CHAPTER 5

991 Words
Kath’s Point of View “Huminahon ka,” bulong ni Marcus habang hinahagod ang likod ko. Hindi ako makaiyak dahil nakatingin sa amin si Gab pero nanginginig ang buong katawan ko. “Ayaw ko siyang makita, Marcus,” I said softly para hindi marinig ni Gab ang usapan namin. “Then hindi mo na siya makikita, Kath.” “How did he find me?” I asked myself. “Gab is here, Kath. Listen, we will take Gab out of here. Dalhin muna natin kay Cheska, saka tayo mag-usap. You need to tell me the full details kung sino si Scot.” “Okay,” I tried to calm my nerves. “Gab?” I tried to sound cheerful. “Let’s go. Pupuntahan natin sila King at Jack.” “Yes. Thank God,” exaggerated na sagot ng anak ko. “Let’s go, Mama. Let’s go, Uncle Marcus.” Hinatak kami ni Gab papuntang pintuan. “Gab, maliligo ka muna. Go to the toilet. Bilis.” Tinaboy ko papuntang kwarto si Gab. “Hihintayin ko kayo,” Marcus assured me. Mabilis kong pinaliguan si Gab at pumunta kami sa bahay ni Cheska. Nandoon na si Ace na parang hinihintay kami. Sinabihan siguro ni Marcus. Kaagad sumama si Gab kay King at Jack at nagpunta sa playground nila sa garden. “Umalis na ba siya?” I asked Ace. Tumango ito. Bakas sa mukha ni Cheska ang pag-aalala. “Sino ba si Scot?” Marcus asked me. Tumingin ako sa labas para siguraduhin na hindi ako maririnig ni Gab. “He is Gab’s father,” I told them. “When I told him I was pregnant, he asked me to abort the baby. So, I left.” “Kath, hindi naman sa pakikialam. Bakit ayaw mong maging part si Scot ng buhay ni Gab kung bumabalik siya ngayon?” Ace asked me. Alam kong malalaman din nila ito. They are good at finding informations. Umiling ako. “Hindi si Gab ang gusto niyang malapitan kung hindi si Kian. He wanted Kian’s money. Noong una ayaw niya sa bata. Ayaw niya kay Gab. Noong nanganak ako I tried to reach him, pero ayaw nya talaga. Sabi niya hindi raw niya kikilalaning anak ang anak ko. Noong nag-retire si Kian, mayroong ginawang documentary sa kanya about his life. Nabanggit ako sa documentary na ‘yon. It was all over the news at USA. Then suddenly, naging interesado si Scot sa aming mag-ina.” Nanginginig ang katawan ko. “Ayaw ko siyang makalapit kay Gab. Masasaktan ang anak ko.” Naiiyak ako sa nangyayari. “By law, walang karapatang si Scot kay Gab. Dito siya pinanganak sa Pilipinas at dual citizen ka. Hindi siya nakapirma sa birth certificate so technically, Gab is only yours,” Marcus told me. Nahihilo ako sa nangyayari. “I have a bad feeling na may gagawin siyang hindi maganda. When a company in USA fired him, he took their network down. He is an IT. Hindi ko alam kung bakit hindi siya nahuli ng FBI dati. He knows how to hack,” I told them. “Kath, kumalma ka. Kaming bahala sa inyong mag-ina. Pwede bang ipasok muna sa home school si Gab para hindi na makaalis ng Country Club?” Suddenly, nakadepende ako sa mga kaibigan ko lalo na kay Marcus. Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. “I can’t afford a home school,” I honestly told them. “Kami na ang bahala doon, Kath. Isabay natin kay King at Jack si Gab. Nandito naman ang teacher nila bukas,” Cheska said like it was nothing. Nag-ring ang cellphone ni Ace. It was Kyle calling him. Hindi namin narinig ang sinasabi ni Kyle pero nag-iba ang mood ni Ace. “Sige, Kyle. Bantayan mo lang,” Ace told Kyle. “You were right. Scot is trying to enter our firewall to shut our system. Kyle is on it,” Ace informed us. “s**t… Anong gulo ‘to,” iyon na lang ang nasabi ko sa kanila. “Kath, okay lang ‘yan. Mukha namang nag-e-enjoy si Kyle sa pakikipaglaro kay Scot. Wala kang dapat ikatakot,” sabi ni Ace. “Don’t overthink, Kathleen. Magiging okay ang lahat,” Marcus assured me. Hindi lang pangaral ang inabot ko kay Kian kung hindi isang katutak na sumbat kung bakit hindi niya raw alam ang tungkol kay Scot. Sa sobrang galit niya, hindi na ako kumibo nang isa-isahin niya ang dapat naming gawin. At pati ang kotse ko na nananahimik napagdiskitahan. Hindi na raw ako makakatakas kung hahabulin ako ng kalaban dahil kusang titigil ang kotse ko sa daan. At mabilis pa raw ang bike ng toddler sa andar ng kotse ko. Sinabi niya ‘yon sa harapan ni Marcus at Trisha na natatawa sa naririnig. “I am telling you, Kath, this is ridiculous. I don’t want to hear any complain from you on this matter. You will have a new car and that death trap you called car will be disposed!” sigaw ni Kian sa akin. Para akong bata na gustong sumagot pero dahil galit si tatay, nanahimik na lang. Sinesenyasan ko si Trisha. Umiiling ako sa kanya pero she just rolled her eyes on me. “Kath, it’s just a car. Kuhanin mo na,” Trisha said like it was nothing. “And a home school for Gab…” sabat ni Kian. “Kian…” I tried to but in. “No buts, Kathleen. He is my nephew. My blood too. So, no buts coming from you or I swear, Kathleen, I will lock you here and you will not work ever.” Namumula sa galit si Kian. Wala akong magawa. Baka atakihin sa puso ang isang ito kaya nanahimik na lang ako. Isa pa, hindi nakakatulong ang pagngisi-ngisi ni Marcus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD