Gab kasi ini-spoil mo.”
Napayuko si Gab sa sinabi ni Kath. Hindi ito napansin ng Mama niya pero parang nasaktan ang bata.
“Hindi spoiled ang anak mo. Gusto lang namin maglaro, ‘yon lang,” I replied to her at nginuso ko ang nakayukong si Gab. Nakuha kaagad ni Kath ang ibig kong sabihin.
“Sorry. Hindi nga spoiled si Gab. He is a good boy, right, baby?” Kath asked her son. Biglang nagliwanag ulit ang mata ng bata at yumakap sa ina.
“See you around, Gab. And remember…”
“Always brush my teeth, I know, Uncle Marcus.”
Tinanaw ko si Kath at Gab habang palayo sa kinakatayuan ko. Nakangiti at tumatango si Kath sa kung anong kinukwento ni Gab.
“Ano ang nginingiti mo d’yan?” Biglang nagsalita si Kyle sa likuran ko. Kyle walks like a shadow. Bigla na lang sumusulpot ang gago.
“Kung mayroon lang akong baril, napatay na kita,” I told him.
“Hindi rin. Mabagal ka e. Tignan mo pinakawalan mo na naman.”
“Shut up,” I told him which made him laugh. “Hinahanap ka ni Ace. Kailangan daw ng yayo ni Jack.” Natatawa ito na umiiling.
“Sa tingin mo papasok sa ARMY si Jack?” Kyle asked habang papunta kami sa reception area.
“Kung mangyayari ‘yon, baka makita na nating umiyak si Ace,” I joked at Kyle.
Hindi ako makapaghintay na makitang lumaki ang mga batang ito. For sure malaking gulo ang dala nila. Maraming papaiyaking babae ang mga batang lalaki… at ngayon pa lang hanga na ako sa mga maglalakas loob na manligaw sa mga prinsesa ng Country Club.