Marcus’ Point of View “Anong nangyari?” Pinuntahan ko si Kyle sa Server Room na abala sa kaka-encode. Sa aming tatlo nila Ace, siya ang matinik sa coding. “Madulas ang ex ni Kath. Pero hindi siya nakapasok sa system ng Country Club. Kaso inaantok na ako. Ayaw pang huminto ng gago,” Kyle replied to me. “Kailangan mo bang bantayan?” I asked him. “Hindi naman. Pero pinapasok ko ang system niya. Malapit na. Kung kaninong internet man ang gamit nita tiyak na hindi makakapag-operate ng at least two days minimum kapag nilagyan ko ng virus,” sagot nito. Puro binary ang nakikita ko sa monitor. “Kailangan mo ng report?” Kyle asked me. He is referring to Freeman. “Nagawa ko na.” “Bilis ah,” pang-aasar ng gago. “Anong nakalkal mo?” “Wala masyado. Iyon ang nakakapagtaka. Hindi ko makita ang reco

