CHAPTER 4

960 Words
Marcus’ Point of View Kinabukasan, naabutan ko si Kyle na nasa Server Room. Nakatulala sa screen at hindi namalayan ang pagdating ko. Sinenyasan ko ang mga tauhan ni Ace na nagbabantay sa mga CCTV na huwag maingay. Ginulat ko si Kyle sa pagkakatulala nito. Mabilis itong tumayo, kinuha ang monoblock na upuan at ihahampas sa akin. Buti nakailag ako, nabasag ang monoblock. Nanlaki ang mga mata ng mga tauhan ni Ace. Napakurap si Kyle nang makita akong tumatawa sa tabi ng basag na upuan. “Gago ka, Marcus. Muntik na kitang masaktan. Bakit ka ba nanggugulat? Alam mong hindi ako dapat ginugulat, hayop ka.” Naihilamos ni Kyle ang kamay sa mukha. “Gago, kanina ka pa tulala. Anong problema mo, bakit nandito ka? Hindi ka yata nakabuntot kay Attorney.” Kumuha si Kyle ng panibagong bangko habang nililinis ni Manong Dads ang nabasag na monoblock. Napakurap si Kyle sa mga monitor. “Ano?” “Buntis si Sam,” sabi ni Kyle. “Sino ang ama?” pang-aasar ko. “Tangina, kailan ka ba makakausap nang matino?” Tawa ako nang tawa dahil mukhang tanga si Kyle. “E di, congrats, pre. Anong feeling?” Inihilamos na naman nito ang kamay sa mukha. “Honestly, natatakot ako. Anong alam ko sa mga bata?” Tawa ako nang tawa kay Kyle. Parang ang laki ng problema nito. “E di mag-practice ka. Napakaraming bata sa labas ah. Alagaan mo minsan ‘yong kambal ni Ace,” I suggested. Napailing si Kyle. “I just can’t believe na magiging tatay na ako. f**k s**t, noong sinabi ni Sam sa akin kanina ‘yon, hindi ako nakapagsalita. “Gago. For sure galit ‘yon sayo ngayon. Dapat nando’n ka kasama niya. Baka isipin pa no’n hindi ka masaya.” “Puta, patay ako do’n. Sige, hahanapin ko muna. Ayaw kitang makatabing matulog.” Mabilis na lumabas ng Control Room si Kyle saka pa lang nagtawanan ang mga tao sa loob. “Sa lahat ng matalino, si Kyle ang medyo tanga,” I told them. “Sir Marcus, mabuti at nakakabiruan mo si Sir Kyle. Hanggang ngayon hindi namin makausap ‘yon e,” kwento ng isa sa mga tauhan. “Maliit lang mangagat ‘yon.” “Kaya pala nabasag ang bangko na hinampas kanina,” naiiling na sagot ng isa pa sa mga tauhan. Pinanood ko kung paano suyuin ni Kyle si Sam sa CCTV. Tawa kami nang tawa ng mga tauhan ni Ace. Matututo kasi, hindi dapat ginagalit ang buntis. “Sir, yung girlfriend niyo may bisita yata,” one of the guys told me. “Wala akong girlfriend, ulol.” “Si Nurse Kath, hindi mo ba girlfriend ‘yon, Sir?” “Yayo lang ako ng anak niya. Sinong bisita nila?” pag-iiba ko sa usapan. Zinoom nila ang camera na nasa gate. Nakita ko ang isang foreigner na puti na kinukuha ni manong guard ang details. Lumabas kaagad sa screen namin ang pangalan at ID na binigay ng bisita ni Kath. Kinuha ko ang laptop ko na iniiwan ko sa control room at hinanap kung sino si Scot Freeman. From California, an asshole, working as an IT and has a tons of student loan. He has lots of traffic violations, not married but had live in partners in the past. No children in the record. So, who the f**k is this Scot Freeman? Nakita kong papunta sa flat ni Kath ang kanong hilaw. Kinuha ko ang susi ng motor ko na nakapatong sa mesa. Sinarado ang laptop at nagmamadaling pumunta sa flat ni Kath. Medyo malayo ang admin building sa mga condo unit kaya nanag dumating ako sa floor ni Kath, naririnig ko na ang sigaw nito. “Get out of here. Get out!” Tinutulak ni Kath si Scot palabas ng pintuan. Pero makapal yata ang mukha nito para hindi siya pakinggan. “You will f*****g listen to me, Kath. I was looking for you for years.” Hiniklat nito ang braso ni Kath kaya sumigaw si Gab. “Let her go.” Tinulak ko palayo si Scot kay Kathleen. Pumagitna ako sa kanilang dalawa. “Who the hell are you? This is none of your f*****g business, man,” mayabang na sagot nito sa akin. Sa lahat ng ayaw ko, iyon ang lalaking nanakit ng babae. “You will respect her, or you will die here,” I lowered my voice, so Gab won’t hear me. “That is my child, Kath. You will give him to me or I will fight you in court.” “You don’t have a child, Scot. Now go and don’t come back here. Leave us alone. I will report you, I swear.” Nanginginig si Kath habang pinapapasok niya si Gab na pilit sumisilip sa pintuan. Nakita ni Scot si Gab pero humarang ako sa gitna nila. “Leave,” I told him. Nakita kong lumabas sa lift si Ace kasama ang ilan sa mga tauhan niya. “What seems to be the problem here?” Ace asked, looking at Scot. “Ace, I want you to ban him from coming here!” Hysterical na ang boses ni Kath. “Let’s go, Mr. Freeman. We will escort you at the gate,” yaya ni Ace kay Scot. “I will get what I want, Kath. Remember, you started this.” Iniwas ni Scot ang braso nito kay Ace at mayabang na naunang maglakad papuntang lift. Tumango si Ace sa akin at pinapasok ko si Kath at si Gab sa loob ng flat nila. Parang alam ko na kung sino ang ama ni Gab. At hindi ko gusto ang taong nakita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD