Kath’s Point of View “Kath…” Nag-aalalang lumapit si Kaye sa akin. Halos maglupasay ako sa sahig ng boutique niya. She put the close sign at the door and helped me stand. Pinaupo niya ako sa couch at saka hinayaang umiyak. “I heard everything,” Kaye said to me. “Can’t believe he said that.” “Hayop siya. Ang kapal ng mukha niyang magtanong kung sino ang ama ng bata.” Paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang tanong ni Marcus. Sinong ama? Sinong ama? “Nakita kong duguan ang ulo ni Marcus—” napahinto sa pagsasalita si Diane. “My God, what happened?” Dali-dali itong pumunta sa couch. “Anong nangyari pagkaalis namin? Nag-away ba kayo?” naguguluhang tanong ni Diane. Sumesenyas si Kaye dito pero as always, Diane is Diane. “Anong ginawa niya sayo?” tanong ni Diane. “Shh! Huwag kang maingay

